chapter 7

26.2K 745 160
                                    

CHAPTER 7

JONAS’ P.O.V.

“Ah chef…”

“Bakit sir?”

Lumapit pa ako sa kanya, tumingin ako sa paligid saglit tsaka nagsalita.

“Pakiluto naman ‘yong…” sabay bulong ko sa kanya.

“Ah okay sir, no problem.”

Napangiti ako at naikuskos ang dalawa kong palad. Tinapik ko siya sa balikat bago tuluyan lumabas ng kusina. Mas madaming customers ngayon.

Bumalik na ako sa opisina ko, tahimik lang… habang si Demi nakasunod sa likuran ko.

Napangiti ulit ako nung may maisip ako, sakto. Wala ang mga asungot ngayon. Nagseryoso ako ng mukha at tumingin sa kanya. Tumigil din siya sa paglakad at tiningala ako, takte! Parang araw-araw e gumaganda siya lalo sa paningin ko.

“Wag ka na magbantay sa labas, dito na sa loob.” medyo bossy ang pagkakasabi ko para ‘di na siya pumalag pa.

Umiwas na ko ng tingin tsaka pumasok sa loob. Pinakaramdaman ko kung sumunod nga siya, napangisi ulit ako nung maramdaman kong pumasok din siya.

Pumunta ko sa mesa ko saglit at may pinirmahan.

“Pwede kang umupo.” sabi ko nang hindi siya tinitignan.

Ang tagal na namin magksama pero ang pormal padin niya takte, ‘di ko naman masyadong pinparamdam na empleyado ko siya pero siya masyado niyang pinaparamdam na boss niya ako.

‘Hay Demi, you’re weird.’

Napapanis laway ko kapag kasama ‘to lagi. Wala akong masabi sa kanya. Siya din naman walang sinasabi.

“Ah young master,”

Tinawag niya ko, kalma. Ano kaya sasabihin niya?

“Yeah?”

“Sorry po pala nung nakaraan araw, di na ko nakapag paalam na sinundo ako ni Nicolo.”

Napahinga ako ng malalim at di sumagot. Naalala ko ‘yong araw na ‘yon. ‘Yon ‘yong araw na nakatambay kami sa garden nila Ethan. Takte, mala sang araw na ‘yon. Napatigil ako sa pagpirma nung sumagi sa isip ko ‘yong babae na nabato ko nung araw na ‘yon.

Nataranta ako nun takte, ako pinagbuntungan nung babae at binato din ako. Iniwan ako sa ere nung dalawang gago. Napapikit ako at kinilabutan, naalala ko nung pumasan ‘yong babae sa likod ko at kinagat ang tenga ko. Takte.

Pasalamat siya babae siya, malas niya doon kasi siya tumambay. Hayaan na nga. Baliw ang babaeng yon.

Maya-maya ay dumating na si chef, andyan na ang pinaluto ko.

“Enjoy sir.”

“Sige salamat.”

Kami nalang ang naiwan ulit ni Demi sa loob. At nakita kong kuminang ang mata niya nung makita niya ang pagkain. Syempre, paborito niya ‘yan.

Pancit canton na may nilagang itlog. Kakaiba, hindi niya trip ‘yong mga pagkain sa resto, mas gusto niya ‘yan lalo na ‘yong chilimansi.

Umupo ako sa katapat na upuan nung kanya. Pinatong ko sa harap niya yong pinggan.

“Sabayan mo ko kumain.”

‘Di siya umimik. Nakatitig lang sakin, napalunok naman ako.

“A-ano? ayaw mo?” sabay bukas ko ng TV.

Umiling naman siya sabay napatingin sa TV. Takte, halos mapamura ako kahit alam kong ito ang bubungad sakin. Animal planet, puro ahas ang features nila ngayon. Tumatayo ang balahibo ko.

Tinitigan ko ang mukha niya, naglue na ang tingin doon at parang halos ayaw na alisin ang mata sa TV. Takte, what’s so special with that creature?

See,umayos pa siya ng upo at hinalo na ang pancit canton habang nakatitig sa TV.

“Kulang ng isang tinidor.”

Parinig ko. Napatigil siya sa paghalo at tinignan ako mula sa gilid ng mga mata niya kaya nagpigil ako ng ngiti. Saglit nga lang. Hindi na yan maiistorbo pa. Halata sa mukha niyang ayaw niyang umalis sa kinauupuan niya.

At hindi ako tatayo para lang kumuha ng tinidor.

“Inyo nalang ‘to…” pahina nang pahina ang boses niya. Parang nanghinayang nung maisip niyang di niya makakain agad ang pagkain niya dahil ibibigay niya sakin ang tinidor niya.

Nagkatinginan kami saglit, parang bata. Mabubuhol ko na ‘tong labi ko kakapigil ng ngiti.

“ ‘Di na,” sagot ko habang nakikita ko siyang pasulyap sulyap sa TV. “Kung gusto mo,” sabay tingin sa kawalan. “Subuan mo nalang ako.” balik ng tingin sa TV.

Takte! Takte! Nasabi ko talaga ‘yon ! Takte. Napalunok pa ako ulit bago mapatingin sa kanya. To my surprise, nakangiti siya… sabay tumango tango.

Umawang ang bibig ko, ibig sabihin… payag siya… susubuan niya ako… this is… life.

“Young master.” tawag niya nung isusubo na sakin ‘yong pagkain. Naiilang pa ako nung ilapit ko ang mukha ko at tsaka sinubo yong pagkain. Sht! Hindi ko na nainda ang anghang nung pagkain, mas masarap ‘yong feeling na sinusubuan niya ko kesa sa lasa ng pancit canton.

Lalo na ngayon, napapangiti siya , Kahit ‘yang takteng ahas nay an ang dahilan kung bakit masaya siya. Pota! Ngayon o lang naisip walang panama ang gandang lalaki ko sa hayop na ‘yan.

“Ito pa.”

Heaven mga pre! Para akong gago! Napapangiti talaga ako tngna! Share kami sa isang tinidor takte! woah. Masunurin talaga si chef. Inutos ko na isang tinidor lang ang dalhin.

Ibili ko na kaya ‘to ng anaconda si Demi, baka dahil doon bigla nalag niya ko pakasalan. Ang ganda niya talaga pag ngumingiti. Minsan lang ‘to kaya malubus lubos na.

“Demi, globe ka ba?” tanong ko sabay pasimpleng takip ng daliri sa bibig ko para pigilan ang ngiti. Tinignan ko siya sa gilid ng mga mata ko, hanggang sa tinitigan ko na siya. ang puso ko parang tatalon. this is it !

“Bakit?” malambing niyang tanong habang nakangiti padin.

“Kasi… ikaw ang mundo ko.” seryoso pero nakangiti kong sagot.

Dahan dahan siyang lumingon sakin at nawala ang ngiti, Takte! sabi na nga ba e. Kikiligin siya. Mahilig siya sa mga banat kaya paniguarado ako at talagang nilingon pa niya ako.

Nakangiti padin ako at pakiramdam ko ay hahalikan niya ko sa sobrang kilig. Ito na!

Ngumiti siya takte! Agad akong nanigas nung dahan-dahan niyang iniaangat ang kamay para hawakan ang mukha ko. Sht! She’s going to kiss me and I’m sure with it.

My plans worked.

“Ah akala ko makikitext ka.” sabi niya habang nakatitig sa pisngi ko. “May dumi.” sabay nakita ko ang tinanggal niyang kapirasong pancit canton sa mukha ko pagkatapos ay bumalik na sa panunuod.

Natulala nalang akong napatitig sa kanya.

“Ah akala ko makikitext ka.”

“Ah akala ko makikitext ka.”

“Ah akala ko makikitext ka.”

Pagktapos kong sabihin na siya ang mundo ko… what…the…fck.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon