chapter 38

10.1K 330 372
                                    

"As I expected, hindi na kayo nagulat na malaman niyong ako 'to. I won't ask for forgiveness, para lang ýon sa mga bagay na di mo sinasadya mangyari. Anyways, I want to know kung paano niyo nalaman na ako ang nasa likod ng mga 'to."

Nabalik lang ako sa ulirat nung magsalita ulit ang tatay ni Agatha. Sa sobrang gulat ko hindi ko namalayan na nakaupo na siya sa harap at nakalabas na ng kwarto si Kelvin. Takte! Anong kalokohan ito? Pero halata sa mga kasama ko na hindi na sila nagulat pa. So ako lang ang walang idea all this time?

"Uriah... can you explain it to me?" dagdag niya. It's a request pero it's more on like a command.

Habang si Uriah ay napatingin lang sa kanya saglit sabay balik ng tingin sa ibabaw ng mesa. Hindi ko mabasa ang iniisip niya, if I were him, hindi ko din alam ang dapat gawin. TATAY ng mahal niya ang kausap niya at nagtangka sa mga buhay namin.

Ang mas nakakatawa pa dito, siya na ang may sala pero kami pa ang nakakaramdam ng takot. Iba talaga ang pakiramdam ko and I bet all my friends kapag kausap ang tatay ni Agatha. Intimidating!

"Nagsimula kami maghinala nung maamoy po ni Demi yung pabango ni Kelvin nung mapadaan siya sa may hallway, tapat ng study room niyo. Yung yung araw na andun sila Alexis sa bahay niyo para magmovie marathon. Hindi alam ng iba na malakas ang pang-amoy ni Demi kumpara sa normal na tao.Kaya naisip namin, may ugnayan kayo."

Huh? Wait. Kasama ako sa tinutukoy niyang IBA? Kasi hindi ko alam... hindi ko alam na malakas ang pang-amoy ni Demi!

"Laging nakakasulpot si Demi sa locker room nila Kelvin, kaya inalam niya din ang pangalan ng pabango ni Kelvin. Pero walang brand yung pabango ni Kelvin. Kaya ang hinala namin ay it's home made, meaning siya lang or iilan lang ang may pabango na gaoon."

LAGI? So yung kanina hindi lang iyon ang unang beses na nakapasok si Demi sa locker namin. Takte! Madaming lalaking nakahubo lagi doon. Paano niya nagagawang makapasok doon at makapagtago. So andun siya at lagi kaming pinapanuod? Hindi ko alam ang mga bagay na 'to.

Mga kaibigan ko ba sila? O sinadya ba nilang hindi sabihin sakin ang mga bagay na 'to dahil sa ayaw ko silang paniwalaan tungkol kay Kelvin noon? Takte nasaan na ba yung gagong 'yon? Dapat andito siya ng malaman niya ang mga kagaguhan niya.

"Another thing is yung tama ng baril ni Kelvin sa hita na hindi namin napansin nung una. Base sa pag-aaral namin hindi maaaring kahit na isang tama ng bala ay walang natamo yung sumugod sa resto ni Jonas. Nung malaman namin na yung patch sa likod ni Kelvin nung mapunta siya sa clinic dahil na injured siya habang naglalaro ay relieving patch lang at hindi gasa para sa sugat niya ay hindi kami natahimik. Again, Demi found out sa locker room na wala sa katawan ni Kelvin ang tama kundi sa hita."

Naalala ko na naman yang sinabi nila sakin noon. 

"Hmmm..." tatay ni Agatha habang tumatango tango sabay tingin kay Demi.

Naiisip niya ba iniisip ko? Na nakita kaya ni Demi si Kelvin na nag sa-shower? Nanghina ako bigla. Ganoon ba kasarado ang tenga at mata ko noon na ayaw ko tanggapin ang sinasabi nila kay Kelvin, kaya clueless ako sa mga aksyon nila noon. Na dapat ako nga ang gumagawa ng part na ýon at di na si Demi.

Hindi ko din alam, kasi magaan talaga ang loob ko kay Kelvin, pero syempre hindi na ngayon. Hindi pa ako nakakabawi sa gagong ýon, nanggigil talaga ako.

"Then the day na aalis sana kami ni Agatha..." pagpapatuloy ni Uriah sabay tingin samin. Bakit?

"Yung pinaalam ko po sa inyo..." dagdag niya at parang nangangapa sa sasabihin.

"Yes, naaalala ko na. What about that?"

Teka ano yun?

"Nung pagkauwi namin ni Agatha sa bahay niyo, may nakahanda ng pampaligo at banana shake. Na para bang alam niyo na... nalasing at pagod si Agatha nung gabing ýon, lalo na yung banana shake, pangtanggal hang over 'po yun. Usually pag umuuwi ay gatas ang iniinom niya."

Gusto ko matawa bigla, kasi bihira mo lang makikita si Uriah na ganito kaamo. Yung pagkakasabi niya? Nag-aalangan na natatakot na akala mo ay bigla siyang susuntukin ng tatay ni Agatha.

Iyon yata yung pumasok si Agatha at ALexis sa bar para lagyan ng tracking device si Cholo. So may iba silang pupuntahan dapat ni Agatha nung araw na ýon? Saan punta nila?

"Tsaka po yung mga nangyayari samin ay may pattern, more on like tests. Kasi kung gusto talaga kami patayin hindi na hahantong sa madami pang incidents."

Tama tama. Nakokonsensya tuloy ako. Kung tumulong lang sana ako sa mga ginagawa nila matagal na 'tong natapos at hindi ko nararamdaman ngayon na para bang napag-iwanan ako.

"I see, but you called Jonas earlier, dahilan para mapang-abot sila ni Kelvin. Anong sinabi mo sa phone?"

"Na kompirmadong kalaban si Kelvin."

"How?"

Oo nga ako din di ko padin alam ang tungkol doon.

"By the help of Kurt."

Napatingin ako kay Kurt with amusement.

"Nagsideline sila ni Nicolo sa isang event dahil kinulang ng tao. It happened na organizer ng event is parent nung kaklase ni Kurt. They were informed na mahigpit ang security doon na pati ang mga staffs ay dumaan sa screening. Pero since the day of event na pinasok si Kurt and Nicolo as replacement hindi na sila nafilter and ang ginamit nilang name is yung name padin ng supposedly staff and photographer na andoon. Doon nakita ni Kurt, na magkasama si Cholo at Kelvin."

"Okay? But is it enough para masabing magkasabwat sila or related?" malalim na tanong ng tatay ni Agatha na para bang may maling nasabi si Uriah.

"Sabi ni Nicolo kay Kurt kinuha ng isang security ang camera niya at binura ang iilang pictures for security purposes daw. Then after the event, Kurt borrowed the memorycard. Then kanina umaga pumunta siya sa bahay. Dala yun, nirevive ni Ethan yung deleted files. Then we found out this." sabay abot ni Uriah ng picture sa tatay ni Agatha.

Ano yun?

"Hindi sunog ang balat sa kamay ni Cholo kaya siya lagi may gloves gaya ng kwento niya noon kay Mars nung Glefficial pa kami na madalas silang naglalaro noon ng drag racing. Naka gloves siya lagi dahil may tinatakpan siya. Sapat na dahilan makumpirma na related si Kelvin sa inyo."

Sabay lapag sa mesa ng tatay ni Agatha nung picture. Doon ko nakita ng maayos ang tinutukoy ni Uriah na ikinagulat ko.

"May tattoo siya ng dragon ng B.A. sa kamay. Ibig sabihin, Glefficial palang kami, nkabantay na si Cholo sa amin. Na akala namin lahat, simpleng drag racer lang."

SHT! What a surprise. 

(Leave comments guys, I read them all. Give me motivation to write by hearing your opinion and thoughts about update. Nawawalan na kasi ako ng will tlga magsulat kaya halos napapabayaan ko na to .

Pls avoid mentioning other story in comment section. I don't need them, they're not helping. Thanks!)

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon