Chapter 34

2.3K 72 0
                                    

Tinnie's Pov

Speechless pa rin ako. Hindi ma process ng utak ko ang sinabi niya.

He wants me to stay. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at nagmamadaling pumunta sa villa.

Naguguluhan pa rin ako. Nakasalubong ko si Drin na hanggang tenga ang ngiti niya.

"Stepsis, pinabibigay niya." may inabot si Drin sa akin na isang litrato ko.

"Sinong nagpapabigay nito?" nagtatakang tanong ko.

"Kilala mo kung sino ang nagpapabigay niyan." ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. "He really loves you so much, Tinnie." dagdag pa niya.

Nilagpasan niya ako.

Isang tao lang ang nasa isip ko.

Anthony Kiel Cruise

Maniniwala pa ba ako sa kanya? Should I trust him again? 

"Tinnie?" nilingon ko si Angelo na papalapit sa akin.

"Bakit?"

"Makinig ka sa'kin ngayon ko lang to sasabihin. He loves you so much, he was wasted nung umalis ka pero bumangon siya at tumayo sa sarili niyang paa. You pushed him to be a better person, Tinnie. Binago niya ang sarili niya para sa pagbabalik niyo." seryosong nakatingin si Angelo sa'kin. Kitang-kita ko ang sincerity sa boses niya.

"What do you mean? Hindi kita maintindihan." naguguluhan ako kung ano bang nangyayari. Marami ba akong hindi nalalaman.

"Kausapin mo siya ng matino, Tinnie. Dahil sa'yo lang umiikot ang mundo niya." ngumiti ng nakakaloko si Angelo.

Yumuko at naglakad pabalik sa dalampasigan na kung saan nakikita ko pa ring nakayuko sa buhanginan si Aki.
Napansin ko na may nakasulat sa likod ng litrato ko.

'Natutunan kong ngumiti ng dahil sa'yo at natutunan ko rin umiyak ng dahil sa'yo. Pero pinakamalupit dun natutunan ko na magmahal ng totoo ng dahil din SA'YO.'

Nanuyo ang lalamunan ko ng mag angat ako ng tingin. Nakatingin siya sa akin, na para bang naghihintay na may sabihin ako.

"Aki?"

"Kung narito ka na naman para saktan ako, sige lang saktan mo na ako." malungkot na ngiti ang ibinigay niya sa'kin.

"Bakit?"

"Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo. ang gusto ko lang, manatili ka sa buhay ko." ano bang sasabihin ko?

Gusto ko rin na manatili siya sa buhay ko.

"Sinusubukan kitang layuan pero sadyang hindi ko talaga kaya. Hindi ko magawa na tuparin ang mga salitang binitiwan ko. Hindi ko magawang ipaubaya ka sa iba." pagpapatuloy niya. "No words can fully describe all the feelings I have for you."

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapagsalita. Wala ka nang masabi pero gusto mo pa siyang kausap.

I want to stay with him.

"In fact, I don't want anything for now, I don't know if it's because I have an impassive heartbeat. Rather than empty words said, I would like to be with you. Stay whatever it's meant."   

I kissed him. But will I dissed him? I don't know, but I miss him.  

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Where stories live. Discover now