Chapter 15

3.4K 108 3
                                    

Aki's Pov

"Gusto ko sanang kantahan kita nang Oh! Won't you stay with me pero I know that I'm not the only one." tinignan nila akong lahat.

"Sinusumpong ka na naman ng kabaliwan, Aki." umiling na lang si Ken.

"Napaka kj mo." reklamo ko.

"I think nababakla na si Aki gwapo rin ang hanap." asar sa akin ni Henry.

"Ako? Nababakla? Gwapo rin ang hanap? Bitch please not my style."

Sa gwapo kong to? Gwapo rin ang hanap? In my ass.

"Plagiarism is a crime, Aki, pati pala ugali ni Tinnie sa pagsagot ginagaya mo na rin." binato ako ni Drin ng unan buti at naka ilag ako.

"Kwento mo nga Aki kung saan mo nasilayan ang kagandahan este ka-brutalan ni Tinnie." saad ni Francel. Ningisihan ako ni Drin. Alam kasi ni Drin kung saan at paano ko nakilala si Tinnie take note pinahiya pa ako ng babae.

Lumunok muna ako ng laway.

"Ganito kasi yun." pagsisimula ko.

*flashback*
Papasok ako sa library kasama si Drin.

Putek kasi na fin 1 na yan. Kung bat naman kasi ako nagshift ng degree.

"Dude, tingin tingin ka baka may makabangga ka ritong dragon na mukhang pusa delikado at baka mabully ka o matadyakan." ngumiti lang ako kay Drin.

Pumunta ako sa mga lalagyan ng libro para mahanap ko ang aking hinahanap.

Really? May dragon na mukhang pusa dito sa library?

Mabully? Matadyakan? Nah, not my style.

"Ouch." napatingin ako sa babaeng naapakan ko. Masyado ata akong nagiisip dun sa sinabi ni Drin.

"Sorry." I gave her my million dollar smile pero expressionless siya.

Those pinkish sultry lips, tantalizing eyes and her strong sex appeal.

"Sorry? C'mon you just can't say sorry. Hindi mo lang ako naapakan binangga mo pa ako." nagising ako sa pag daydream sa kanya.

Aki, inaakit ka lang ng kagandahan niya.

"Babe, show some respect." ngumisi siya.

"I don't care kung sino ka. Respect? Hindi ka nga rumerespeto. Don't you dare talk back to me. And wag mo kong matawag-tawag na babe dahil hindi ako baboy. Kapal neto." pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa library. Mukhang napalakas ang boses niya.

"Nag sorry na ako." sinasagad na talaga niya ang pasensya ko.

"Well, I should accept your sorry. Pero bago yan next time ayusin mo ang pagsasalita mo. Don't act being a superior person dahil hindi lahat naaayon sa gusto mo."

Ang susunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan.

Nasapo ko ang alaga kong dragon.

Damn woman. Tadyakan ba naman ang alaga ko.

"Shit! Shit! Shit!"

"Oh? Anong nangyari?" tanong ni Drin.

"Ang babaeng yun sinipa ang dragon ko." nagtagis ang bagang ko.

"Siya yung babaeng hindi ka talaga napapansin." napatingin ako kay Drin.

Siya ba yung babeng lagi akong iniisnob? Bat iba siya ngayon?

"Cristina Rielle Cordova ang pangalan niya." sagot ni Drin sa nagtatanong kong expression.

Lagot talaga sa akin ang babaeng yun pag hindi ko na maipagkakalat ang lahi ko.
*End of flashback*

Humagalpak sila ng tawa pati na rin si Drin nakitawa na rin.

"Buhay pa ba ang alaga mo Aki?" pabirong tanong ni Raphael sa akin.

"Malamang." iritado kong sagot sa kanya.

'So baby, pull me closer, in the backseat of your rover,
That I know you can't afford, bite that tattoo on your shoulder,
Pull the sheets right of the corner, of that mattress that you, from your roommate back in boulder,
We ain't ever getting older...'

Napahinto si Tinnie sa pagkanta ng makita niya kami.

"Oh? Di ata kayo kompleto? Si Gelo?" nagtatakang tanong niya bago siya umupo sa tabi ko.

Si Angelo na naman.

"Ehem. Tinnie, si Angelo hinahanap, narito naman si Aki." pang aasar sa kanya ni Henry.

"Kabayong mahaba ang baba, gusto mo masupalpal?" pananakot ni Tinnie sa kanya.

"Ouch. Si Angelo ang laging hanap? Eh, nandito ako at mas gwapo pa kay Angelo." drama ko kunyari nasasaktan ako.

"Porket si Angelo ang hinahanap ko siya na ang gusto ko. Hindi ba pwedeng siya ang hinahanap ko dahil hindi ako sanay na hindi kayo komplete. Kahit siya yung hinahanap ko, ikaw pa rin yung gusto ko." she winked at me.

Kinilig ata ako nun.

"Kinikilig ako."

"Ang corny dyahe."

"Nakakasuka."

"Ang mais grabe."

"Naiihi ako sa kilig."

Komento nilang lahat.

"Kinilig ka naman nyan, Aki." pang aasar sa akin ni Tinnie.

"Gutom lang yan, Tinnie." humalakhak naman silang lahat.

"Yeah. Gusto ko nang ice cream, pizza, cake, burger tapos french fries. Oh di kaya yung bucket na chicken dun sa jollibee. Please " pagmamakaawa ni Tinnie.

"Patay gutom lang, Tinnie?" tanong ni Francel.

"Hindi, buhay gutom lang." sarkastikong sabi ni Tinnie.

"May cake dun at ice cream." sagot ni Drin.

"Magpapa order na lang tayo." sabi ko.

"Yieee, salamat Aki." pinalo niya ang braso ko.

"No probs basta ikaw, magpabili ka ng kahit anong pagkain dahil kapag tumaba ka na at wala nang lalaki ang lalapit sayo, mapapatunayan ko talagang akin ka."

"Ginawa mo namang balyena ang stepsis ko." natawa na lang ako sa sinabi ni Drin.

"Payat man o mataba, Drin, babae pa rin siya na kailangang ituring na prinsesa at mahalin na parang reyna." ngumiti ako.

Nakuha ko man ang tiwala at atensyon ni Tinnie, hindi ko pa rin masasabing akin siya.

Nais ko siyang angkinin sa nalalaman kong paraan.

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon