chapter 5

36.5K 823 206
                                    

CHAPTER 5

AGATHA'S P.O.V.

Halos kumawala na ang puso ko sa dibdib ko at maging ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Napalunok ako at agad napatigil sa paghinga.

Ayan na! Oh my.

"Ay anak ng leche flan..."

Halos mapatalon ako sa upuan ng marinig ko 'yon. Inilayo ko ang sarili ko kay Uriah at ibinalik sa huwisyo ang sarili ko. Napapikit ako at panandalian na nag iwas ng tingin. Nakakahiya!

"Sorry... wala akong nakita." Aniya ni Chin at ipantakip ang isang kamay sa gilid ng mga mata. "Sige lang continue. Isipin niyo wala lang ako dito."

"Ha? Ano, nag uusap lang naman kami hahaha." Pinilit kong umaktong normal at tumawa.

Habang si Uriah naman ay nandun padin sa pwesto niya, tila hindi naapektuhan sa sinabi ni Chin at cool padin ang itsura niya. Hindi ba siya nahiya na naabutan kami ni Chin sa ganung sitwasyon. Nakakaloka siya.

Habang si Chin naman ay palakad lakad sa kusina at parang di maintindihan ang gustong gawin.
"Ha sige lang, kung ano pa man 'yan ituloy niyo lang." Aniya ni Chin at uminom. Para siyang aligaga.

"Ano ba naman 'to... mali 'to." Mahina niyang sabi.

"Ang alin Chin?"

"Hah wala sige akyat na ko bye! Sorry."

"Teka..."

Natigilan siya at tumingin sakin.Parang may problema siya. Paniguradong may gusto siyang ichika sakin kaya siya bumaba.

"I gotta go." Aniya ni Uriah na nakatingin sakin.

"Oh sige." Sabay pilit kong ngiti. Nakakahiya 'yong kanina.Parang di ko ata kakayanin tumayo nanghina bigla ang tuhod ko.

Hindi siya agad tumayo at tinitigan ako saglit. Napakagat pa siya ng kaunti sa labi na muling nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit di pa siya tumatayo, tila may hinihintay siya, parang may gustong gawin o sabihin bago umalis. Pasimple niyang tinignan sa gilid ng mga mata si Chin na kasalukuyang nasa pangatlong step ng hagdan at muling nakatitig samin sabay balik ng tingin sakin.

"Bye." Malamig niyang paalam.

"Samahan na kita sa labas."

"No need."

Hinimas niya si Chuchi saglit.

Kumaway ako sa kanya at ganun din si Chin. Tinanguan lang niya si pinsan at tumingin ulit sakin bago tuluyan lumabas kaya ngumiti ulit ako.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga nung makalabas na siya. Napapikit ako saglit at naalala 'yong sinabi niya.

'I really wanted to kiss you.'

Maging ang boses niya parang naririnig ko padin sa utak ko. Ang bilis... ang bilis ng tibok ng puso ko. Oh my! Parang gusto ko siyang pabalikin. Ano bang pakiramdam ito. Nababaliw na ata ako.

"Okay na? Natuloy na ba ang kiss niya sa imagination mo?" Pang-aasar ni Chin kaya napangiti ako at hinampas siya.

Tumawa lang din siya hanggang sa unti-unti 'yon tumigil. May kakaiba talaga sa kanya. Tumingin sa siya sa akin at ngumuso.

"Problema?"

Hindi agad siya sumagot at tila nahihiya.

"Ano kasi..." di niya matuluy tuloy na sabi. Nag indian seat siya sa sofa at tumingin sa kawalan. Hala baliw na.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon