chapter 25

14.3K 348 92
                                    


Chapter 25

THIRD PERSON'S P.O.V.

"Oh anong nangyari?" gulat na tanong ni Mars nung pumasok si Agatha at Uriah sa penthouse. Napatayo siya at agad na lumapit kay Uriah na umaalalay maglakad kay Agatha. Agad naman niyang kinuha ang ibang bitbit nito.

"Ui! Si Mars ba 'yan?" tanong ni Agatha nung dumilat at makita si Mars.


"Hala! Lasing ka Agatha?" gulat na gulat na tanong ni Mars habang panay ang likot ni Agatha upang bitawan siya ni Uriah.

"Hindi ah. Sinong lasing?" sabay pikit niya.

"HAHAHAHAH! anong ginawa niyo?" sabay tingin ni Mars kay Uriah na halatang pagod sa kalikutan ni Agatha. "Anong nangyari?"

"Mamaya ka na magtanong, pakiayos muna 'yong kama..." sabay bigla siyang may naisip. "At palitan mo 'yong sapin at kumot."

Napakibit ng balikat si Mars at ngumisi. "Wala namang ano dun..."

"Wala kong tiwala sayo. Dalian mo na." paliwanag ni Uriah habang alalay padin si Agatha at sinisigurado na maayos padin ang pagkakasuot ng jacket. Bago pa sila tuluyang makapasok ng kwarto ay agad naduwal si Agatha kaya madali siyang inalalayan papuntang CR at doon sumuka.


Agad naman na inayos ni Mars ang higaan. Marahan na inaalalayan ni Uriah si Agatha na maihiga matapos nitong magsuka.

"Oh?" tanong ni Agatha nung dumilat, nakita niyang nasa kama na siya at nakahiga habang alalay at buhat ni Uriah ang kanyang ulo upang ayusin ang lagay ng unan. Napangiti siya nung maamoy ulit ang pabango ni Uriah.

"Uriah hehehe." sabay pulupot niya ng braso sa leeg ni Uriah at nagpabigat dahilan para mapayuko si Uriah at halos mahigaan na siya.

"Wait!" aniya ni Uriah at agad na naisandal ang kamay sa baseboard upang di tuluyan na madaganan si Agatha. Napahinga siya ng malalim at napapikit saglit.

"Pfft." pagpipigil ng tawa ni Mars nung makita ang sitwasyon ni Uriah. Nilingon siya ni Uriah kaya agad siyang tumigil at nag iwas ng tingin. "Timplahan ko lang siya ng kape." sabay labas niya ng kwarto habang nakangisi.

"Uriah higa kadin dali." malambing na sabi ni Agatha kaya nanlambot ang braso ni Uriah na nakasandal sa baseboard. Lalo siyang hinigit ni Agatha kaya agad na nanlaki ang mata niya habang ang mukha niya ay nakaubob nadin sa unan.

Panandalian siyang nablangko dahil sa kaba. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang katawan niyang halos nakadagan kay Agatha. Amoy niya ang pabango,buhok at maging ang alak na nainom nito. Unti-unting bumibigat ang kanyang paghinga lalo na sa tuwing hihigpitan ni Agatha ang kapit sa kanya at halos ayaw siyang pakawalan. Gustuhin man niyang kumalas dahil sa pag-iisip na baka nahihirapan huminga si Agatha ay tila hindi niya magawa.

Nararamdaman niya ang paghinga ni Agatha at gustung-gusto niya, tila napawi ang pagod niya. Hanggang sa unti unting lumuwag ang pagkakakapit ni Agatha sa kanya.

Iniangat niya ang ulo niya upang tignan ang mukha nito, hindi niya inda ang pagkangawit habang hinihimas ang ulo ni Agatha. Napangiti siya habang pinagmamasdan niya 'tong nakatulog na, hindi niya padin mapakalma ang sarili lalo na't ganun nalang katindi ang lapit niya dito at halos
magtama na ang kanilang mukha.

'Damn.' naibulong ni Uriah sa isip habang nakatitig sa labi ni Agatha. Agad siyang napalunok at tinignan ulit ang mata ni Agatha upang siguraduhing tulog ito.

Iniiwas niya ang tingin at tumingin nalang sa dingding, pumikit siya ng ilang segundo upang pigilan ang sarili at dala ng frustration.

'No.' pagpipigil niya sa sarili. Marahan niyang inialis ang kamay ni Agatha na nakapulupot sa kanyang leeg. Dumiretso na siya ng upo tsaka napabuntong hininga habang nakatingala.

'Damn this situation! Very frustrating.'

Sabay lingon niya ulit kay Agatha. Nagmadali siyang lagyan 'to ng kumot at tsaka lumabas ng kwarto.


Habang si Mars ay nakaupo na sa sofa at nagpipigil ng tawa nung mapansing nagmadaling lumabas si Uriah ng kwarto. Lalo siyang natawa nung makitang may pawis sa noo si Uriah.

"Tinimpla din kita ng kape, kaso mukhang nag-iinit ka na e..."

"You..." aniya ni Uriah habang nanlilisik ang mga mata.

"Ay sorry! I mean naiinitan. Laksan ko ba aircon? HAHAHAH!" paliwanag ni Mars habang kumukuha siya ng tubig sa kusina.

"Nakakatimpla ka na ng kape, mukhang okay kana bakit di ka na lumayas dito." sagot ni Uriah nung matapos uminom.

"HAHAHA! Kaw ah! Gusto mo iwan ko kayo ni Agatha? Badboy tsk tsk. Lasing pa si Agatha..." pang-aasar ni Mars pero natigilan siya nung bigla siyang hampasin ni Uriah ng unan. "Wag ganun men, patayin ka ng tatay nyan hahaha!" pagpapatuloy niya.


"Gago ka." walang emosyon na sagot ni Uriah. Tumingin siya sa orasan at tsaka umupo.

"Dito siya matutulog?" nakangising tanong ni Mars sa kanya.

Umiling lang siya bilang tugon. "Ihahatid ko siya bago mag alas dose. May isat kalahating oras pa siya para magpahinga. Buti nalang di traffic."

"Saan ba kayo galing?"

"Sinundan namin si Cholo." seryosong sagot ni Uriah dahilan para mawala ang ngisi sa mukha ni Mars. Nagpatuloy ang kanilang deskusyon tungkol sa nangyari. Banaad sa mukha nila pareho ang pagseseryoso at pag-iisip ng mabuti.

"Paano nalaman ni Chin 'yong tungkol sa lugar na 'yon?" tanong ni Mars sa kalagitnaan ng usap nila at tila di mapakali.

"Ang haba haba ng sinabi ko tungkol sa nangyari tapos 'yan itatanong mo." reklamo ni Uriah at di makapaniwala.

"Di nga? Di ko alam na alam niya 'yong lugar na 'yon. Tignan mo, di ko din alam na may ganun palang lugar dito. Huh!" sabay hampas niya ng binti niya at tumawa.

"Siraulo." walang ganang sagot ni Uriah. Tumahimik nalang siya at hinayaan lang si Mars na magsalita na magsalita.

"Balikan mo nalang siya tsaka mo siya tanungin at pagalitan." sabat ni Uriah at tila narindi.

"What? Balikan? Sinabi niya sa inyo na ano... wala na kami?"

Napatingin si Uriah kay Mars at binalik din ang tuon sa cellphone upang basahin ang mensahe ni Ethan at panuorin ang record ng CCTV.

"Ah. Wala na talaga kayo. Halata naman." aniya habang patuloy sa panunuod ngunit di padin tumigil sa pagrereklamo si Mars. "Ayan problema sayo. Ngayon ngayon ka magagalit, Noong kayo di mo magawang magalit sa kanya dahil hinahayaan mo lang siya. Sinanay mo kasi siyang okay lang sayo lahat. Ang dami mong di alam puro ka kasi kalibugan, kaya 'yan napala mo.Gago."


"Namo men. Kalibugan talaga?" sabat ni Mars at halatang nalungkot. "Kasama naman na 'yon pero mahal ko kasi talaga si Chin kaya natatakot ako dati na magalit siya."

"Ah. So you mean kaya kayo naghiwalay para free na magalit ka ngayon."

"Siguro." sabay hilot niya ng noo. "Masakit pero ginusto ko naman 'to e. Siguro kailangan muna namin bigyan ng time ang sarili namin. Baka mag grow-up ako. Kung kami naman kasi diba sa huli kami padin. Kailangan ko din magreflect, ang dami nga sigurong mali sakin. Hahanapin ko muna ang sarili ko. Kung alam mo lang, pag nakikita ko siya..." napatigil siya at tila mapapaiyak na.


"What's wrong with Cholo's hand?" nagtatakang tanong ni Uriah.

Napatitig si Mars sa kanya at di nakaimik. Tulala at pinanuod lang si Uriah na patuloy sa pagnuod ng CCTV record. Napasinghot siya at naisuklay ang daliri sa buhok.


"What?" iritableng tanong ni Uriah nung makitang halos nakasimangot na ang mukha ni Mars.

"Ang haba ng sinabi ko 'yan lang ang isasagot mo?" sagot niya at di makapaniwala.

"Ako nga 'tong kinwento lahat ng nangyari ikaw 'tong walang pakealam. Mas inuna mo pa 'yang kadramahan mo kesa tungkol sa taong nagpahamak sayo idiot."

"Wala kang kwenta kausap."

"Ano ka pa. Ano nga nangyari sa kamay niya?" mas iritableng tanong ulit ni Uriah.

"Nasunog balat niyan sa kamay nung isang beses may aksidente, 'yong kalaban niya bigla nagliyab  'yong sasakyan tapos tinulungan niya makalabas. First time ko nun sa drag racing. Porn ba 'yan?" sagot niya sabay tumayo upang tignan ang pinapanuod ni Uriah "Ah.Tignan mo si gago, kahit dyan may guantes padin."

"Both hands sunog?"

"Oo, kaya parehas may guantes 'yan pero mas matindi ata paso niya sa kaliwang kamay. Halos buong kamay napaso." sabay balik niya sa upuan.  Sinundan lang siya ng tingin ni Uriah.

"Still upset na trinaydor ka nitong gago na 'to." sabay tago ni Uriah ng cellphone at kinuha ang kape na tinimpla para sa kanya.

"Psh." sabay ngisi ni Mars at nanahimik panandalian. "Di ko lang talaga akalain, parang wala naman kasi siyang dahilan. Si Damon pa tuloy ang napaghinalaan ko hahaha."


"There's something weird." bulong ni Uriah sabay bitaw ng baso ng kape.

"Ano 'yon?" interisadong tanong ni Mars habang si Uriah ay may parang kung anong iniisip at napailing pa.

"May mali dito." sabay tingin niya kay Mars ng matalim. Lalong nakaramdam ng pagkaexcite si Mars. "Dito." sabay turo sa kape. "Kape ba 'to o tinimplang asukal lang? Gago ka. Sobrang tamis."


"Hayop ka patikim nga!" sigaw ni Mars at tsaka ininom ang kape. Muntikan na niya maibuga ang iniinom, agad din niya binitawan ang baso at natahimik.

Tumayo si Uriah at pumuntang kusina upang itapon ang kapeng dapat ay para kay Agatha.

"Yabang nito, kala mo naman ang galing din matimpla at magluto." reklamo ni Mars. "Noodles lang naman alam lutuin labog pa. Ano pala sasabihin mo sa tatay ni Agatha?" pasigaw niyang tanong at nakangisi, narinig niyang may kumalampag na baso sa lababo kaya napatakip siya ng bibig at palihim na tumawa.


---

"Kainin mo muna 'yan habang mainit pa." utos ni Uriah kay Agatha nung magising siya. Napatitig lang si siya sa nilutong noodles habang nagpupunas ng mukha na katatapos lang maghilamos.


"Alam mo na kung sino nagluto niyan, di ako." aniya ni Mars at tila nalungkot nung makita ang labog na noodles. "Okay ka na ba? Gusto mo kape nalang?"



"Hehehe! Di ayos lang." sabay tingin niya na may kaba kay Uriah na abala sa lababo.


"Nahihilo ka pa ba?" tanong ulit ni Mars at tsaka kumuha ng tasa. "Titimplahan nalang kita ulit, tinapon kasi ni Uriah 'yong una kong gawa tsaka lumamig nadin."


"Salamat. Pero ayos lang wag na. Mainit nadin naman 'tong noodles.Di naman na ko nahihilo."


"Wow." sabay thumbs-up ni Mars. "Ang bilis ng recovery mo sa alak, tulog lang talaga kailangan. Okay 'yan.Sabagay, mukhang okay ka na talaga. Kanina kasi ... pfft."


"Kanina ano?" tanong niya at napalunok.


Hindi na naituloy ni Mars ang sasabihin nung pumwesto si Uriah sa kaharap niyang upuan.

"Hahaha! Wala." sabay tapik ni Mars sa likuran ni Agatha. "Nakwento na sakin ni Uriah 'yong nangyari. Salamat ah. Grabe, di ko akalain na magagawa mo 'yon. Salamat Agatha." sinsero niyang sabi.


"Ikaw pa ba." nakangiting sagot ni Agatha kay Mars at tila nanunuya.


Sabay tabing nito sa kanya ng bahagya. "Ano ba 'yan ang lakas ko naman sayo. Hahaha!" sabay tawa niya at galak na galak. Nagtawanan silang dalawa hanggang sa napatigil nalang sila nung mapansing tahimik na pinapanuod sila ni Uriah.


"Dalian mo magpapalit ka pa. Nasa banyo na 'yong damit na sinuot mo kanina nung sinundo kita sa inyo." walang tonong utos ni Uriah at tsaka tumayo papuntang kwarto.

----

"Ano,Uriah..."
"Let's go..."

Sabay nilang sabi sa isat isa kaya agad silang natahimik parehas. Napaiwas ng tingin si Agatha at napatingin sa labas ng sasakyan. Muling binalot ng katahimikan ang loob ng kotse.


"Okay ka na?" tanong ni Uriah at diretso lang din ang tingin sa labas.

"Oo." tila naiilang na sagot ni Agatha. Tila pakiramdam niya ay galing siya sa isang mahabang oras na pagkakatulog.

Pagkatapos niya sumagot ay binuksan na ni Uriah ang makina ng sasakyan at pinaandar 'yon palabas ng gusali.

Habang sa byahe ay tahimik lang silang dalawa. Kinuha ni Agatha ang cellphone sa kanyang bag upang may ibang magawa dahil nakaramdam siya ng biglang pagkailang.

"Huh. Patay?" bulong niya habang pinipilit buksan ang cellphone. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nung maalalang nabagsak niya 'yon sa club. Agad siyang kinilabutan nung maalalang may lalaking humila sa kanya at humipo sa kanyang binti.


"May ginawa ba sayo si Cholo na di maganda habang nakapatay 'yong mga ilaw?" tila
kabadong tanong ni Uriah.

Hindi agad nakaimik si Agatha, hindi niya mawari kung dapat niyang sabihin ang tungkol sa lalaking unang humila sa kanya.

"Wala naman. Okay naman siya kausap." sagot ni Agatha at tumonong ayos lang.

"Nakita ko 'yong CCTV video, hawak niya ang kamay mo."
malamig at tila may pagdududa na tanong ni Uriah.


"Ahh! Kasi...sa pagkakaalala ko ako talaga napahawak sa kanya n'yon kasi natakot ako baka may ibang humila sakin. Tapos 'yon, siya nalang 'yong humawak sakin para wala talaga ibang makahatak sakin." sabay lunok ni Agatha at tumingin kay Uriah saglit.

Naalala niya ang mga nangyayari ngunit pakiramdam niya ay parte lang 'yon ng mga kanyang panaginip.


Hindi umimik si Uriah at parang di ganun kakumbinsido sa sagot niya.


'Sorry Uriah, huhu! Mas okay na 'to kesa malaman mo na may nanghipo sakin. Abnormal ka pa naman.' aniya ni Agatha sa isip-isip. Napahawak siya sa noo at hinimas 'yon, tila umarteng napapagod upang hindi na siya tanungin pa.


"Sigurado ka ba? Sigurado kang tanda mo lahat ng ginagawa mo?" tanong ulit ni Uriah, ramdam sa boses niya ang pag-aalala. Lumingon siya panandalian kay Agatha. "Natatandaan mo mga ginawa mo?" at ang tono niya ngayon ay biglang nag-iba, tila nagsisigurado kung naaalala din nito ang mga inasta niya nung magkasama silang dalawa.

Napako ang tingin ni Agatha kay Uriah na nag-iwas na ng tingin sa kanya. Huminga siya ng malalim at tila nanuyo ang lalamunan. 'Oo, pati 'yong ginawa ko sayo.Alam ko 'yon di ko lang nacontrol ang sarili ko.'  aniya sa utak at sa loob loob niya ay gusto niyang tupiin ang sarili sa sobrang kahihiyan.


Binaling niya ang tingin sa labas  at nagkunwaring kalmado. "Hindi ko maalala 'yong iba pagkalabas ko ng club. Sobrang hilo na ko nun." sabay tikom niya ng bibig. Tumingin siya sa seryosong mukha ni Uriah panandalian at tila may halo ng pagkadismaya. Nabalot muli ng katahimikan ang loob ng sasakyan.

"Ano Uriah, wag na natin sabihin kay dad 'tong nangyari."

"But..."

"Mag-aalala lang siya e, wala naman nangyari sakin masama tsaka tapos na 'yon. Natatakot din kasi ako baka pag nalaman niya di na niya tayo payagan lumabas dalawa." sabay buntong hininga niya. "Di ko tuloy nakita ang parents mo. Nakakahiya."




"I talked to them already, may next time pa naman."


"Hehehe! Siguro ayaw ng tadhana na ipaalam muna natin sa mga kaibigan natin 'yong status natin. Kasi diba
deal natin na kailangan both parents muna natin ang makakaalam tsaka natin sasabihin sa kanila."


"It's okay, there's still another time."


"Oo nga , lalo na ngayon ayoko muna talaga sabihin sa kanila dahil ang dami pang problema, tsaka na pag medyo okay na ang lahat."


"Okay." matipid na sagot ni Uriah.

"Di naman siguro ako mahahalata ni Dad na uminom 'no? Kinakabahan ako. Amoy alak ba ako?" sabay lalapit sana si Agatha kay Uriah upang masiguradong di siya amoy alak nung maalala niyang halos maharas niya si Uriah maamoy lang 'to.


Nag-ayos siya ng upo at nagpatay malisya tila walang sinabi na kung ano.


Habang si Uriah ay naalala din ang pangyayari sa loob ng kwarto lalo na ang amoy ni Agatha nung halos madagananan na niya 'to dahil sa higpit ng pulupot sa kanya nito. Napalunok siya at sinabing, "Pag may niyakap ka siguro."sabay napatigil at parang nasamid tsaka humawak sa batok. "Baka maamoy ka."


Agad na tumindig ang balahibo ni Agatha sa sinabi ni Uriah dala ng hiya. Napalunok nalang din siya at tila kinapos sa paghinga. Di siya nakasabat at biglang naging tensyonado ang mga mata. Tumingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan at doon napapikit habang pinapagalitan ang sarili sa isip.


'Nakakahiya ka Agatha.' paulit ulit niyang sabi sa kanyang utak. Nabalik nalang siya sa huwesyo nung ipaalam ni Uriah na malapit na sila sa kanilang bahay.

"Paano pala pag lumapit at nagmano ko kay Dad? Okay naman siguro 'no? Di ako maaamoy? Pag kinausap ko siya?" natatarantang tanong ni Agatha. Sabay tinapat niya ang palad sa bibig upang amuyin nag hininga. "Hala." sabay amoy ulit. "Parang amoy padin."


"Hindi naman." sagot ni Uriah habang nakatigil ang sasakyan. Pinanuod niya lang si Agatha habang paulit-ulit sa ginagawa nito.

"Pero kasing..." sabay agad na tikom ni Agatha nung bibig nung tumambad sa mukha niya ang mukha ni Uriah. Nanlaki ang mga mata niya at halos maduling, kahit ang paghinga niya ay nagawa niyang pigilan.


Habang si Uriah ay kalmado lang na nakatitig sa mga mata niya. "Speak and I'll smell it."

Napakurap si Agatha at tila nakiliti sa malalim at buong boses ni Uriah. Napahinga siya ng malalim nung maramdaman ang mainit na hininga ni Uriah at maamoy 'yon. 'Ang bago. Amoy mint.' aniya sa sarili at mas lumalim ang paghinga.Tila parang naaadik muli sa amoy ni Uriah habang lalong bumibilis ang pintig ng puso niya dahilan para maisara niya ang mga palad sa sobrang kaba.


Pakiramdam niya ay sasabog na siya anumang oras kaya nung marinig niyang may bumusina ay agad niyang nailapat ang palad sa mukha ni Uriah at tinulak 'yon palayo. "Naka go na!" sigaw niya nung mailayo ang mukha ni Uriah.


Napangisi nalang si Uriah at muling nagmaneho dahilan para manlamig ang kamay ni Agatha sa sobrang kaba.

Narinig niyang napabuntong hininga si Uriah habang papalapit sila sa kanilang bahay. Hindi na niya pang magawang tumingin ng matagal kay Uriah at natahimik nalang.


"Minsan ko lang 'to sasabihin," seryosong sabi ni Uriah. "Alam mo bang ang cute mo. Damn. Lahat nalang ng ginagawa mo ang cute sa paningin ko. Hayop na 'yan." paliwanag niya habang diretso lang ang tingin sa kalsada.

Agad na pumihit ang ulo ni Agatha upang tignan siya at nanlilisik ang mga mata.

Napangisi si Uriah nung maramdaman niyang nakatingin sa kanya si Agatha, napakagat pa siya sa labi saglit para pigilan ang pagngiti dahilan para manikip bigla ang dibdib ni Agatha.

"But actually, you're cuter when you're drunk." dagdag ni Uriah at saktong itinigil na ang sasakyan sa harap ng bahay ni Agatha sabay tingin niya dito. "That's why don't drink again. I might get a heartattack."







JONAS' P.O.V.

It's almost 10:00pm. Ang tagal din pala ng meeting namin. Almost 4 hours.

"I have to go." paalam ko kina Kelvin. "Umuwi ka nadin salonpas." That salonpas guy. Muntikan na ko maniwala kay Demi.

Habang papalabas ako ng kwarto kita ko sa glass door si Demi na nakatayo. Kanina pa siya dyan?

"Sabi ko naman na mauna na siya."

4 hours din siya nag antay? Lalo ako nagmadali lumakad palabas, parang may kausap siya sa phone. Si Nicolo na naman siguro 'yan.

Napalingon siya dito at nakita na niya kong palabas. Pagkalabas ko ay sakto na tinapos na niya ang usap nila ng kausap niya. Kami nalang ata estudyante dito e.

"Diba sabi ko..." I was interrupted when I saw her forehead sweating.  Ngayon ko lang siya nakitang pinagpawisan sa noo. Actually parang ngayon ko nga lang siya nakitang pinagpawisan. "Masama pakiramdam mo?"

Then she just gave me a blank stare. Na para bang sinasabi niya na ang weird ko at natanong ko 'yon. Nakita ko din na parang may hawak siyang bote at medicine tablet na para bang ibibigay niya sakin 'yon.

No way!

"I'm fine now." sagot ko na dahil alam kung para sakin talaga 'yon. Lumakad na ako at ganun din siya. Kami nalang ang tao dito, sobrang tahimik. Nakakabingi. Pagod na siguro siya.

Mas okay sana kung sabay kami uuwi tapos holding hands kami sa hallway.

Takte! Nag iimagine na naman ako.

"Mukha nga po." sabay bulsa niya ng gamot at tumahimik ulit.

Tinignan ko lang siya, I'm still disappointed. Bigla nalang niya ko binalaan tungkol kina Kelvin and Chelsy. I mean I know she's doing her work, pero wala siyang basehan to accuse those people.

Pero takte, alam mo 'yong kahit ang tipid ng sagot niya. Gusto ko reply-an, I want to talk to her.  Kontento na ko doon. Kawawa naman ako tang'na!

"Di na siguro ko namumutla." may masabi lang ako. For sure di na sasagot 'yan.

"Lagi naman kayong mukang maputla kasi  maputi kayo."

Nagtataka kong napatingin sa kanya. Anong nakain niya at nakikipag usap siya sakin ng ganto. Takte! Dahil ba sa akala niya galit padin ako?

Actually it feels something weird. First time kong marinig 'yon sa kanya. She described how do I usually look. Wala na! Wala na talaga di na ko galit. 'Yon lang ang sinabi niya napawi na lahat.

"Really, e paano mo nalaman na okay na ko." I asked and my voice sounds like... gross! Bakit ganun para kong highschool na naghihintay pa ng compliment.

She glanced at me that made me nervous and she stares at my lips.

"Para na po kasing cherry ulit yang labi niyo. Ang pula."

Feeling ko e may humawak ng paa ko at napatigil ako sa paglalakad. Napatigil din siya nung napansing nakatigil din ako. Bago pa siya mag-isip na kung anu-ano ay lumakad na ulit ako. Natahimik ako at parang pinagpawisan.
Parang sasabog ang dibdib ko takte!

Cherry? ulit? Ibig sabihin napapansin niya noon pa na ganto kapula ang labi ko. Akala ko ang alam lang niya e trabaho niya.


'Woah! Demi. Ang playgirl mo, kung kelan susukuan na kita hinahatak mo ko pabalik.Woah! Kainis.'

---


AGATHA'S P.O.V.


"Andyan na po si  Dad?" tanong ko agad kay Mr. Lambert na sinalubong ako sa labas ng pinto.

"Wala pa po young lady." sabay ismid nila upang bigyang daan kami ni Uriah papasok ng bahay.

"Kamusta po ang araw niyo?" tanong ni Mr. Lambert nung sumunod siya sa likuran ko. Kinabahan ako lalo sa tanong niya. Napatingin pa ko kay Uriah saglit, nilingon ko si Mr. Lambert na may ngiti sa mukha ko. "Okay naman po. Wala naman po naging problema."

Sabay titig niya saming dalawa ni Uriah, ewan ko pero kinakabahan ako sa datingan niya. "Okay po." sabay ngiti niya ng kaunti. "Maiwan po muna namin kayo. Pinapasabi po pala ng dad niyo na mamaya maya pa po siya makakauwi."

"Okay po." sagot ko at tsaka lumabas na sila kasama ang ibang bantay. Naiwan kami ni Uriah dito sa sala, bago pa ko umakyat para tawagin si Chuchi ay nakita ko na siyang tumatakbo papunta sakin. "Hello baby ko! Galing ka sa kusina? Anong gawa mo dun?"

Biglang sumakit ang ulo ko nung yumuko ako para buhatin si chuchi, actually nahihilo padin ako at sumasakit ang ulo pero kaya ko namang tiisin pa. Grabe! Dalawang baso lang ang nainom ko nun, ganun ako kabilis talaban ng alak.

"Young lady andyan na po pala kayo, sorry po naglaro kasi kami ni Chuchi sa garden." paumanhin ni Tammy kinausap niya lang ako saglit pagkatapos ay nagpaalam na aakyat muna sa kwarto ko.Tumango lang ako dahil mukhang nagmamadali siya.



"I'll just go to CR." sabay alis niya, pinanuod ko lang siyang lumalakad palayo habang bitbit ko si chuchi. Oh my! Tuwing titignan ko siya naalala ko lahat ng ginawa ko nung nalasing ako. Naalala ko lahat! As in! Akala ko ba pag lasing ka di mo maalala ang ginagawa mo pero hindi! Parang gusto ko maiyak sa kahihiyan.


Tapos naalala ko pa 'yong sa  kotse kanina. Feeling ko talaga aatakihin na ako. Mas aatakihin ako dahil sa kanya at hindi dahil sa misyon ko. Alam mo 'yong feeling ko kanina, mas matindi pa ang kaba ko kesa nung ginagawa ko ang misyon ko.


"Chuchi alam mo bang nakakahiya ako kanina!"

Feeling ko ang haba haba ng araw na 'to, ang daming nangyari! HIndi ko na talaga masyadong naiisip 'yong ginawa ko kanina sa club dahil sa mga ginawa ko.

"Alam mo bang ang cute mo. Damn. Lahat nalang ng ginagawa mo ang cute sa paningin ko. Hayop na 'yan."

Woah! Kalma, kalma lang. Para akong matutupi tuwing naaalala ko 'yong sinabi niya. Nakakainis 'tong si Uriah, parang biglang sinasapian ng kapilyuhan.

Napahawak ako sa noo ko dahil parang sumasakit ang ulo ko, siguro dahil sa kahihiyan na di maalis sa isip ko. Tapos parang pag medyo gumagalaw galaw ako ay masusuka ako. Kaloka! Pinipigilan ko lang talaga at pinapakitang ayos ako dahil baka maloka ulit 'tong si Uriah.


Napaupo ako ng maayos dito sa sofa nung marinig kong lumabas na ng CR si Uriah, tumingin ako doon saglit habang himas himas si Chuchi. Tumigil siya sa paglalakad malapit sa kusina at inayos ang sintas ng sapatos.


Kalma Agatha, uuwi na kaya siya? Pero feeling ko hindi pa at hahantayin pa niya si Daddy.


"Nagpagawa ka ng shake? Akala ko ayaw mo na kumain?" tanong ni Uriah nung makabalik dito.

Di ko siya magawang lingunin, nahihiya ako. Kunwari busy ako kay chuchi.

"Hindi naman. Bakit?" ayoko na ngang kumain e.

"Narinig ko sila sa kusina. Banana shake ata yun."

"Wala. Baka para sayo."  sabagay, ganun kasi sila manang pag may bisita naghahanda talaga lalo na ng drinks. "Akyat ko lang 'tong gamit ko."

"You should sleep now. I'll wait for your dad before I leave."


"Di, babalik din ako agad."

Iniwan ko muna sa kanya si Chuchi at umakyat na ako. Pagkapasok na pagkapasok ko ay humiga agad ako sa kama. Dito lang ako nakahinga ng maluwag. Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko. Naalala ko 'yong kwarto ni Uriah, naaalala ko ang amoy niya nakakainis! Napayakap ako sa unan ng di oras.

"Ahmm... young lady."

Napadilat ako agad at binitawan ang unan. Bumangon ako at tinignan si Tammy na parang nag-aalangan na lapitan ako. Ngumiti siya ng kaunti kaya mas nilaparan ko ang ngiti ko sa kanya. Nakakahiya! Nawala sa isip ko na andito nga pala siya sa kwarto ko. Baka isipin niya kung anu-anong iniimagine ko.

"Yes?" ngiting ngiti kong tanong sa kanya. Di kaya naghihinala din siyang lasing ako? Feeling ko e ang weird nga ng kinikilos ko.


"Okay na po yung pampaligo niyo. Iwan ko na po kayo." sabay ngiti niya at lumakad na palayo.

Pampaligo? Di naman ako naliligo pag gabi. Tatanungin ko pa sana siya nung lumingon siya ulit sakin. "Oo nga po pala, may tumawag po kanina hinahanap po kayo."


"Sino daw?"


"Ano nga ba name nun?" sabay tingin niya sa kisame. Napangiti nalang ako dahil ang cute ni Tammy. "Ah.Naalala ko na." sabay tingin niya ulit sakin at ngumiti, habang ang ngiti sa labi ko naman ay unti-unting nawala nung sabihin niyang...

"Jacob ata, Jacob po ang name niya young lady."

----


When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon