Chapter 25

2.6K 77 10
                                    

Tinnie's Pov

Alam kong mali ang ginawa ko, pero I can't just let it slip away. I mean naiinsulto ako sa pinagsasabi ng mama ni Aki.

Mas mahirap pa sa daga? Nababaliw na nga siya.

"Tinnie, a certain Anthony Kiel Cruise nasa labas hinahanap ka, and to think that he is freaking drunk." sambit ni Kuya Light. Nanlaki ang mga mata ko at bigla na lang akong lumabas ng bahay niya. Nakita ko si Aki nakayuko.

"Aki, ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Damn! Lasing nga siya.

Tinignan niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata. "Gusto kitang makita." niyakap ko na lang siya. Kailangan ko siyang mauwi sa kanilang bahay.

"Iuuwi kita."

"No, I'm staying with you." huminga ako ng malalim at inakay siya papasok sa loob ng bahay ni Kuya Light.

"Aalis ako, ayokong makaistorbo sa inyong dalawa. Ayusin mo yan, Tinnie." tinapik muna ni Kuya Light ang braso ko bago niya ako nilagpasan. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makarating ako sa kwarto ko.

"Kukuha lang ako ng pang sponge bath mo." hinagkan ko ang noo niya at nagmamadali akong kumuha ng bimpo, maligamgam na tubig at alcohol, nang makabalik ako ay nakita ko siyang umiiyak.

"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Madami, Tinnie." pinunasan ko na lang ang mga luha niya. Sinimulan ko punasan ang mukha at leeg niya.

"Aki, pwede bang hubarin mo ang pang itaas mo?" sinunod niya ang utos ko at nagpatuloy ako sa ginagawang pagpupunas ko sa kanya.

"Ang ganda talaga ng baby ko." hinaplos niya ang mukha ko.

"Pwede ba tayong magsimula ulit?
Pwede ba nating balikan yung panahon na hindi pa tayo magkakilala?
Magkikita tayo muli tapos mag-uusap at magtatawanan.
Kilalanin ulit natin ang isa't-isa.
Ayusin natin yung mga pagkakamali natin dati.
Pwede ba nating bigyan ang 'TAYO' ng second chance?" mas lalong bumibigat ang paghinga niya. Nakadama ako ng sakit, bakit parang nasasaktan ako?

"Wala namang tayo, Aki." muntik na akong pumiyok.

"Yun na nga eh, walang tayo, walang Tinnie at Aki." na-sense ko ang pagkadismaya sa tono niya. "Blame me for being to possessive, and damn jealous man, mahal kita. Natotorpe ako dahil ang angas mo, pero Tinnie hindi kita kayang pakawalan kaya sunod ako ng sunod sayo. Lahat ng kilos mo binabantayan ko, you invaded my system like a virus." tumutulo na ang luha ko.

Why is he saying this to me? 

"Tinnie, please trust me. Can you trust me? Pangako malulusotan ko to." gumaragal na ang boses niya.

"Tinnie, I wanna go back in time and changed everything." 

"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo? Yung huhugot na sana ako ng malalim pero napagtanto kong mas malalim pala ang nararamdaman ko para sa'yo?" mapait akong ngumiti sa kanya.

"Oo, naalala ko pa." bigla niya akong kinabig papunta sa labi niya.

"I want you. I like you. And I think I'm falling in love deep and hard." sabi ko nang pakawalan na niya ang labi ko.

"I trust you, Aki." dagdag ko. Dahan-dahan akong lumapitsa kanya at hinalikan siya. 

Our kisses became more deep at sensual full of desire. 

I felt Aki hugged me from behind.

Aki's Pov

Pagkalipas ng ilang minuto naramdam kong tulog na siya, dahan dahan akong kumawala sa pagkakayakap at umalis sa kama. Habang nagbibihis nakatingin ako sa maamong mukha niya at isinasaulo ko ang anggulo ng kanyang mukha.

Bago umalis, hinalikan ko siya sa kanyang labi. "Always remember that I love you, babalik ako. Sa gagawin ko ngayon, sana mapatawad mo ako." 

Maingat ang mga hakbang ko papalabas ng bahay ni Light.

When I'm finally out, tinawagan ko si Francel siya lang ang inaasahan ko sa mga oras na ito.

"Pick me up." sabi ko ng sagutin niya ang tawag ko.

"Where?" mukhang naistorbo ko ata siya dahil yung tono ng boses niya ay iba.

"In Bachelor Village." napabuntong hininga ako. "Pick me up I need a ride pauwi sa amin. I need to pack my things.7am ang flight ko."

I heard Francel tsked. "She will be mad at you."

"I have no choice.Kailangan rin ako ni Pinky ngayon, ayokong magalit sa mama sa akin at ayokong idamay niya si Tinnie."

"Fine. I'll pick you up." akmang puputulin ni Gab ang tawag ng pinigilan ko siya.

"Wait, Francel?"

"What?" Francel grunted.

I sigged. "Wag mong sabihin kay Tinnie ang rason kung bat iniwanan ko siya."

"What? Why?"

"Basta promise me, Kuys."

Francel sighed from the other line. "She's going to hate you to the deepest core. Is this what you really want?"

"No" malungkot na saad ko. "But it's for the best. If were meant to be than let it be. Ang tadhana na ang bahala sa amin."

"Whatever." Francel again sighed from the other line. "I fucking promise. And I swear na aalagaan ko si Tinnie hanggang makabalik ka."

"Good. Now pick me up." tinapos ko na ang tawag at hinintay ko na lang na si Francel.

Sana, mapatawad ako ni Tinnie. I am so sorry.

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon