Chapter 39

2.1K 68 2
                                    

Malapit na ito matapos konting tumbling na lang.
*******
Tinnie's Pov

"Tinnie, can I talk to you?" Napataas ang sulok ng labi ko sa tanong ni Pinky.

She wants to talk to me? Ano bang kailangan niya?

"Ano bang gusto mong pagusapan natin?"

"Isn't it supposed to be 'sino' rather than 'ano'? Ano to bobohan lang? Alam mo naman kung sino." Pagtataray niya. Nagugulahan ako sa pinagsasabi niya.

"Tanggap ko naman na ikaw ang pinili ni Aki pero sana ipaglaban mo siya. Tama nga sila ang pagmamahal niyong dalawa ay nakakamatay. Nakwento kasi sa'kin ni Aki ang nangyari at alam kong mahirap ang pinagdadaanan niyong dalawa. I am not her to reconcile narito ako at gustong makipagusap sa'yo dahil gusto kong tumulong sa gulo niyo." Hinawakan ni Pinky ang kamay ko. But here I am still speechless. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

Should I be happy? Sad?

"Alam na niya na ipapatapon ka ni Sir Villanueva sa New Zealand." Dagdag pa niya. Hinila niya ako patungong parking lot.

"Where are you taking me?" Marahan kong tanong sa kanya.

"I am taking you to your Aki."
Pumasok kami sa sport  car niya.

She's taking me to Aki?

"Peace na ba tayo, Pinky?" Tanong ko sa kanya. Bakit kinakabahan ako?

"Yes. I already told you tanggap ko na." Ngumiti siya sa'kin. I gave her my sweetest smile.

"Ah.. Pinky.... Mababangga tayo." Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong mababangga kami.

"SHIT!" Pagmumura ni Pinky. Umuulan, basa ang daan at madilim.

"Bakit?" Kinakabahan kong tanong.

"Wala tayong brake, Tinnie."

Aki's Pov

Nasaan ba ako? Nanlaki ang mga mata ko na nakita ko si Tinnie na duguan sa loob ng sasakyan. Car Accident.

No!

Pilit ko siyang ginigising pero tila hindi ko siya mahawakan.

Ano bang nangyayari?

"Aki, wake up." Bigla akong nagising na may sumipa sa'kin. Hinihingal ako. Nakatulog pala ako.

"Shit! Dude, binabangungot ka." Tinapik ni Angelo ang balikat ko. Inabutan ako ni Ken nang malamig na tubig.

"Bad dreams." Napahilot ako ng sentido ko. I really bad dream to be exact. "Napanaginipan kong duguan si Tinnie dahil sa car accident. Dude, kinakabahan ako. Puntahan ko na kaya siya." Tumayo ako sa kinauupuan ko at deretsong lumabas ng bahay.

Kaya ko to. Napatingin ako sa telepono ko na kanina pa nagriring.

Calling Drin....

"Hello?"

(Aki, pumunta ka rito sa St Camillus Hosptal.) Bakas ko ang pagaalala sa boses niya.

"Bakit?"

(Tinnie and Pinky na-car accident. Okay na si Pinky pero si Tinnie.... I don't know.)

"I'm on the way na." Binaba ko ang tawag niya. Kahit gaano kalakas pa tong bagyong to kailangan ko siyang puntahan.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ken. Huminga muna ako ng malalim.

"Hospital." Deretso akong lumabas at nagtungo sa garage.

Nang makapasok ako sa kotse ay ipinasibad ko ang aking kotse. Damn! Ang lakas ng ulan at ang dilim ng daan.

Hindi ko masyadong makita ang dinadaanan ko.

Fvck! May isang truck na papalapit sa'kin.

It's getting closer......

*Blag*

Everything turns black and white. Ang huli kong nakita ay ang ngiti ni Tinnie.

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon