chapter 30

11K 302 82
                                    

Agatha's P.O.V.

Ang sarap ng ganitong eksena, magkakasama kaming kumakain, nagtatawanan at nagkukulitan.
Nakakamiss ong ganito, masaya lang kami at walang inaalala. Atleast kahit ngayon ay nalilimutan namin ang mga problema. Ni isa sa kanila ay walang nag oopen tungkol sa mga problema na meron kami.

Para akong nanay, na pinapanuod ang mga anak nila na masayang kumakain at nagkikwentuhan. Ang weird, pero parang ganun ang nararamdaman ko. Na iniisip ko palang na kung sakaling may mawala kahit isa sa kanila ay di ko kakayanin.

'Ayan, ang weird na naman nang naiisip ko.'

Pero may oras talaga na di ko mapigilan na di maisip ang mga kinatatakutan ko. Alam mo ong feeling na ayaw mo siyang isipin pero sa kakapigil mo lalo mo lang siya maiisip.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Uriah nung panandalian matigil sila ni Mars sa pag-uusap. Nag CR kasi si Mars.

"Wala lang." nakangiti kong sagot habang nakangiti at kumuha ng pork steak. Naubos ko na agad ong akin. Pagkalagay ko nun sa plato ko ay agad na pinaghihiwa on ni Uriah.

" Ui ano ka ba." sita ko at tumingin sa paligid. Wala naman nakatingin samin.

" Bakit? Naghihiwa lang ako praning ka ba." sagot niya kaya tinignan ko nalang siya. Oo nga naman. Kasi naman e... nakakakaba kaya mamaya kasi kung ano na naman gawin niya e kasama namin mga kaibigan namin.

Naalala ko tuloy nung dalawa lang kami sa bahay tapos ano... ong ano... napatakip nalang ako ng bibig. Tama na kaka throwback Agatha!

Tama nga talaga ong sinasabi sakin nila Ethan at Alexis na pilyo ang si Uriah. Magnanakaw ng halik! E kung nakawan ko din siya. De joke lang! Ano ba! Ano ba Agatha kumakain ka!

Sabagay, hindi naman bago sa mga kaibigan namin kung makita nila si Uriah na ganito, caring. Maninibago lang sila panigurado pag nakita nilang naging sweet kami. Iniisip ko palang na may makahuli samin kinakbahan na ako. Kasi kahit ako e, kunwari si Ethan nag ka girlfriend ng di sinasabi sakin ay naku, talagang maiinis din ako.

Ayung nga, si Ethan pinaka inaalala ko pag nalaman niya yung tungkol samin ni Uriah. Madamdamin kasi on hindi niya lang pinapahalata.


Syempre! Pag katapos ng kainan alam na. Pahinga saglit then naglabasan na ang mga alak.

Kasama din namin sila Mr. Lambert kumain, binigyan din sila ng inumin pero nilimitahan lang niya na tig iisang bote lang sila dahil nga kailangan nila mag bantay within the vicinity.

" Pwede pala kami magpakalasing ngayon haha!" tuwang tuwang sabi ni Mars.

" Opo sir, magpakasaya lang po kayo at kami ang bahala sa inyo." sagot ni Mr. Lambert, kaya naman nagpalakpakan ang mga baliw kong kaibigan .

" Thank you Mr. Lambert and sa mga pogi niyong tauhan hahaha!" tuwang tuwang sabat ni Nicolo at kinakawayan ang mga tauhan ni Mr. Lambert. Napangiti nalang sila Mr. Lambert. Tumingin sila sakin at sabay-sabay na nagbow, ngiting-ngiting napa-bow din agad ako pati ang mga kaibigan ko. Automatic na ganun ako lagi tuwing gagawin nila on.

"Salamat po." pahabol kong sabi at tsaka na sila pumunta sa mga designated areas nila. Kahit papaano ay sanay nadin ang mga kaibigan ko kapag andyan sila Mr. Lambert, at kapag nagbabantay naman sila ay sinisigurado nilang hindi nila magagambala ong personal space namin kaya hindi ka ganun maiilang pag andyan sila.

"Tammy halika na dito hayaan mo na muna yang mga ligpitin na an." anyaya ni Jonas at tinuro ong bakanteng upuan kung saan makakatabi niya si ano...
napatingin ako kay Tammy na nagpipigil nang ngiti at ganun din siya.

Nag reshuffle kasi ang pwesto nila, syempre ang mga yan pa. Hindi makakatiis na di mag iikot lalo na kapag may alak. Maya't maya kasi ang kuha ng pulutuan at alak kaya madalas talaga na nagkakapalit palit sila ng pwesto. Kunwari bigla tumayo ong isa, tapos bigla may uupo sa pwesto niya para makipag kwentuhan sa iba. Tuwing kakain lang talaga kami maayos at medyo tahimik.

Syempre si Uriah, andito lang sa tabi ko at di umaalis. Patay na patay sakin e. Hahaha! Di aalis an dyan hanggang sa matapos kami pustahan.

Tumayo ako saglit at di pa ko nakakaalis e bigla siya tumayo at lumipat ng upuan sa tabi ni Ethan.

Okay... binabawi ko na yong sinabi ko kanina.

Sila lahat umiinom tapos ako hindi. Pero okay lang, sanay naman na ko ng ganito. Ngayon lang sila nakapag saya ulit ng ganto at wala masyadong inaalala kasi alam nilang andyan sila Mr. Lambert.

Kakain nalang ako. Lumalamig na dito sa labas kaya naisipan na naming pumasok sa bahay. May mga bungalow type na bahay dito at wood ang theme. Para siyang western type ng bahay na makikita mo sa gitnan ng gubat. Tuluyan talaga sila ng mga guests dito.

"Wow cool naman dito. Para kong nasa baguio." puna ni Nicolo.

Tama. Malamig kasi talaga dahil siguro sa dami ng puno sa paligid. Pero mas malamig padin sa baguio kung ikukumpara.

"Okay tuloy na ulit." sabay labas ng mga alak ni Jonas sa ref. Ayan ang ingay ingay na naman. Habang ako nag aasikaso lang sa kanila at nakikipag kwentuhan.

"Bekla palit na tayo mga pajamas!" paalala ni Nicolo. Oo nga pala, dali dali namin kinuha ang mga damit namin sa bag at nagbihis. Binigay ko kay Demi yung binili ko, kasi for sure wala siyang dala. Para kaming mga batang excited magpalit nila Tammy at Chin.

'Yong mga lalaki andun lang sa sala, halatang ayaw magpalit.

"Ui ano na! Palit na." sita ko sa kanila nung matapos kami magbihis. Ayaw nila tignan ang mga mata ko. "Wala kayong dala?" dagdag kong tanong dahilan para tumahimik sila at sabay sabay na lumagok.

Napangisi ako at tumingin kay Nicolo. Tama nga ang inaasahan namin.

Tumango sakin si Nicolo at dali dali kinuha 'yong supot sa bag niya.

"Tadah! Pajamas! Hahaha!" sabay abot niya isa isa kina Ethan. Tulala lang silang nakatitig sa mga pajamas na natanggap nila. "Oh ano? Bihis na go go. Dito na kayo bihis ako magbabantay sa inyo. So girls tsupi muna kayo. Pasok sa kwarto dali!"

Ngiting ngiti akong nakatingin sa kanila. At halata mo sa mukha nilang ayaw nilang isuot 'yon. Tinignan ko si Uriah, naramdaman niya sigurong nakatingin ako kaya dahan dahan siyang tumingin sakin.

Tinaas taasan ko siya ng kilay sabay nguso sa kwarto. Nag iwas siya ng tingin at napapikit saglit pagkatapos ay huminga nang malalim.

"Tara." aniya sa mga kasama at pumasok sa kwarto.

Nanlaki ang mga mata nila Jonas sa gulat.

"Wtf bro? Seryoso?"

Hanggang sa isa isa silang nagsunuran.

"Oh bakla." sabay taas ng paa ni Chin habang naka cross arm at pinangharang 'yon sa pintuan bago pa pumasok si Nicolo.

"Tss... epal mo talaga." inis na sagot ni Nicolo.

"Kurt palit tayo sayo tong baboy ang design." -Ethan

"Ayoko. Gusto ko 'to bubuyog. Coz I love honey. Tsaka extra large 'to. Mas okay sana kung zombie." -Kurt

"Bubuyog? Sige mas bagay sayo yan." -Ethan

"Takte pare. Patigil mo 'tong kalokohan na 'to pls. Ayoko nito, puro insekto ang design ng akin?" - Jonas

"Tangna. Akin nga unggoy e." -Uriah

"Bakit ganun? Kay Dominic lang maayos ang design? Porket model ka." - Jonas

"Hahaha! Bakit cute nga ng mga design ng inyo e. Kay Mars nga palaka e chill lang siya hahaha. -Dominic

"Hay. Ang tunay na pogi kasi kahit anong klaseng damit sinusuot." -Mars

Palihim kaming nagtatawan dito sa sala habang nakikinig sa mga pinagsasabi nila. Yung nag aaway away pa sila para lang sa design ng pajamas. Parang mga bata talaga. Ayan nalang kasi yung available na mga designs. Kaya no choice kami.

Hanggang sa lumabas na sila at doon ay tuluyan na kaming napahalgak sa katatawa. Ang cute nilang tignan, mga iritable ang mga mukha at halatang nahihiya sa mga suot nila. Para silang mga bata.

"Ano ba? Ang cute niyo kaya ano ba problema haha. Andito naman tayo sa loob ng bahay." pagpapaliwanag ko.

Actually itong mga lalaking 'to ang mas maarte pa samin pag dating sa damit. May pattern or brand lang na clothes sila na 'yon lang ang gusto nilang suotin at wala ng iba. Di tulad saming mga babae na kapag may makitang maganda kahit saan brand o kahit nga tyangge lang e bibilhin padin.

Palihim ko silang pinicturan, at pupusta ako ganun din ang ginagawa nila Chin at Alexis ngayon.

Inurong nila ang mga sofa sa gilid, umupo kami sa sahig lahat at pumorma nang pabilog. Nilabas ni Nicolo ang UNO cards at nagsimula na kami maglaro.

"Papatayin kita!" banta ni Jonas kay Mars nung ibaba niya ang plus card dahilan para madagdagan ang cards ni Jonas.

"Hahahahahha!"

Ang gulo pero mas masaya dahil ang dami namin naglalaro. Imagine 11 kaming naglalaro.

"Uriah... color red mo." bulong ko.

"Hoy Agatha kadayan mo bawal magkampihan!" sita ni Chin.

Kasi naman, ang dami ko pang baraha mamaya ako pa matalo.

Hindi ko alam kung nanadya ba si Uriah kasi hindi niya talaga ko pinagbigyan. Hanggang sa matira nalang kami ni Demi, Ethan at ako.

At ang natalo? Syempre... ako.

"Sayaw Agatha, sayaw Agatha." kanta nila at pumapalakpak pa. Habang ako nakaubob ang mukha ko sa unan sa sobrang inis at hiya. Ayoko! Ayoko sumayaw.

Hinila ako ni Nicolo at biglang pinatayo sa gitna. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa habang naririnig silang naghihiyawan at parang mga siraulo.

"Woah go go go bekla."

"Hala ngayon ko palang makikita sumayaw si Agatha hahaha." -Mars

Ngayon nalang ulit ako nakaramdam nang ganito. Sobrang kaba at nahihiya ako. Gusto ko nalang mag ngangawa dito kaso natatawa ako pag tinitignan ang mukha nila. As in lahat sila talagang inaabangan ang pagsayaw ko. Tinignan ko nang masama si Ethan, binigyan niya kasi ako ng plus card kaya ako ang talo. Ngumisi lang siya sakin at halata mong nang aasar.

"Okay teka dapat kasi may music. Haha!" Isa pa 'tong si Doms.

Agad naman kinuha ni Nicolo ang phone niya at nagbrowse. Pagkatapos ay pinatugtog 'yong chantaje dahilan para maghiyawan sila. Di ako mahilig sa party music pero nalaman ko lang siya dahil lagi 'yan sinasayaw ni Nicolo pag magkasama kami.

Tulong! Mr.Lambert!

"Oh dali Agatha pakita mo na talent mo hahaha! Gayahin mo yung mga steps ko hahaha." pang-aasar ni Nicolo habang nagpapalakpakan sila. Napapikit ako at lumunok. Lumingon ako sa likuran ko at tinignan si Uriah. Talagang nakatalikod ako sa kanya syempre nakakahiya. Di ko kakayanin na makita ang mukha niya habang sumasayaw ako.

Di ko kinaya, sakto kasi paglingon ko nakatingin siya sakin habang iniinom ang laman ng baso niya. Kaya tumingin na ako ulit sa harap.

Alam niyo ba 'yong iniisip ko? Ang hot niya kasi... tapos ano, grabe kasi yung tingin niya kanina kakaiba.

Parang abang na abang sa pagsayaw ko? Oh my! Grabe, o feeling ko lang ba 'yon? Naloloka na ko.

Maiihi na ata ako sa kaba! Hanggang sa nakikita ko ang iba sa kanila ay iginagalaw na ang kanilang katawan kasabay ng tugtog.

Hanggang sa...

"Tama na 'yan."

Sabay sabay kami napalingon sa kanya at natulala. Kinuha niya sa kamay ni Nicolo ang cp tsaka tinigil ang tugtog pagkatapos ay pinatong ulit sa kamay ni Nicolo.

Silence...

"Uriah ano ba 'yan?" nagtatakang tanong ni Jonas.

"Epal naman nito." reklamo ni Mars.

"Boss bakit mo tinigil sayaw na sayaw pa naman na ko." si Kurt at di padin tumitigil sa pag galaw ng katawan.

Habang ako ito nasa gitna nakatayo padin. Aalis na ba ko? Ano na gagawin ko?

Oh my! Safe na ba ako? Ngiting ngiti ako bumalik sa pwesto ko.

"2 rounds pa." sagot ni Uriah.

Huh? Ano daw?

"Ayan tayo e, pag si crush talaga nasa alanganin... epal ka lagi e." -Jonas


"Hahaha! Oo nga 2 rounds pa para sabay nalang yung mga matataya na sumayaw para mas masaya."

"Ah okay okay call. Maganda yan." tugon ni Mars.

"Omg gusto ko bigla magpataya hihihi." sabat ni Nicolo at halata mong may iniisip na kung anong...basta.

So ibig sabihin? Di padin ako safe? Nawala ang ngiti ko. Okay, sasayaw padin pala talaga ko this time may kasabay lang.

Tinignan ko si Uriah, seryoso lang siya. At inaabangan yung mga pinamimigay na baraha. Alam mo 'yong makikita mo sa mukha niya 'yong determinasyon na hindi mataya. Feeling ko gagawin niya talaga lahat wag lang siya mataya.

Tumayo muna ako bago tuluyan matapos 'yong pagbibigay ng cards, nanuyot bigla ang lalamunan ko sa kaba kanina.

"Nakakaloka. Buti nalang..."

Kinuha ko yung pitcher na may juice. Grapes ata 'to. Favorite ko pa naman 'to. Tinungga ko agad yung sinalin ko sa baso. Naubos ko agad 'yon at dahil sa iniisip ko yung gagawin kong sayaw kanina tsaka ko lang napansin na parang medyo mapait pero masarap. Anong brand ng juice 'to?

"Ano nga ba 'yong step ni Nicolo sa part na 'yon?"

Lumingon ako sa sala saglit at tsaka medyo ginaya yung step na naalala ko sa utak ko. Tinigil ko din agad yun dahil baka may makakita sakin.


Kinakabahan ulit tuloy ako. Akala ko ligtas na ko. Sa kaba ko nakaubos ako ng tatlong basong juice. Sa totoo lang naalala ko 'yong ibang steps ni Nicolo, maganda yung steps niya kaso may pag kasexy. Nakakaloka gamitin ko ba 'yon? No way. Sayaw puno nalang gagawin ko.


"Okay game." anyaya ko nung makabalik sa sala.

Seryoso na ko, kailangan isipin kong mabuti ang mga cards na ibababa ko.

Teka, uminit bigla. O dahil kinakabahan lang ako. Baka nga.

Nagbaba si Uriah ng red na number 5, masyado akong natuwa dahil meron akong red na 6 kaya agad ko 'yong binaba.

"Hahaha. Kaw na Chin." Pagbubunyi ko, apat nalang cards ko.

"9 'yang binaba mo." Puna ni Alexis.

Tinignan ko ulit 'yong binaba ko. Hala oo nga.

"Sorry." Sabay kuha ko agad nung card. Naduling na ako.

"Excited ka Agatha hahah." -Jonas

"Pass."

Ano ba 'yan! Nagpass na naman ako. Tinignan ko si Uriah. Narinig ko siyang nag 'tsk' na para bang sinasabi niyang baka matalo na naman ako. E kung inaayos niya kasi yung binababa niya.


Hanggang sa di ko nalang namalayan...

"Hahahahhaha!" Sila

"Galing mo Agatha hahaha." -Mars

"Swapang ka bekla e no. Gusto mo ikaw lang sasayaw kasama nila e." reklamo ni Nicolo

nagulat nalang ako, talo na naman ako.

"Dinadaya niyo ko!" sigaw ko at ngumuso. "Ang dadaya niyo. Pinagtutulungan niyo ko." sabay turo ko sa kanila.

"Partida Agatha mga nakainom pa kami niyan hahaha."

"Mandaraya lang talaga kayo." sagot ko tsaka tumayo ulit para uminom ng juice at kumuha ng snacks.

Nahihilo ako, parang gusto ko nalang himatayin bigla pag iniisip ko yung sayaw.

"Nakakainis, mga lasing na sila pero ang galing padin nila maglaro."

Kausapin ko nalang sarili ko.

Bumalik na ako at muntikan ko pa mabitawan yung fries na dala ko.

"Ikaw ah namamatid ka." sita ko kay Ethan.

Tinignan niya ko na para bang sinasabing 'baliw ka ba'.

Inambangan ko siya na parang susuntukin ko siya. Ang tindi na talaga ng kaba ko dahil lalo akong naiinitan. Habang sila ayan, bukas ulit ng mga bote. 'Yang mga 'yan lasing na 'yan kaya ayaw magsipagtayo kahit after ng game. Inom inom pa kasi.

Maya maya nagstart na ulit kami. Habang nag aantay ng turn ko niyakap ko si Chin bigla.

"Pinsan dinadaya nila ko."

"Hindi, talagang di mo lang pinag iisipan mabuti 'yang binababa mo. Dalian mo ikaw na tapos na si Uriah."

Di din kasi ako masyado familiar sa game na 'to.

"Okay." nilapag ko na 'yong isa kong card. Sasandal sana ako ulit sa balikat ni Chin nung magsalita si Demi at sinabing...

"Boom."

Natahimik kaming lahat at nakatitig lang sa kanya. Ano sabi niya?

"Ano yun Demipots?" mahinahong tanong ni Nicolo.

"Boom."

"Boo? You mean this?" tanong ni Jonas sabay thumbs down.

"Hindi, food? Food diba?" paglilinaw ni Kurt sabay abot ng chicken.

"Mga sira. Boom. Boom daw." paglilinaw ni Ethan.

"Ah booommm! Hahahha." Sila

"Hihi isa pa nga papa E. Ang cute nung pagkakasabi mo ng boom hahahha." Aniya ni Nicolo kaya binato ko siya ng unan. "Aray. Boom ka daw Agatha engot ka talaga hahaha."

Sabay bigla tinignan ni Uriah yung hawak kong baraha. At napahilot nalang siya ng ulo.

"Bakit?" tanong ko.

"Isa nalang pala card mo babae ka. Pag ganun sasabihin mo UNO! Naboom ka tuloy ni Demi." Si Chin, galit na galit. "Bumunot ka pa dalawang cards."

At hanggang sa namalayan ko nalang... ako na naman ang talo.


"Hahahahahahahahahha! Lupet mo Agatha."

Halos mamilipit na sila kakatawa. Para na kong mabibingi at nalulula.

"Hahaha ang galing mo Agatha bihira lang nakakagawa ng ganyan yung sunud sunod na matalo talent yan hahaha."

Habang sila patuloy sa pagtawa nakanguso lang ako at nakatingin sa mga cards. Para akong maiiyak di ko alam kung bakit, siguro dahil talo na naman ako.

"Hey." sabay tapik niya sa balikat ko kaya iniangat ko ang balikat ko para tigilan niya ang pagtakip. Sino ba 'yon? Ah si Uriah.

Di ko alam pero ang labo ng dating niya sakin. Dahil ba talaga sa maiiyak na ako? Napapikit ako at nginitian siya. Pagdilat ko pansin kong parang nag-aalala ang mukha niya. Hehe. Cute cute!

Hahawakan ko sana yung mga pisngi niya kaso bago ko pa 'yon magawa ay may humila na naman sakin papunta sa gitna.


Hanggang sa lumakas ang mga palakpakan at hiyawan, anong nangyayari sakin? Gutom ba ako at parang umiikot ang paligid ko at pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng mga mata ko at gusto kong pumikit.

"Bekla go na!"

"Go Agatha hahah!"

Ano ba yan, ayan na naman sila. Napapikit ako at itinabon ang mga palad ko sa mukha ko habang nakangiti. Di ko alam basta natatawa ako, pakiramdam ko lumulutang ako at parang nabibingi ako na ewan pero gusto ko ang mga naririnig ko. Gustung gusto ko ong tinatawag nila ang pangalan ko para icheer ako.

Hanggang sa nagulat nalang ako tinanggal ni Nicolo ang tabon ko sa mukha at tsaka sumayaw sa harap ko.

"Hahahaha! wtf Nicolo." sigaw ni Jonas.

Lalong humagalpak sa pagtawa ang lahat dahil sa sayaw ni Nicolo at feel na feel pa talaga niya na para bang natupad na ang pangarap niya. Hanggang sa napapaindak nadin sila Mars sa kanilang mga pwesto.

"Woah sexy mo Mr.Nicolo." sigaw ni Tammy. Yari ka Tammy tinawag mo siyang Mr.

Mas nilapitan ako ni Nicolo at sinayawan ako ng sobrang sexy.

Narinig kong napa wow ang iba at maging ako. Nakakainis, ang galing ni Nicolo at para akong na iingganyo na sabayan siya.

Hanggang sa nag chorus na at nagkusa ang katawan kong gumalaw at sabayan si Nicolo.

" My goodness Agatha!"

" Woahhhhh!"

"WOW!Totoo ba ong nakikita ko pare?"

"Lasing ba si Ate?"

Halo halo na ang mga naririnig ko, nanlalabo nadin ang paningin ko pero sige padin ako sa pagsayaw at parang wala na ko pakealam sa paligid basta ang pakiramdam ko... masaya ako.

Wala na kong hiyang nararamdaman basta gusto ko sumayaw at tumawa. Di ko alam pero the best 'to, may teamwork na nagaganap sa utak at katawan ko dahil nasasabayan ko si Nicolo maging ang mga steps niya. Bunga 'to ng kasasayaw niya ng kanta ni Shakira pag kasama ako.

Mapupunit na ata ang labi ko sa sobrang ngiti pero wala akong pakealam basta ako masaya!

"Woah this is life!" sigaw ko habang sumasayaw.

Napukaw ang atensyon ko nung mahagip ng mga mata ko si Uriah nung iikot ako ni Nicolo.

Tumigil ako saglit sa pagsayaw at tumingin kay Uriah. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa view na nasa harap ko. Napakagwapong nilalang. Ewan ko pero parang natulala na siya at di kumukurap na nakatingin sakin. Pansin ko din ang pamumula ng mukha niya.

"Ayan lasing pa kasi." sabi ko tsaka ko siya nginitian pagkatapos ay kinindatan dahilan para manlaki ang mga mata niya.

Hahaha cute!

Kaya kinindatan ko siya ulit with matching nganga.

Pagkatapos na pagkatapos ko gawin yun ay bigla siyang naubo at parang nasamid.

"Hahahahah! Gago ka Uriah hahahha." sigaw ni Jonas. Bakit siya gago?

Sobrang namumula na siya kakaubo at pinagtatawanan nila Jonas. Ayan alak pa Uriah!

Lalapitan ko sana siya pero muntikan na ko madapa kaya sinalo ako ni Nicolo at nahawakan agad sa braso. Ang sunod nalang na nangyari nakalimutan ko na si Uriah at sumayaw nalang ulit dahil bago na ang tugtog!

Shaky shaky! Alam ko talaga ang title, pwede na ako sumali sa wowowin dahil kay Nicolo.

Hanggang sa pinatayo na din nila sila Chin at ang iba. Dahilan para mas ganahan ang lahat at makisali. Syempre maliban lang kay Uriah, Ethan at Alexis na andun padin nakaupo.

Woah! Basta kami sumasayaw dito at masaya.

"Hahahahaha! The best ka Agatha." tawang tawang sabi nila Jonas at Mars sakin habang patalon talon. Kanina pa 'tong dalawang 'to e. Di ko alam kung ako ba talaga pinag tatawanan nila o si Uriah.

Anong step ba yan puro talon! Hanggang s napansin ko tumatalon talon nalang din ako. Hahahha! Saya.

"Woah patayin natin ilaw. Hahaha." sigaw ni Nicolo pagkatapos ay pinatay ang ilaw.

Tapos nilabas nila 'yong phone nila at kunwari ay ginawa 'yong party lights. Hahaha! Ang saya! Para kaming nasa club.

Pawis na pawis na ko pero go padin! Kahit nahihilo na ko. Basta go padin.

"Agatha..."

Uiiiii! Si Uriah 'to, alam ko siya 'tong humawak at humila sa braso ko. Boses palang niya e kahit maingay at madilim alam kong siya 'yon.

"Tama na 'yan." seryoso niyang sabi.

"Seryoso mo naman sayaw tayo dali." sabi ko sa kanya habang tumatalon talon pagkatapos ay naubo ako bigla. Medyo lumayo kami sa mga kasama namin dahil nababangga ako.

"Tignan mo... tama na 'yan, mapapagod ka niyan masyado." aniya.

Ngumuso lang ako at umiling iling. Naaninag ko ang mukha niya nung mailawan siya saglit, sobrang seryoso na nakatingin sakin. Ewan ko pero napatigil ako sa pagtalon talon at napangiti.

Ang bango, ang bango niya. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakatitig padin siya sakin at hinahantay ako na sumunod sa kanya. Ang pogi niya lalo kapag biglang matatamaan ng ilaw ng cellphone ang mukha niya.


"Uriah...hehehe." sabi ko pagkatapos ay pinulupot ang dalawa kong braso sa leeg niya. Hinayaan ko ang sarili ko na mapalapit at masandal sa katawan niya. Ramdam ko ang pagkagulat niya dahilan para lalo ako mapangiti.

Inubob ko ang mukha ko sa dibdib niya at sininghot ko talaga 'yong amoy ng damit niya. Amoy bagong bili pero mabango, amoy pabango niya. Nakakaadik. Kahit iubob ko ang mukha ko dito buong araw ayos lang sakin hahaha!

"A-Agatha..." sabay ubo niya.

Hihihi! Ano ba 'yan Uriah may sakit kana. Puro ka kasi inom.

"Lasing ka ba?" Dagdag niya.

"Ako lasing? Baka ikaw hahaha. Bango..." at talagang hinigit ko pa siya dahilan para mapayuko siya at mapayakap sa likod ko sa pagkabigla.

"A-Agatha. Stop please." parang frustrated at nanghihina na naiinis na sabi niya. Ah ewan, basta ako masaya ko sa pwesto at naamoy ko.

"Ow. Shit!" madiin pero mahina niyang sabi nung umabot ata ang mukha ko sa may leeg niya. Oo leeg niya nga kasi bigla umangat ang balikat niya at napatilt ang ulo niya. Naipit tuloy ulo ko. Pero okay lang ang bango! Nakakainis pati leeg niya ang bango! Sa pagkabigla nga niya nun naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa likod ko.

Napapikit nalang ako habang tumatawa.

Hahaha ang cute! Ang cute ni Uriah kahit di ko nakikita mukha niya. Naiimagine ko.

Alam mo 'yong pinapatigil niya ko pero di naman niya ko totally na pinpigilan at puro salita lang. Halatang gusto din. Ayiie si Uriah ang landi.

Kinapa kapa ko ang mukha niya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi at iniyuko pa lalo ang ulo para mapalapit sakin.

See ang landi gusto din hahahaha! Bango bango kainis.

Nakapikit nalang ako dahil ang bigat bigat na ng pakiramdam ng mga mata ko. Gusto ko titigan nang malapitan ang mukha niya kaso madilim. As dumilim lalo.

Malapit na nga ang mukha niya sakin nararamdaman ko dahil nararamdaman ko ang init ng hininga niya.

Nung maramdaman ko 'yon ay nawala ang ngiti ko, kinabahan ako lalo na nung maramdaman kong pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko dahilan para lalo akong mapalapit sa kanya. Lalo akong kinabahan sa pananahimik niya.

Ang init, di ko alam kung dahil sa pagtalon talon ko kanina. Para akong nakikiliti tuwing mararamdaman ko ang hininga niya na malapit sa mukha ko.

Napalunok ako at parang biglang naghalo halo ang mga nararamdaman ko to the point na bigla akong nahirapang huminga. Lalo na nung sabihin niya...

"Pasaway ka...pag may nakakita satin, ikaw din..." mahinahon pero may pagkaangas na sabi niya mismo sa tapat ng tenga ko dahilan para leeg ko naman ang mapatupi. Pagkatapos nun naramdaman ko ang dulo ng ilong niya na dumampi sa pisngi ko.


Di ko na kaya... di ko na kaya... parang kakawala ang puso ko, para na kong napapaso, parang may nagwawala sa tyan ko. Para akong lumulutang. Parang umiikot ang paligid ko.Di ko na alam, nanaginip ba ako? Panaginip ba 'to?

Nakapikit ako pero parang biglang lumiwanag.

Hanggang sa di ko na kinaya at tuluyan na akong bumigay.

"Woah kapagod...wait, Yuck Agatha!"

"Ewwwwww."

"Hahhahahah!"

Idinilat ko ng kaunti ang mga mata ko at doon ko lang napagtanto na bukas na pala ang ilaw. Nakangiti pa ako lumingon kina Nicolo na diring diring nakatingin sakin.

Hanggang sa narealize ko na nakahawak padin ako sa mga braso ni Uriah, may kakaiba akong naaamoy at pagtingin ko sa damit niya... doon na ko naniwala na di ko lang guni guni 'yon, naidilat ko nang malaki ang dalawa kong mga mata at dahan dahan na tumingala. Doon nakita ko ang seryosong mukha ni Uriah.

Tama ba 'yong naiisip ko kanina? Parang kanina lang parang inlove na inlove siya sakin habang nakapulupot ako sa kanya pero ngayon...

para akong maiiyak, hindi lang parang. Naluluha na ako. Tinitignan niya ko ngayon na para bang di niya ko kilala.

Di ko sinasadya, nasukahan ko siya. Bakit ba ako sumuka? Hanggang sa naiyak nalang ako.

Magsorry ka Agatha!

"Likot kasi..." si Ethan, yung boses ni Ethan halatang iritable. Hanggang sa lumapit siya samin at inabutan ako ng malamig na tubig. Kinuha ko ang inaabot niya habang nakatingin sa masungit niyang mukha. Kukurutin ko sana ang pisngi niya pero tinignan na niya ko nang may pagbabanta.

"Hala! Sino umubos ng tinimpla kong alak?" sigaw ni Kurt kaya napatingin lahat sa kanya, pagkatapos ay iniharap niya samin ang picther na... hmmm... mukang familiar 'yan...

Hanggang sa ibinaling nila sakin ulit lahat ang kanilang mga mata.

Hehehe! Ibig sabihin alak 'yon?

"Sabi na nga ba." aniya ni Uriah at malamig ang pagkakasabi.

"Di ko alam na alak 'yon!" sabi ko sa kanya at tumingin sa mga kasama. "Di ako lasing guys. Look! Diba ang lasing di alam ang ginagawa. Ako alam ko ginagawa ko! Di ako lasing..." napatigil ako agad sa sinasabi ko at napatakip sa bibig ko.

"Oh my G! Plastic plastic!" sigaw ni Nicolo. Hindi ko na alam kung anong itsura ko, kung saan ako sumusuka, kung sino tumatapik ng likod, nagsisigawan sa tabi ko, basta ang alam ko di ko mapigilan sumuka at ang sakit sakit na ng ulo ko.


EPILOGUE

Uriah: (Pumuntang Patio)

Mars: Oh bakit di ka pa tulog? Tulog na silang lahat.(Pasimpleng nagpunas ng mata)

Uriah: (Napansing umiyak si Mars) Di ako makatulog.

Mars: Haha! Gusto mo lang tumabi kay Agatha e.

Uriah: (Napangisi sabay sindi ng sigarilyo) Gago.

Mars: Hahaha! Kulet ni Agatha e 'no, di ko akalain magaling pala siya sumayaw. Buti di siya hinika haha.

Uriah: (Napangiti habang naalala ang sayaw ni Agatha)

Mars: Hay... ikaw na masaya.

Uriah: ...

Mars: Pero masaya ko para sa inyo ni Agatha, feeling ko nga pag naging kayo na di na talaga kayo maghihiwalay e.

Uriah: ...

Mars: ...

Uriah: Bakit di mo nalang balikan.

Mars: Alam mong hiwalay na kami?

Uriah: Tanga lang di makakahalata sa inyo.

Mars: Alam mo dahilan?

Uriah: Jonas.

Mars: Pati 'yon alam mo? Sinabi ni Agatha 'no?

Uriah: Hindi.

Mars: Wow. Okay.

Uriah: Kala ko magpapatayan kayo.

Mars: (Napangisi) Binabantayan mo kami haha. Wala naman kasalanan si Jonas, alam mo naman tanga 'yon diba. Ang utak nun nakafocus lang lagi sa isang bagay. Tignan mo ngayon, halos mawala na sa kanya lahat e pero okay padin siya kasi si Demi lang naman focus niya lagi. Di niya alam minsan na nakakainis na siya, sobrang bait na niya, sobra magbigay na walang inaantay na kapalit kasi wala siyang pake basta ang focus niya ang comfort ng kaibigan niya.  Diba?

Uriah: (Tumango-tango)

Mars: Kaya lahat ng naging kaibigan niyang babae akala nila gusto sila ni Jonas, baka nga kung babae din ako isipin ko may gusto siya sakin hahahah.

Uriah: Wala din naman siyang pake kung maramdaman niyang gusto na siya nung mga babaeng kaibigan niya.

Mars: Kaya nga, kahit bago pa dumating si Demi sa buhay niya ganun na siya lalo na ngayon. Nasa akin lang talaga problema ngayon, ang hirap pare...

Uriah: ...

Mars: Kung alam mo lang, tuwing makikita ko si Chin gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang... gusto ko..

Uriah: Gago mo.

Mars: Gago agad, I mean gusto ko siyang kausapin ganun. Dumi ng utak mo e di pa nga ko tapos e. Kaso tuwing makikita ko siya nasasaktan padin ako e. (nangingilid ang luha)

Uriah: Lilipas din 'yan.

Mars: ...

Uriah: Sige tulog na ko, iyak mo na 'yan. (sabay pasok sa loob)

Mars: Ui teka... gago 'to, iwan ba ko dito nagkkwento pa ko.


(Maya-maya)


Ethan: ...

Mars: (nagpunas ng luha) Oh jan ka pala? bakit di ka pa tulog?

Ethan: Bakit ka andito?

Mars: Wala lang, papahangin.

Ethan: ...

Mars:  (Sumisinghot) Ang lamig kasi dito sa labas e, sinipon tuloy ako hehe.

Ethan: Tss. Para kayong baliw.

Mars: Nino?

Ethan: Chin. Pag labas ko ng kwarto nakita ko siya dyan sa may pinto nakatingin sayo. Mukhang umiiyak din.

Mars: Talaga? Seryoso ba 'yan? Ano sabi?

Ethan: Ewan, bumalik na siya kwarto nila nung makita ako e.

Mars: Teka, alam mo na hiwalay na kami?

Ethan: Tanga lang ang di makakahalata.

Mars: Manang-mana ka kay Uriah...

Ethan: Ano?

Mars: Wala. Pero seryoso? Andyan siya kanina? (Naluha bigla)

Ethan: Ge, tuloy mo na pag-iyak mo.

Mars: Di ako umiiyak gago, matulog ka na?

Ethan: Magbabasa pa ko. (sabay pasok)

Mars: Isa pa 'to. Napacold. (sabay tingin niya sa tabing mesa at may nakitang baso na may mainit na kape at tsaka napangisi) Psh! Gago ka talaga Ethan. Kung di ko pa 'to napansin lalamig 'to ng di oras. Hay! Ang sweet ng mga kaibigan ko.


3:00 AM

Jonas: (Nagising bigla) Ano bang meron sa 3 AM na yan at nagigising ako palagi. (Lumabas ng kwarto) Sakit ng ulo ko. Ay takte! Demi?

Demi: (Tumango)

Jonas: Ano ginagawa mo dyan sa labas ng kwarto namin? Buti namukaan kita agad. Kala ko kung sino na naman e.

Demi: Sorry young master. Tinignan ko lang kung magigising ka din dito ng gantong oras.

Jonas: Oo nga e ewan ko ba, iinom nalang ulit ako gatas makakatulog na ko. Matulog ka na.

Demi: (sabay abot ng tinimplang gatas)

Jonas: (nakatulalang nakatingin sa baso)

Demi: ...

Jonas: Ikaw gumawa nito? (sabay kuha)

Demi: Oo young master.

Jonas: (nag aalangan kung iinumin na, pipicturan muna, o maiiyak sa tuwa.)

Demi: Teka (sabay bawi nung baso at pinatong sa side table)

Jonas: Bakit iinumin...

Demi: Thank you, thank you sa surprise party young master.

Jonas: (natulala, namula, nanghina, di makapaniwala)

Demi: (Kinakabahan, bumilang ng limang segundo bago kumalas sa pagkakayakap niya kay Jonas, kinuha agad ang baso at inabot ulit kay Jonas pagkatapos ay mabilis na bumalik ng kwarto.)

Jonas: (Tsaka lang huminga, ang bilis ng kabog ng dibdib, tulala, napaupo, natapunan ng gatas ang balat, ngumiti lang.)


To be continued...

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon