Chapter 24

2.6K 84 0
                                    

Tinnie's Pov

Paika-ika akong naglalakad habang hinila-hila ako ni Sunshine.

Sa muling pagkakataon tinotoo nga niya ang ginawa niya, hindi ako makapaniwala.

"Wala ka atang gana ngayon, Tinnie?" tanong ni Sunshine hindi ko kasi nakwento sa kanila ang mga nangyayari sa amin ni Aki.

"Onga naman, simula nang makabalik kayo ni Aki galing Cebu parang wala ka na sa sarili, may hindi ka ba sinasabi sa amin?" nagaalalang tanong ni Chaira.

No protection.

"Ano ba kayo, okay lang ako, medyo tinatamad lang ako." matamis akong ngumiti sa kanila.

"Nagmamall tayo diba?" tanong ni Apple tumango naman kaming lahat.

"So?" sambit ni Virgina.

"Let's enjoy, minsan na nga lang tayo maging ganito." aniya ni Ayana.

She got a point.

"Ayo girls!"sigaw ni Henry sa hindi kalayuan. Binati nila kami ng makalapit siya, babati sana ako sa kanila pero hindi ko na ginawa nang makita ko ang naniningkit na mga mata ni Aki. Tanging ngiti lamang ang naibigay ko.

"Shopping?" tanong ni Raphael sa amin.

"Oo." mataray na sagot ni Virgina na ikinatawa ng lahat.

"Fashion ata tayo ngayon, Tinnie." sambit ni Ken habang umaakbay kay Apple.

"Paminsan-minsa lang naman, Ken." sagot ko at umiiwas ng tingin.

"May sakit ka, Tinnie?" kakapain sana ni Francel ang noo ko pero marahas itong tinabig ni Aki.

"Okay, I get it bro." ngumisi si Francel.

"Samahan na namin kayo, atleast makatulong kami." basag ni Henry sa tension.

"Onga, saan ba kayo?" ngumiti si Drin sa akin.

"Victoria secret, may bibilhin kami." sagot ni Chinny.

Nanlaki ang mga mata namin. Dinamay pa talaga kami.

"Excuse me, Chinny, ikaw lang ata ang may bibilhin sa Victoria Secret." sinamaan ng tingin ni Chinny si Apple.

"Naman. Teka, ano nga yung bibilhin mo?" ngumiti ng nakakaloko si Ayana. Pero ako nagiisip ako kung paano ako gagalaw na hindi binibigyan ng malisya ni Aki.

"Lingerie." tumawa ng malakas si Chaira, nakatikim siya ng isang napakalakas na batok mula kay Chinny.

Teka, bibili siya ng lingerie?

"Bibili ka ng lingerie, Chinny? Wala ka ngang dede." sagot ko at nilagpasan sila.

"Aba, bastos tong si Tinnie ah." binelatan ko na lang siya atsaka naglakad palayo sa kanila.

"Tinnie, saan ka pupunta?" tanong ni Apple. Tumigil ako paglalakad, bumalik ulit ako sa kinaroroonan nila.

"Victoria secret." nagtataka silang tumingin sa akin.

"Bibilhan ko ng panty si Chaira." sagot ko.

"Kahit kelan talaga Tinnie, lagi mo na lang kaming nauunahan." reklamo ni Chaira.

"Nahiya naman ako sa color black mong Victoria Secret na panty." sabat ni Ayana.

"Pero nahiya talaga ako sa damit ni Tinnie ngayon. Seriously? Chanel? Tapos Louis Vitton? Aki, ano bang pinakain mo sa kaibigan namin?" nagtatakang tanong ni Chinny sa nakangising Aki.

"Hotdog." simpleng sagot ni Aki at mas lalo siyang ngumisi. Natuyo lahat ng laway ko sa lalamunan.

"Tara na." tumango naman sila at naglakad kami patungo sa may Victoria Secret.

Halos humagalpak ako ng tawa, ang mga reactions ng boys napaka-epic, pero sa totoo lang hindi ako mapakali dahil natetense ako sa mga tingin ni Aki sa akin. Mas lalo akong na-tense dahil sa kanta na pini-play sa loob ng store.

Touchin, Lovin by Trey Songz ft. Nicki Minaj

Naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Aki kahapon, tinotoo niya nga.

"You look tense." Aki held my chin. Umiling lang ako.

"Masakit pa ba?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot.

"Sa susunod kasi susundin mo ang sasabihin kung ayaw mo lumubo 'yang tiyan mo." ngumisi siya sa akin.

"Alam ko." yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"May bibilhan ka ba?" tanong niya sa akin.

"Wala, sinamahan ko lang sila." sagot ko.

"Mabuti, dahil ayaw kong nakasuot ka ng mga ganyan na mga bagay." hinapit niya ako palapit sa kanya at naglakad palabas.

"Nasa loob pa sila."

"Alam ko." sagot ni Aki sa akin.

"Tinnie, may sasabihin ako." humigpit ang paghawak niya sa akin.

"Ano?"

"Ipapakasal nila ako sa kababata kong kaibigan." umawang ang labi ko.

"Bakit?"

"Bilang isang kabayaran, pero Tinnie hindi ko hahayaang mangyari yun." mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya.

"Aki?" nag angat ako ng tingin.

"Mama?" nakaukit ang pagkabila ng ekspresyon ni Aki.

Aki's Pov

"Aki?" nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si mama kasama si Pinky ang babaeng ipapakasal sa akin.

"Mama?"

"Anak, hindi mo naman sinabi sa akin na isasama mo pala ang kaibigan mo." sambit ni mama at lumapit siya sa amin.

"Ako nga pala si Ria ang mama ni Aki."

"Hi, I am his fiancee, Pinky is the name."

"Tinnie" ngumit lamang si Tinnie na walang halong kaplastikan.

"Ma, she's not my friend. She is my girlfriend." sabi ko.

Magandan naman si Pinky pero mas maganda pa rin si Tinnie. Mas gusto ko si Tinnie.

"Kaya nga. Kaibigan mo nga siya, babe." saad ni Pinky. Nakita ko ang pagkadisgusto ni Tinnie sa pagtawag sa akin ni Pinky ng 'babe'

"Ma, kasintahan ko siya." nabigla si mama sa sinabi ko.

"Kasintahan? Makipag break ka sa babaeng 'yan. Ayoko sa kanya mukha siyang mahirap pa sa daga, at isa pa ikakasal ka na Aki."

"Ayokong maging bastos sa harap niyo po, pero nagiging judgemental ka na. Mas mahirap pa sa daga? Well, name your pricr, ma'am. You can't judge me." bulyaw ni Tinnie, hinagod ko ang likod niya kahit konti man lang kumalma siya.

"Napakabastos mong bata."

"Bastos ako magsalita pero hindi ang pagkatao ko." kumalas si Tinnie sa akin at naglakad palayo.

"Ma, why are you doing this to me? Ayokong pakasalan si Pinky, si Tinnie ang gusto kong pakasalan dahil mahal ko siya. Kung hindi mo siya matanggap mabuti pang itakwil mo na lang ako."

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Where stories live. Discover now