Chapter 17

3K 94 3
                                    

Aki's Pov

Nakipagkita ako kay Ardy may kailangan lang akong linawin sa kanya.

Tinnie is different from Ardy, they may sometime look a like.

"So, bakit mo ako pinapunta dito Aki?" tanong ng bagong dating na si Ardy.

"Ayoko na. Itigil na natin to hindi ko na kaya." nahilot ko na lang ang sentido ko.

"Dahil ba dun sa babaeng nagngangalang Cristina?"

"Oo."

"Bakit?" alam kong naiiyak na si Ardy.

Ardy and I have been in a relationship for 4 years.

"She's different. She got me intoxicated. Yung mga mata niya, ngiti niya at yung pananalita niya nilalason ako. Sa tuwing hahalikan ko siya para akong nakakahithit. Naadik ako sa amoy niya."

"Kung sa ikasisiya mo sige papakawalan kita. Kung darating ang panahon na iiwan ka niya narito lang ako." niyakap ko siya ng mahigpit.

Intoxicated. Yan yung nangyayari sa akin. Tinnie got me intoxicated.
**********
Tinnie's Pov

Natigalan kami ni Apple sa paglalakad ng makita namin ang mga naglilinyang lalaking na may mga pasa sa mukha.

"Araw ba ng mga tulisan ngayon?" tanong ko kay Apple.

"Anong meron bat may pasa silang lahat? Nakakaawa sila." sabi ni Apple.

May blackeye, pumutok ang labi at ang iba pa sa kanila may mga pantal ang mukha. May lalaking lumapit sa akin na lalaki.

"Cordova, sorry kung nagkagusto kaming lahat sayo. Pangako namin na hindi gagawa ng moves para mapalapit sayo. Pasensya na talaga." paliwanag niya ngumiti na lang ako.

Ano bang meron? Binalewala ko na lang at patuloy na lang kami sa paglalakad ni Apple.

"Tinnie, buti at nakita kita. Si Drin may pasa sa mukha." sabi ni Ken na hinihingal pa.

"Bakit? Anong nangyari kay Drin?" tanong ni Apple.

"Wala sa mood si Aki kaya ayun nabugbog ang lahat ng lalaking nagkagusto sa'yo, buti nga at hindi ako nasali." napanganga ako. Hinila ako ni Ken kasama si Apple papunta sa tambayan nila.

Napatakip ako ng bibig ng makita ko ang mga pasa sa mukha nina Francel, Raphael, Drin at Angelo.

"Bat ba kayo nagkakapasa?" tanong ko.

"Masama bang magkagusto sa stepsis ko?" bulong ni Drin sa kanyang sarili.

"Kasalanan ko bang mabighani sa ngiti ni Tinnie." bulong naman nina Francel at Raphael.

"Ay buhay. Pag sayo talaga edi sayo." bulong ni Angelo bago siya lumabas.

"Si Aki?" tanong ko ulit.

"Nasa rooftop." sagot ni Ken.

"Pupuntahan ko lang siya atsaka Ken at Apple paki linis ng mga pasa nila salamat." tumatakbo ako papuntang rooftop.

Nababaliw na ba siya? Baka magpapakamatay na yun.

"Aki!" sigaw ko nang makarating ako sa rooftop.

"Aki?" nakita ko siyang nakaupo habang nakayuko dahan-dahan ko siyang nilapitan.

"Okay ka lang ba? Bakit mo sinapak mg kaibigan mo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Bullshit."

"Huh?"

Niyakap niya ang bewang ko.

"Tinnie you got me intoxicated. With every kiss and every hug you make me get more intoxicated. Ibibigay ko ang lahat maging akin ka lang. Atensyon at lahat. Your mind, body, heart and soul gusto ko yun maging akin at ayaw kong mag kakompetisya sa'yo."

Umupo ako para magkalevel ang mga mata namin at tinitigan ko siya.

"Intoxicated? Hindi na talaga ako makakawala sa'yo kahit anong kalas ko." ngumiti ako bago lumanding ang labi ko sa labi niya.

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon