Chapter 28

2.4K 83 0
                                    

Aki's Pov

Umigting ang panga ko nang makita ko si Tinnie na naka-pantalon. Hindi niya namalayan na nasa loob ako ng kwarto niyo. Kaka-discharge lang niya kahapon sa hospital.

"Baka mapano ang anak ko kakasuot mo nang pantalon." nanlaki ang mga mata niyang nakatuon sa akin.

"Wag kang stupid, Aki, maliit pa ang tiyan ko." singhal niya sa akin. "Ano bang ginagawa mo dito? I don't need you here." dagdag niya.

"Hindi ako nandito para sa'yo, I am here for my baby." lumapit ako sa kanya at tinignan siya ng masama.

"FYI, Tinnie, hindi ako 'yung tipo ng taong naghahabol. Kung ayaw mo sa'kin, edi ayaw mo sa'kin. Ang baby lang ang hinahabol ko hindi ikaw." ngumisi ako sa kanya. Alam kong nasasaktan siya.

"Okay na sana ako, kaso nagparamdam ka ulit! Punyeta naman oh!" sigaw niya. Palihim akong ngumiti. Si Tinnie ang taong my low pain tolerance, kumbaga madaling masaktan it's either physically or emotionally.

"Niloko mo ko, kala mo gwapo kana? Tangina, kamukha mo parin si ZUMA!" sinuntok niya ako sa dibdib. Sige, lang Tinnie ilabas mo ang galit mo sa akin. Lahat nang mga pinagsasabi ko sa kanya kanina ay hindi totoo.

Hindi lang ang baby ang habol ko kundi pati na rin siya.

"Siguro nga may pagkukulang din ako, pero pinipilit ko namang bumawi. Sana nakikita mo yun." niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi ko na talaga siya papakawalan pa.

"Ayoko nang magtiwala sa'yo. Kung Sasaktan mo lang din naman pala ako, edi sana nagsuntukan na lang tayo." naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko. Shit! Umiiyak siya.

"Please trust me. Give me one more chance, Tinnie."

"Ah! Ang sakit." nataranta ako nang humawak siya sa tiyan niya. Ano bang gagawin ko?

"Tinnie?" tinignan ko siya, ang putla-putla niya.

"Aki, ang sakit."hindi na ako nagdalawang isip na ihiga ko siya sa kama. What will I do? Dinampot ko ang telepono ko at dinial ang numero ni Ardy.

(Ardy, speaking.) sagot ni Ardy sa kabilang.

"Si Tinnie." hindi pa rin ako mapakali.

(Anong nangyari?) batid ko ang pagaalala sa tono ng boses ni Ardy.

"She's experiencing abdominal cramps." ano ba talaga ang gagawin?

(Rest. Don't stress her muna, Aki, wag mo munang bigyan ng sakit ng ulo si Tinnie please lang.) nilingon ko si Tinnie.

"Ardy, she's asleep." lumapit ako sa natutulog na Tinnie at hinaplos ang mukha niya.

(Great. Pahinga lang kailangan niya. Gotta go.) ibinaba na ni Ardy ang tawag.

"Hindi man tayo yung nakatadhana., pero ikaw yung gusto ko, ikaw yung mahal ko. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa'kin, kahit gawin mo kong alipin dahil hindi kita kayang bitawan." tumulo ang luha ko.

The baby is the only hope para muli akong mapalapit sa kanya. Pinahid ko ang luha ko at kumuha ng damit ni Tinnie para makapagpalit siya. Simpleng cotton short at oversized shirt is enough.

I smiled bitterly, nagsasalita ako pero yung gusto kong makausap tulog. "Kung hindi natin maibabalik ang dati, pwede bang magsimula ulit tayo?" marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko masabi.

Naglibot-libot ako sa kwarto niya, napapangiti ako pagnakikita ko ang mga childhood pictures niya. She really had that unexpected charms. Pero may isang litrato ang napansin ko. Litrato namin nung nasa Bantayan Island kami. Nasapo ko ang ulo ko nang maalala ang kagaguhan na ginawa ko sa kanya. And her pregnancy is the result. It was just supposed to be for fun hindi ko alam na magiging ganito.

Attention lang ang trip ko sa kanya pero bigla akong nahulog. Kinuha ko at tinignan ang litrato namin.

Cute. Bulong ko sa sarili ko.

Napagod ako kakatingin sa buong kwarto niya. Hanggang nakatulog ako sa sofa nang kwarto niya.

Nagising na lamang ako nang may kumagat nang tungki ng ilong ko at pisngi.

"Aki?" narinig ko ang boses ni Tinnie maluha-luha siyang nakatingin sa akin. Ang lapit-lapit nang mukha niya.

"I want lomi."

"Lomi?" ulit ko.

"Oo, lomi magluto ka ng lomi. I want lomi." kinagat na naman niya ang tungki ng ilong ko.

"Pe--" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Ayaw mo? Tatawagan ko si Francel." umigting ang panga ko at nagsalubong ang kilay ko.

"Okay, magluluto ako ng lomi." pumalakpak siya at hinila ako papuntang kusina.

"Magluto ka na." tinalikuran niya ako at iniwan sa kusina.

Paano ba magluto ng lomi? I mean marunong pa ba ako magluto ng lomi. Sana maging mabuti ang kinalalabasan ng loming lulutuin ko.

30 minutes bago ako natapos magluto.

"Tinnie, luto na ang lomi."

"Lomi? Ayoko, gusto ko ng tuna fresh from GenSan." napanganga na lang ako sa sinabi niya.

Ganito ba talaga ang mga buntis?

"Sabi mo gusto mo ng lomi." napakamot ako ng ulo.

"Tuna nga ang gusto ko." bulyaw niya. "Si Francel na nga lang an--"

"Okay, just chill may kakilala akong nagdedeliver ng tuna galing Gen---" pinutol na naman niya ang sasabihin ko.

"Gusto kong lomi." napaawang ang labi ko. Geez, ang hirap naman nito. Naglagay ako ng lomi sa maliit na mangkok at ibinigay kay Tinnie. Agad naman niya itong nilantakan.

"Masarap?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin patuloy lang siya sa pagkain.

"You can stay with me para sa baby. May nine months pa para bumawi ka and masarap ang lomi na luto mo pero mas masarap ang pisngi at tungki ng ilong mo." ngumiti siya sa akin.

"Hindi ka na galit?"

"Hindi naman ako galit. Nasaktan lang naman ako." sabi niya sabay subo.

"Kahit masungit ka, topakin ka, moody ka, mahal na mahal pa din kita, Tinnie. Handa akong maghintay."

"Kahit na nasasaktan pa rin ako, Aki, basta ang alam ko lang, masaya ako sa piling mo. Pero minsan naisip kong sana hindi na lang kita nakilala dahil natatakot na akong magtiwala sa'yo, at dahil may naguudyok sa isip ko na may ginawa ka sa akin na hindi ko alam."

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon