chapter 9

34.4K 838 181
                                    

DOMINIC'S P.O.V.


"May nahanap na ko na makakatulong sayo."

That's great! Napangisi ako agad nung marinig 'yon mula sa kabilang linya, maasahan talaga 'tong si Kuya Baron, senior ko siya when it comes to modeling industry. Sa tagal na niya sa modeling madami na siyang naging kaibigan. Kada pupuntahan niya atang lugar e may mga bago din siyang kaibigan.

"Thank you kuya, kahit kelan maasahan ka talaga."

"Matagal tagal din bago ka humingi ng pabor a, mukhang may bagong chix ka na naman."

"Hahaha!" 'Di ko napigilan ang mapatawa habang diretso ang tingin sa daan. Naalala ko bigla nung humingi ako ng pabor sa kanya nung kami pa ni Alexis.  "May kailangan lang akong alamin kuya."

"Oh sige, magaling 'yong kaibigan ko sa ganung bagay. Tatawagan ka nalang daw niya kapag free na siya."

"No problem, salamat kuya."

——

'10:00 na, malapit na vacant niya.'

tumingin ako sa rear view mirror at inayos ng kaunti 'yong buhok ko. My hair now is kind a mess. Ito kasi ang concept namin sa photoshoot kahapon. Ayos lang kaya 'tong itsura ko?

 'Woah, what's this strange feeling.'

habang nakaupo ako sa may bleacher at nag aabang agad na tumaas ang dalawa kong kilay nung mapansin ko ang ginagawa ko. I patted my hands on my lap. Agad akong napatitig sa kamay ko at natulala. Kinakabahan ata ako.

Until I realized, andito nga pala ako sa school nila Uriah. Magkikita sana kami ni Uriah ngayon pero kailangan niya daw pumunta kina Agatha ngayon. Kaya kahit alam kung wala pa siya dito dumiretso padin ako.

Loko 'yong si Uriah, kung hindi pa ko tatawag sa kanya di ko malalaman na may iba pa siyang lakad. Wala din siya sa huwisyo nung kausap ko siya kanina. Wala naman sanang problema.

Yeah I admit, pumunta lang talaga ko dito just to see Alexis. I guess it's okay. Naalala ko tuloy bigla yung pinag usapan namin nung birthday ni Uriah at Sheria. I could still remember her face that night, face that full of sadness and regret. 

All this time mabigat pala talaga ang problema niya. Hindi ko maiwasang ma- guilty padin. I really feel so bad.

Ilang minuto nalang lalabas na siya, bakit parang nakakakababa.

'Ayan na, nakikita ko na siyang lumabas ng room.'

She's really beautiful, di ko tuloy mapigilan ang mapangiti. Lalo na ngayong di na siya naglalagay ng make up. Kaso di na nabago yung pagiging gloomy ng face niya. Ngayon ko lang napansin dahil sa alam ko ang dinadala niya.

'Dang, dapat alam ko din na may problema siya by just simply looking at her face.'

Naging walang silbe talaga ako after ng break up namin. Ayan na dadaan na siya dito. Inayos ko ulit ang buhok ko at umupo ng normal na para bang may hinihintay.

She's almost here. Nakita na kaya niya ako? Dapat ba kong tumingin sa direksyon niya? Why it seems so hard.

Pasimple akong tumingin sa paligid na para bang may hinahanap until my eyes landed on her. Nakita kong bumagal ang paglakad niya at inianggulo ang ulo habang nakatingin sakin.

"Doms?" she asked while her eyes are wide opened.

Tumayo ako at umaktong nagulat din. "Alexis!" di mawala ang ngiti ko. "Nice to see you." mukhang masyado atang obvious na masaya kong nakita siya.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon