chapter 26

11.4K 358 76
                                    

chapter 26

Agatha's P.O.V.

"Jacob?" Pagkokompirma ko kay Tammy. Tumango siya dahilan para muli akong mapalunok. "Anong sinabi niya?"

Unti-unti kong naramdaman ang paninikip ng dibdib.

"Tinanong niya lang kung pwede ka daw makausap sabi ko wala po kayo kaya tatawag nalang daw siya ulit. Wala din po siyang binigay na ibang contact. Binaba din agad tawag."

Hindi na ako nakaimik pa dahil kino-control ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim para ibsan 'yong pananakit ng dibdib ko.

"Sige. Pwede mo na ko iwan. Thanks Tammy." nakangiti kong sabi sa kanya. "Pakisabi kay Uriah may gagawin lang ako saglit."

"Ah andyan pa po siya. Sige po."

Pagkalabas na pagkalabas niya ay napakapit ako sa dibdib ko at halos magusumot ko ang sapin ng kama.

Jacob? Siya nga kaya talaga 'yon. Paano niya nalaman ang number ng bahay namin. Anong dahilan niya? Bakit bigla siyang nagparamdam. Bakit niya ko hinahanap?

Kalma Agatha, kalma.

Ininom ko na ang gamot ko at nanatiling nakaupo sa kama. Natulala nalang ako dahil sa dami ng iniisip ko. Bigla akong bumalik sa katinuan nung maalala kong andito padin si Uriah.

Parang nanghina ulit ang mga tuhod ko. Nakatitig lang ako kay Uriah habang bumababa ako ng hagdan. Abala siya sa pakikipaglaro kay chuchi. Unti-unti akong kumalma nung makita siya, pero may kung ano sa loob ko ang bumabagabag sakin. Nakokonsensya ako.

Bakit ganun? Nalaman ko lang na tumawag si Jacob ay ganito nalang ako kaapektado. Parang sasabog at tinutusok ang dibdib ko hanggang ngayon.

"Kala ko naligo ka." puna niya nung makita na niya akong nakababa.

Di ako sumagot at patuloy sa paglalakad palapit sa kanya. Nakatitig lang din siya sakin at hinihintay ang sagot ko. Sasabihin ko ba sa kanya ? 'Yong tungkol kay Jacob.

"Hindi. Pagod na ako. Baka matulog na ako agad." Malumanay kong sagot sa kanya.

"Dapat di kana nagpahanda ng pampaligo kay Tammy."

"Huh. Di naman ako nagpahanda."

Napatitig lang siya sakin ng kakaiba, na para bang may kakaiba akong sinabi. Kinabahan ako bigla. Alam niya kaya yung kay Jacob? Nabanggit kaya ni Tammy sa kanya? Agad kong kinuha 'yong shake na nasa mesa at napainom.

"Bakit?" Tanong ko at umaktong normal.

Umiling iling siya at binaling ang tingin sa baso niya.

"Uwi na ko, hindi daw makakauwi dad mo ngayon. Magpahinga ka nadin. Bukas nalang ako balik."

"Ah. Sige." nag-aalangan kong sagot. Napatitig lang ako sa kanya, anong nangyari sa kanya? Pagod lang siguro siya.

---

"Ano kamusta ka?" Bungad na tanong sakin ni Chin nung pumasok akong classroom. Mukang maaga siya ngayong english time. Madalas kasi nauuna ko sa kanya dahil hinahantay niya si Mars na sunduin siya sa building nila lagi para sabay na pumunta dito sa english room.

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko sa mga nangyari kahapon, sobrang dami at di ko akalain na totoong nangyari lahat 'yon. Kahit papaano ay naibsan ang kaba ko nung tanungin ko si Tammy kung nabanggit niya na may tumawag saking Jacob kay Uriah, sabi naman niya ay hindi. Siguro nga ay pagod lang talaga si Uriah nung oras na 'yon kaya parang may kakaiba sa kanya.

"Mabuti." matipid kong tanong. Umupo na ako sa pwesto ko. Magkikwento pa sana ako nung biglang dumating si Dominic, Kurt at Nicolo na nakalingkis kay Mars.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon