Chapter 16

3.1K 95 0
                                    

Tinnie's Pov

Cristina over there, Cristina over here. Nakakabwisit lang. 1 day lang naman ang absent ko tapos daming pinapagawa sa akin. I'll sue that stupid Aki.

"Bwisit ka na naman." tinapik ni Henry ang ulo ko.

"Sapak you like, kabayo?" tinignan ko naman siya ng masama.

"Eto namang tigreng to hindi na mabiro." pang aasar niya sa akin.

Sa oras na to pinapatay ko na si Henry sa utak ko.

"Tinnie, kung nakakamatay lang ang tingin malamang patay na ako." humagalpak ako ng tawa kahit alam kong hindi nakakatawa.

"Ang cute mo pala tumawa. Kaya pala crush na crush ka ni Angelo." nanlaki ang mga mata ko.

Ako crush ni Angelo? Eh? Si Chinny nga ang type nun.

"Wee?"

"Oo nga. Alam mo ba sa tropa namin ang may crush sayo ay sina Raphael, Angelo at Francel idagdag mo na lang si Drin." napa-huh ulit ako.

"Si stepbro?"

"Oo, dahil dyan sa ngiti mo. Ako nga eh muntik na kaso pagmamay ari ka na ni Aki. Sa totoo lang gusto ko sana na ligawan ka kaya lang nahuli na ako." napakamot siya ng batok. "At alam ko namang hindi mo ako type. Pero ito talaga ang pinaka totoo, hindi ka lang crush ni Aki kundi onti na siyang nahuhulog sayo dahil dyan sa ngiti, at ugali mo. Iba ang tingin niya sayo." ngumiti siya ng matamis sa akin.

"Kahit kay Ardy?"

"Oo, kahit kay Ardy." ngumiti rin ako.

"Speaking of the devil papalapit si Ardy sa atin." nilingon ko ang tinitignan niya.

Tama siya si Ardy nga papalapit sa amin.

Medyo may hawig kami ni Ardy pero ang magkaiba lang ang katauhan namin.

"You must be Cristina Rielle Cordova, right?" tanong niya nang makalapit siya sa amin.

"Oo ako nga." kalma lang Tinnie. Nagpaalam si Henry na iiwanan niya muna kami ni Ardy.

"Stay away from Aki. Dahil the last time I checked boyfriend ko pa siya." she glared at me. Ateng mali ata ang binangga mo.

"Ex." pagtatama ko sa kanya.

"Wala kang alam sa nangyayari sa amin Tinnie." tumaas na ang tono ng boses ni Ardy.

"May sinabi ba akong meron? Bobo lang." pagtataray ko.

"Bakit ba ang taray-taray mo? Hindi ka naman kagandahan." napailing na lang ako.

"Hindi ako mataray, hindi din ako masungit. Ayaw ko lang talaga sa'yo. May mga babae talaga na hindi maganda, pero bawi naman sa porma." pinagtaasan ko siya ng kilay. Akala mo hindi kita papatulan

"Atsaka Ardy, ipinagdadamot ko na si Aki dahil ang akin ay akin. I don't like sharing my property at sa pagkakaalam ko I am his choice kaya back off." padabog siyang umalis sa harapan ko.

Mabilis pa sa alas kwatro hinahanap ko si Aki.

Dyahe na saan na ba yun? Malaman ko lang na kasama niya si Ardy naku kakalbuhin ko talaga ang babaeng yun tapos puputulan ko ng alaga si Aki.

"Tinnie!" sigaw ni Aki. Nakita ko siya sa may grandstand. He was smiling from ear to ear kitang kita ko tuloy ang eyesmile niya. Pasimple akong pumunta sa may grandstand at hinarap siya.

Kaya mo to Tinnie.

"We should love not fall in love because everything that falls gets broken. Huhugot na sana ako ng malalim, pero napagtanto kong mas malalim pala ang nararamdaman ko para sa'yo." nagmamadali akong tumalikod at tumakbo palayo sa kanya.

Alam ko naman eh. Trap ako sa isang katulad ni Aki darating din ang panahon na hulog na hulog na ako sa kanya dahul yun ang nararamdaman ko.

Yung pagiging possessive niya alam kung may dahilan yun.

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Where stories live. Discover now