Chapter 32

2.4K 80 2
                                    

Chapter 32

Aki's Pov

Hindi pa rin ako makapaniwala. Dapat pala napagisipan kong mabuti na sumama sa outing. Kaharap ko ng upuan si Tinnie. She looks so beautiful sa white dress niya, but I hate it. 

IT'S SEE THROUGH!

Ang hirap makipaglaro ng tiisan, sa taong walang pakialam. Nakatitig lamang ako sa kanyang habang kumakain siya.

"Staring is rude." nag angat siya ng tingin sa akin.

"I know." ngumiti ako sa kanya kahit kabadong-kabado na ako.

"Will you just evaporate?" cold niyang sabi sa akin. Ever since dumating kami dito sa Boracay malamig ang pakikitungo niya sa akin.

"I won't. Because, I still want to wake up every morning and the first thing I want to do is see your face." ngumisi siya sa'kin tila nagtagumpay siya.

"Oh! Sorry, I just realize, my world doesn't orbit around you. Excuse me, nawalan na ako ng gana." tumayo siya at naglakad papalayo patungo sa dalampasigan.

Bigla ko siyang sinundan. Ayokong mapalayo sa kanya. She's all I want.

Buti pa yung quotes, naiintindihan yung nararamdaman ko. Siya? Hindi.

Naabutan ko siyang may kausap na lalaki. Damn! Malalaking hakbang ang ginawa ko para mapadali ang pagpunta ko sa kanya. Nang makalapit ako ay sinamaan ko ang tingin ang lalaking nakipagusap kay Tinnie.

"What did you just do?" singhal niya sa akin nang makaalis ang lalaki.

"Ayokong nakikipagusap ka sa iba nagseselos ako." nagsalubong ang kilay niya na parang nagtataka.

"Nagseselos ka? Pwes, walan namang tayo kaya wala kang karapatan magselos." pinanlakihan niya ako ng mata.

Sorry, but not sorry, Tinnie. Mas matalino na ako sa'yo ngayon.

"Selos ay hindi isang karaptan. Ito ay emosyong kailan man ay hindi ko mapipigilan itaga mo yan sa kokote mo, Tinnie." ginulo niya ang buhok niya sa sobrang inis.

"Tigilan mo na nga ako, lumayo na nga ako sa'yo pero pinipilit mo pa rin lumapit sa'kin. Fan ka talaga ng masochism sinasaktan na nga kita gamit ang mga masasakit na salita pero heto ka pa rin lapit ng lapit. Kailan mo ba ako titigilan? Kasi ako ayoko na." bulyaw niya.

OUCH! Ano nga ba ang laban ko?

"Kung saan ka sasaya duon din ako, at kung ang hiling mo ay palayain kita para sa ikasasaya mo sige malaya ka na kahit labag man sa loob ko." bigla ko siyang tinalikuran para hindi niya makita ang nangingilid kong mga luha.

Lumalambot ako dahil kay Tinnie.

Nababakla ako dahil rin kay Tinnie.

At mas lalong nagiging iyakin ako dahil rin kay Tinnie.

Cristina Rielle Cordova you're the death of me.

Tinnie's Pov

He chose to let me go. Kasalanan ko naman eh. Nagpadala ako sa galit ko, I should've told him na I am going to stay with him pero pinapangunahan ako ng galit ko. 

"Bes, mali ba ang ginawa ko?" tanong ko kay Francel. Mariin akong napapikit dahil laging nagrereplay ang mga salitang binitawan ni Aki kanina.

"Hindi lahat ng times, tama ka. Hindi ka perpekto, tanggapin mo naman na nagkakamali ka." saad ni Francel at malungkot na ngumiti sa akin.

"Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan, Tinnie. Pati rin siya nahihirapan, he's having a hard time sa pangangapa ng damdamin mo." dagdag pa niya mas lalo akong nanlumo.

Aki is playing with fire because, my love is on fire. 

Nakarinig ako ng may nagtatawanan nagangat ako tingin. Just to found out na magkasama sila ni Pinky. Nagtatawanan silang dalawa.

Bakit ba napunta ang higad na 'yan rito? Nagtagis ang bagang ko.

That.... tangina nagseselos ako , layuan mo siya feeling. The green monster is eating me. 

"Nagseselos ka?" tanong ni Francel sa kanya. Hindi ako makasagot ng deretso. "Tinnie, remember what I've said the last time we met. Never make a decision when you are angry, never make a promise when you are happy." pagpapatuloy niya.

"Hindi naman sinabi nung tao na magpakatanga ka sa kanya, Aki. Hindi mo lang talaga mapigilan maging tanga kasi mahal mo siya." narinig ko ang sinabi ni Pinky kay Aki.

Naiiyak ako. Ginagawa kong tanga si Aki sa simula palang. Bumaliktad ata ang ikot ng mundo. Bakit ako 'yung nasasaktan? 

"Wag kana kasing umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Masasaktan ka lang!" nanlambot ako sa pagtaas ng tono ng pananalita ni Pinky.

Hindi ako nagaassume na ako ang pinapatamaan niya dahil alam kong ako talaga.

Nanlaki ang mga to nang bigla sumogaw si Francel para makuha namin ang atensyon ng dalawa.

"Walang pinapaasa dito, Pinky. Iniwan si Aki hindi dahil ayaw na ni Tinnie, kundi iniwan siya dahil alam ni Tinnie na may nagiba." 

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Where stories live. Discover now