chapter 8

35.6K 790 172
                                    

(Here's my treat for you gals and guys! Thank you ^_^ )

CHAPTER 8

THIRD PERSON’S P.O.V.

Binitiwan ni Chin ang ballpen upang mag inat panandalian. Iniikot ikot niya ang kanyang leeg upang masahiin ‘yon pagkatapos ay bumalik sa pagsusulat.

Ngunit habang nagsusulat ay kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip niya. Napatingin siya sa cellphone nung makitang umilaw ‘yon.

Mars calling…

Tinignan niya lang ‘yon at bumalik sa pagsusulat. Naisip niyang baka kukulitin na naman siya nito kaya hindi niya sinagot ang tawag.

“ Baka nakatulog na ‘yon.” aniya ni Mars sa sarili nung itigil saglit ang pagtawag at magtext nalang muna.

‘Hey babe, sleeping? wake up. May tatapusin ka pang report ngayon ‘di ba?’

Tinigil ni Mars ang pag gawa ng aasignment. Humiga siya saglit sa sofa at nakatitig lang sa cellphone na naghihintay ng sagot ni Chin.

‘Babe? Bakit di ka sumasagot? Tulog ka na ? 9:00 palang! Ang antukin mo naman.’

‘Para kang buntis.’

‘Sabi na nga ba nirape mo ko nung nakaraang gabi dito kaya nabuntis ka.’

“Hahaha! ay...” sabay pigil ng tawa ni Mars ng dahil sa mga pinagtetext niya. “Paniguradong mamumura na naman ako nun pag nabasa ‘yon.”

Napabangon si Mars at nabahala kaya tumawag ulit ng ilang beses ngunit walang sumasagot hanggang sa naging busy na ang number ni Chin na ipinagtaka niya.

Habang si Chin naman ay patuloy lang sa pagsusulat. Napatingin siya ulit doon at nakita niyang lumitaw ang pangalan ni Jonas sa screen niya.

Agad siyang napalunok at napabitaw sa ballpen niya.Kinuha ang cellphone at mabilis na sinagot ang tawag.

Bago pa man siya makapagsalita ay napapikit siya at napahawak sa noo dahil sa kakaiba na naman niyang inaasta.

“Hey Dude.” bati ni Jonas.

Mabilis na tumibok ang puso ni Chin, dala ng excitement nung marinig ang boses ni Jonas.

“Dude…” sagot niya.

“Busy?”

Napatingin si Chin sa kanyang ginagawa. “Hah, hindi.” sagot niya dahil alam na niyang may ikikwento na naman ito sa kanya.

Napangiti si Jonas at tsaka sumagot. “Naks! Yan ang estudyante.”

“Tse! hahah o bakit?” nakangiting tanong ni Chin. Nawala din ‘yon nung may kung anong maalala siya. “Kamusta ‘yong pancit canton at animal planet na plano mo?”

“ ‘Yon takte, epic dude…” nagpatuloy lang sa pag kwento si Jonas at nanatiling nakikinig si Chin. Napapangiti siya at napapatawa sa kinikwento ng kaibigan ngunit may kung anong bumabagabag sa loob loob niya.

“Kakaiba talaga si Demi. hehehe.” sagot ni Chin.

“Oo nga e,” sagot ni Jonas at tsaka napangiti nang malapad. “Kaya nga ang lakas ng tama ko sa kanya.Takte! gayshit hahahhaha!”

Hindi agad nakasagot si Chin. “Ulol ! corny ka talaga Dude.” aniya.

“Okay lang ikaw lang naman nakakaalam ng mga kacornyhan ko hahaha! So what do you think I need to do next? I need a best friend advice.”

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon