Chapter 35

2.3K 73 0
                                    

Aki's Pov

I can't believe it. She's staying in my life once again. Damn! Hindi ko na talaga to papalagpasin. Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang natutulog sa tabi ko.

"Kahit pa sabihin mong matapang ka, kapag iniwan ka ng taong binigyan mo ng halaga, walang duda hindi mo kaya."

Angelo....

"Hindi ko nga kaya." bulong ko. She became the light. 

"Natamaan ka na rin, bro. Sana tuloy-tuloy na 'yan. PS. Baka matunaw na si Tinnie kakatitig mo sa kanya." natatawang sabi ni Angelo pati na rin ako ay natawa.

Minsan naiisip kong wala na bang taong magmamahal sa'kin pero here I am being loved by a most precious girl. She's too bad but at the same time so good.

Noon nakatingin lang ako sa malayo nagtataka kung bakit hindi niya ako napapansin. 

Dear Cupid,

Nagawa mong  mabuti ang trabaho mo. Pinana mo ang babaeng tinitingala ko lang noon.

"I am happy for you bro." napailing na lang ako. 

"Masaya ka? Sa pagkakaalala ko mahal mo pa siya." ngumiti ako ng nakakaloko.

"Ganoon naman ang pagmamahal. Ang maging masaya sa kasiyahan ng taong mahal kahit hindi ikaw ang dahilan kung bakit siya naging masaya." makahulugan siyang ngumiti. "Mauna na ako sa'yo. Mag vivideoke raw." pagpapaalam niya sa akin.

"Narinig ko 'yun." nanlaki ang mga mata kong napabaling sa direksyon ni Tinnie.

"Wala kang narinig." kinurot ko ang pisngi niya.

"Tse! Alis nga." pagtataboy niya sa'kin na parang aso lang.

"Napatawad mo na ba ako?" biglang nagseryoso ang ekspresyon niya. I think hindi niya pa ako napapatawad.

"Hindi pa. You want my forgiveness bumalik tayo sa square one." tumayo siya sa kinahihigaan niya.

Tinnie's Pov

 "Ang dami-daming mas higit sa'yo. Pero wala akong pake sa kanilang lahat dahil kontento na ako sa'yo." binalewala ko ang sinabi niya at deretso akong lumabas ng villa.

"Maswerte ka kasi merong taong nagmamahal sa'yo, 'yung taong sinisiksik ang sarili niya. Makapasok lang sa buhay mo." pinagtaasan ako ng kilay ni Pinky.

Aba! Ang bruha nagdadrama.

"Snapchat, Instagram and Messenger. Buti pa sila may stories. Kayo? Ano na?" ngumiti ako. Smile because your enemies hate it.

"Napaka-maldita mo talaga. Nasa loob rin ang kulo mo." muntik na niya akong masampal ng inunahan ko siya.

"Maldita? Madalas na marinig kong tinatawag sa'kin. Oo, maldita ako pero depende kung sino ang kaharap ko. Kung mabait ka, mabait din ako. Kung plastik ka at sinungaling huwag kang haharang harang baka hindi ako makapagpigil masampal ulit kita. Prangka ako at totoong tao kaya yan din ang ineexpect ko sa ibang tao. Kung masama ugali mo huwag kang didikit sa'kin dahil mas doble ang kaya ko na ultimong demonyo sasaludo." pinanlakihan ko siya ng mata.

Wag na wag niya akong maaway-away dahil lumalabas ang demonyo sa katawan ko.

"Tabi dahil dadaanan ang dyosa." binangga ko siya at nagpunta sa kinaroroonan ng barkada.

Napaka-inggitera ng bruha. Akala niya madadala niya ako sa drama niya. Kung si Aki na uto sa drama niya pero ako hindi. 

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Where stories live. Discover now