Deviltale [#23]

13.8K 221 23
                                    

TWENTY THREE


“Bigay mo na, bilis!” sabi ni Alexi na tinulak pa ko. Tsk. Ba’t kailangan ako pa? Badtrip din minsan tong babaeng to e.

“Ikaw na. Regalo mo rin naman yan e.” pinapabigay kasi niya saken yung regalo namin kay Tita Mich. Nananadya e. Pasalamat siya, gwapo ako.  Bwahaha.

“Bilis na. Aalis na sila o.” pilit niya pa. Aalis kasi sila ni Dad dahil yun naman lagi nilang ginagawa. Syempre, di ako sumasama dahil panggulo lang ako dun.

“Sige ka. May kakalat na story.” Amp. Hanggang dito ba naman, blackmail padin? Tsk.

Kinuha ko na yung regalo namin dahil wala  na naman akong choice tapos bumaba papuntang sala.

“TitaMich. HB.” Sabi ko nang di tumitingin habang binibigay yung regalo. Di naman siya nagsalita. Amp. Nakakailang.

“Finally, pinansin mo din ako.” Napatingin ako sa kanya na nakasmile sakin.

“Sorry,  Aero. Ang OA much ko e.” natawa ako sa kanya tapos niyakap niya ko.

“Ayos lang. Maganda ka padin naman.” Natawa lang kami sa sinabi ko tapos naghiwalay kami.

“WTF?” Napatingin kami kay dad na galit yung itsura. Anong trip na naman  neto?

“Sabi ko na nga ba e. Pinagtataksilan niyo ko.” Dagdag niya kaya nagkatinginan  kami ni TitaMich nang natatawa.

“T@ngena, hun. Mas gwapo naman ako kay Aero a! Ba’t mo ko niloko?” todo emote pa ang gagu kong ama kaya lumapit ako sa kanya at binatukan ko. Wala lang. Mas gwapo kasi ako e. Bwahaha.

Tumawa lang naman kaming tatlo tapos napatingin kami kay Alexi na bumaba ng hagdan.

“Yii. Okay na sila. Happy Birthday po.” Sabi niya tapos nagyakap sila ni  TitaMich.

“Sama kayo.” Alok ni Dad samin. Teka, san ba sila pupunta?

“Bawal tumanggi. Birthday ko.” Sabi lang ni TitaMich kaya pumayag na kami at lumabas.

Paglabas namin, andun si Gyptian sa may Gate na may dalang regalo.

“Happy Birthday, TitaMich.” Binigay niya yung regalo niya. Oo. Close sila.

“Wow. Thanks. Ang ganda ko talaga. Anyway, sama ka din, Gyptian. Bawal tumanggi.” Tinignan ko si TitaMich na nagsmile sakin. Amp. Ba’t kasama pa yang gagung yan?

“Musta, Gyptian?” nag-appear sila ni Dad tapos sumakay na kami ng kotse. Sa likod kaming tatlo umupo habang nasa gitna si Alexi. Ang ingay nga nung dalawa na patawa-tawa na naman. 

“San ba punta natin?” tanong ko kina TitaMich para matahimik yung dalawa.

“Sa resort ng dad mo.” May resort pala siya? O.O?

“Cool... Wala kaming damit.” Sabi ni Gyptian kaya natawa si TitaMich at Alexi. Ako? No comment lang.

“Don’t worry. Dadaan muna tayo sa mall para makabili kayo.”Ayos a. Sana pinagempake muna nila kami. Oh well, pera naman nila yan.

Nagstop over kami sa mall para bumili ng damit na pangswimming at pamalit na din. Tapos nun, bumalik na kami ng kotse at natulog ako. Wala lang, kaantok e.

“Aero, gising na.” dinilat ko yung mata ko kay Alexi tapos natulog ulit ako. Tumawa kasi sila ni Gyptian tapos nararamdaman ko pang umaandar yung kotse. 

Narinig kong parang may sinabi si Gyptian pero di ko lang pinansin at nakatulog na ulit ako.

“Pre, si Liel, kausapin ka daw.” Napagising ako ng di oras at kinuha yung phone ni Gyptian.

Why’s you wanna, like, say to me, Aero?” Amp. Anong nangyari sa boses ni Liel?Epekto ba ni Zain to? 

Nag-isip lang ako sandali kung kaninong boses yun dahil familiar  pero dahil inaantok pa ko, binaba ko na. Bwahaha.

“Ungas ka talaga.” Hinagis ko yung phone ni Gyptian papunta sa kanya dahil ang lakas niyang mantrip. Muntik na nga mabagsak kaya natawa ako sa itsura niya na parang kinabahan na ewan.

“Mag-anuhan nalang nga kayo diyan. Iniistorbo pa ko e.”natawa sila Tita Mich  sa sinabi ko. Binatukan naman ako ni Alexi habang si Gyptian naman, binalik yung phone niya sakin na nakaopen sa write messages.

“Sige. Basta, wag ka magseselos a? =D” nakasulat sa phone niya. Sinisilip nga ni Alexi kaya tinakpan ko. Tsismosa e. Bwahaha.

“Oi. Ano yan?” nilayo ko kay Alexi  yung phone tapos pinalitan ko ng “Pakyu. Asa.” yung nakasulat bago ko binalik kay Gyptian.

“Weh. Sige, ako na OP!” natawa kami kay Alexi kasi parang bata tapos binigay ulit ni Gyptian yung phone niya.

“Sus. Kaya pala ginagawa mo yung NTMSWDFM.” Nagulat ako sa tinext niya. Pucha. Pano niya nalaman yon?

Magrereply pa sana ako kaso tumigil na yung kotse at pinababa na kami nila Dad. Tinignan ko yung resort. Nice. Ba’t ngayon ko lang napuntahan to? 

Oh yan a. Walang konek sa kagwapuhan ko. Baka sabihin niyo lahat nalang e. Bwahaha.

Pagbaba namin ng kotse, hinila agad ni Tita Mich si Alexi para magbihis sila kaya naiwan kaming tatlo sa labas. 

“Guys, tara, punta tayo sa kwarto niyo.” Pumasok na si Dad sa loob. Susunod na nga sana si Gyptian kaso pinigilan ko siya.

“Pano mo nalaman?” tanong ko kay Gyptian pagkabigay ko ng phone niya.

“Kung san san mo kasi iniiwan yung cellphone mo e.” Amp. Naiwan ko nga pala sa kotse nung hiniram ni dati. Badtrip. 

“Wag ka mag-alala, pre. Di ko naman sasabihin e. Pero may tanong ako-“ napahinto si Gyptian dahil lumabas si Dad at tinawag kami. Sumunod naman kami tapos nagpalit ng  shorts na pangswimming. 

“Oi, ano yung tatanong mo?” nung magsasalita  na siya bigla siyang natulala dun sa may pool kaya tinignan ko kung anong meron.

Pa-ahon sa pool si Alexi na nakaswimsuit. Woah. Ba’t parang ang hot niya? O.O?

Napansin niyang nakatingin kami sa kanya ni Gyptian kaya umiwas agad kami ng tingin. Syempre, baka kung ano pang isipin niya. Titigan ba naman siya ng isang gwapong kagaya ko e.Bwahaha.

“Mahal mo din ba?” tanong bigla ni Gyptian kaya napatingin ako sa kanya.

“Oo, mahal ko din.” Yung swimmingpool. Bwahaha.

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon