Chapter 38

2.2K 66 1
                                    

Hey guys! Check out my new story. Mr. Pa-fall and I
********
Tinnie's Pov

"Tinnie, 'wag kang bastos kinakausap pa kita." usal ni Aki nakapagpatigil sa paglalakad ko.

Tama sila I won't do any good kay Aki neither the both of us.

"Tadhana na ang nagsasabi na we can't be together. You won't do any good to me and vice versa. Masasaktan lang kita at masasaktan mo rin ako." napakagat labi ako. Minahal namin ang isa't isa sa maling panahon na akala namin ay tama.

"Love is love. Kahit ano pa ako. Kahit ano ka pa. Hindi mahalaga ang sasabihin nila." medyo tumaas na ang tono ng boses niya.

Lahat sila ayaw kay Aki. Because he won't do any good to me. Masasaktan lang namin ang isa't isa.

"Makinig ka, Tinnie." lumapit siya sa'kin at bumumlong. "I want to grow old with you and be able to say that I have lived an amazing life with you." sabi niya. Naiiyak ako. Destiny is against me and Aki.

"I w--"

"Cristina Rielle!" bigla kong naitulak palayo si Aki nang makita ko si Papa na galit na galit.

"Papa?" bulong ko kahit na alam kong hindi niya ako naririnig.

"Stay away from my daughter. Young man, you won't do any good to my daughter sisirain mo lang ang kinabukasan niya." lumapit si Papa sa'kin at sinampal ako. "And you good for nothing daughter ang tigas ng ulo mo." muli ay dumampi ang palad ni Papa sa mukha ko. Napangiwi na lamang ako sa sakit. Pinipigilan kong umiyak sa harapan nila.

"Sir, you're hurting her." napatingin ako kay Aki. "Mali po ang ginagawa mo. Kausapin niyo po siya. Ako na lang po ang saktan niyo 'wag si Tinnie."

"Nakakamatay ang pagmamahal mo iho pero itigil niyo na ang kahibangan niyo." bumaling sa'kin ang atensyon ni papa. "PUMASOK KA SA LOOB!" sigaw ni Papa sa'kin. Kahit masakit sa loob tinalikuran ko si Aki at tumakbo ako papasok sa loob ng bahay. Nagkulong ako sa kwarto ko.

Our love is poisonous. Nakakamatay. Nakakasakit.

Aki's Pov

Nilagok ko ang isang bote ng beer.

"Aki, tama na." kanina pa ako pinipigilan ni Pinky.

Kumirot ang puso ko kanina nang sampalin si Tinnie ng kanyang papa.

I won't do any good to her? I am trying my best to be good enough for her. Pero bakit ganoon?

"Aki, ako na lang please. Kalimutan mo na si Tinnie." pagmamakaawa ni Pinky.

"Ayoko. Si Tinnie ang gusto ko. Kahit baliktarin man ang mundo si Tinnie pa rin ang hinahanap ko." bigla na lamang tumulo ang mga luha ko. Nababakla na ata ako.

"Ano bang meron siya?"

"Iba siya sa lahat." napahilot ako sa sentido ko. "Pinky, I love her dangerously. I can't let her go. Please tulungan mo ko." lumuhod ako sa harapan niya at nagmamakaawa.

"Wala talaga akong pagasa. Kahit gaano pa karami ang pera ko hindi mo rin pala ako kayang mahalin. Ngayon tanggap ko na." mapait na ngumiti si Pinky sa'kin. "Aamin ako. Nakunan si Tinnie dahil sa akin ang totoo niyan ako ang sumampal sa kanya. Patawarin mo ako Aki. Ako ang puno't dulo ng paghihirap niyong dalawa. I ruined everything. I am so sorry." bigla kong tinumba ang glass center table.

Shattered pieces. Ganyan na kami ngayon.

Biglang nagring ang cellphone ko tinignan ko kung sino ang caller.

Drin

"Bakit?" gumaragal ang tono ng boses ko.

(Si Tinnie two weeks from now ipapadala siya ni Papa sa New Zealand.) bigla kong nabitawan ang cellphone ko dahilan para mawasak ito.

No.

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon