chapter 40

6.5K 201 120
                                    

(HAPPPPPPY NEW YEAR EVERYONE! I'M SORRY MAKUPAD ANG AUTHOR. LOVELOTS)

Agatha's P.O.V.

Kalma Agatha... kalma. Si Uriah lang 'yan kasama mo. Bakit ka pinagpapawisan nang

malamig ha?

"Hanggang kelan mo kami balak di pansinin?" tanong niya habang hinihimas ang tyan ni

chuchi.

Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako. Wala akong sinasagot na tawag or text sa

kanilang lahat. Kasi hindi ko alam talaga kung paano sila haharapin. Nanatili akong

walang imik at di kumikilos saking kinauupuan. Ni hindi ko nadin maintindihan yung

nangyayari sa pinapanuod kong palabas.

"I miss you." aniya at may lungkot sa boses niya.

Agad na parang may gumuhit saking lalamunan at napalunok ako. Ramdam ko ang mabilis

na pamumuo ng luha sa mga mata ko.

Mas miss kita. Sobrang miss kita.

Naramdaman ko ang marahan niyang paglapit saking tabi. Tuluyan nang bumagsak yung

luha saking pisngi lalo na nung naramdaman kong iniharap niya ako sa kanya at agad na

binigyan nang mahigpit na yakap.

Doon na ako napahagulgol na parang bata.

"I'm sorry... I- I'm so sorry." sabi ko habang yakap niya ako at hinihimas ang ulunan

ko. "Kasalanan ko 'to lahat. Kasalanan ko kung bakit niyo nararanasan lahat ng 'to.

Wala na akong mukhang ihaharap sa inyo."

Patuloy lang ako sa paghingi ng tawad. Hindi siya nagsasalita at pinapakinggan lang

ako. Pag titigil ako ay sasabihin niya lang na 'sige lang, sabihin mo lang lahat ng

gusto mo. Walang mangjujudge sayo dito. Ako lang 'to.'

Hindi din nagtagal ay huminahon din ako at napakalma na. Tinitigan ko siya nang ilang

segundo at agad na hinawakan ang mukha niya. Agad na nagusot na naman ang mukha ko.

Naiyak na naman ako. Ano ba Agatha napakaiyakin.

"Tss..." siya habang nakangising nakatingin sakin.

Gwapo naman. Ay ano ba Agatha!

Naudlot yung pagluha ko at agad na kumunot ang noo ko. Mang aasar na naman 'to. Nung

nakita niya ang reaksyon ko ay lalong lumapad ang ngiti niya dahilan para lumabas

yung dimple niya.

Hala ano ba 'yan! My weakness.

"Wala kang kasalanan okay. Ano bang sabi ko sa'yo noon. Lahat ng nangyayari samin ay

bunga ng mga ginagawa namin noon. We always expect for the worst. Hindi sila galit

sayo. Sila ang pinag aalala mo na baka ikaw daw ang galit sa kanila dahil di mo sila

pinapansin."

"Eh bakit naman ako magagalit sa kanila e dapat nga sila ang magalit sakin at sa

tatay ko."

Di siya sumagot agad. Imbes ay hinawakan ang kamay ko at tumingin sa TV.

"Nakakamiss 'yang pagiging annoying mo." aniya dahilan para mataasan ko siya ng kilay.

Papaluin ko sana siya nung bigla niyang sinabing...

"Wag mo kong bigyan masyado ng personal touch. Matagal kitang di nakita at nakasama.

Dalawa lang tayo dito sa inyo. Baka makalimot ako at kung anong magawa ko."

Natigilan ako sa sinabi niya, namalayan ko nalang na ang ligalig na ng puso ko.

Kalma. Kalma!

"A-anong magawa mo? Bakit susuntukin mo ko ha?" sabat ko para di niya maisip na naiilang ako.

"Ahhh. Talagang sinusubukan mo ko." sagot niya sabay tingin sakin nang sobrang

seryoso.

Aatakihin na ata ako. Pero hindi ko mapigilan ang mga labi kong unti-unting napapangiti. Ay gumugusto Agatha?

Napatingin siya sa labi ko at dahan dahan na inilalapit ang mukha sa mukha ko.

Di ako makagalaw.

Pipikit na ba ako? Ano ba! Ang harot mo Agatha.

Ayan na. Ayan na.

"Tao poooooooooo!" sigaw mula sa labas ng bahay. At hindi ako pwede magkamali, boses ýon ni Kurt at naririnig kong may iba pang mga kasama.

Napadilat ako at napatitig lang kay Uriah na ilang pulgada nalang ang agwat sakin.

Nakakaduling. Nakakabitin.

Tatayo na sana ako nung bigla niyang hawakan ang mukha ko at agad na hinalikan ako sa labi.

Bukod sa mata kong luluwa sa sobrang gulat ay luluwa din ata ang puso ko sa sobrang kaba.

Hanggang sa naramdaman kong gumagalaw nang marahan ang kanyang labi. Tila nang iingganyo at nakakawala sa sarili. Dahan-dahan akong napapikit at naipulupot angbraso ko sa kanyang leeg. Dahilan para lalong lumalim ang halik niya, nakakalunod pero masarap sa pakiramdam. Namalayan ko nalang din na nakikipagsagutan na ako ng

halik...

panandalian akong nabingi, nawalan nang pakialam sa paligid...

basta ang alam ko lang ay napakasarap sa pakiramdam. Parang sasabog ang dibdib ko at

the same time ay para akong lumulutang.

Ang amoy niyang napakabango, yung hininga niyang napakainit, yung haplos niyang

nakakapanghina at yung pakiramdam na ang lapit niya sakin ay hindi ko akalain na

ganto ang epekto sakin. Nakakaadik. Na para bang ayaw ko nang matapos pa.

"Oy tangna buksan niyo pinto! Lumabas ba sila?"

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon