chapter 12

23.7K 572 168
                                    

AGATHA'S P.O.V.

"Ingat ka dyan palagi ah!" bilin ko sa kanya, ngumiti siya at tumango tango habang nakangiti. 'Yong ngiting may lungkot. Napatingala ako saglit upang pigilan ang maluha. Miss ko na siya.

"Oo nga bekla! Dalaw ka dito minsan! Tapos dalhan mo ko ng jowa ah. huhuhu miss na kita. Kumain ka naman nangangayat ka nagsashabu ka ba. huhuhu."

Natawa nalang kami dahil sa sinabi ni Nicolo. Nakita kong napapahid sa mata si bes habang tumatawa. Sayang nga lang at kailangan na niyang mag out agad dahil may pupuntahan daw sila.

"Ingat kayo lahat ah! Tama na 'yang inom na 'yan." malumanay na bilin ni bes, kahit na pinapagalitan niya si Nicolo dahil sa ginawa nito ay napakahinahon padin ng boses niya.

"Ingat kayo Chin at Demi, salamat sa pagtulong kay Nicolo pero mali padin ang ginawa niya sayo..."

"Pm mo ko kung kelan ka pwede ulit makausap ah." bilin ko sa kanya, gustung gusto ko na sabihin sa kanya ang tungkol samin ni Uriah. Marami pa ako gusto sabihin at itanong sa kanya pero siguro sa susunod nalang pag mas maganda na ang pagkakataon.

Nilabas ko si Alexis sa balcony para tawagin, tumambay siya doon habang nakikipag usap kami kay Faye. Hindi namin nabanggit kay Faye na andito siya tutal wala din balak makipag usap si Alexis sa kanya. Hindi ko na alam kung kelan ba sila magkakaayos.

Hindi din naman namin alam kung paano sila pagbabatiin dahil hindi din namin alam kung bakit sila nag away. Kahit sila Uriah ay walang alam.At ayaw nilang sabihing dalawa kung ano ba talaga ang dahilan.

Inihiga na namin si Chin sa kama dahil hindi na niya kaya at nakaubob na sa mesa. Grabe naman kasi 'to sunod sunod ang pag inom kaya naparami.

"Kailangan ko umuwi, baka nasa bahay na si young master." pagpupumilit ni Demi. Kaso nag aalala ko, lasing nadin siya.

"Ipaaalam nalang kita kay Jonas, dito ka na matulog bukas nalang ng umaga ikaw umuwi."

Tinawagan ko si Jonas at ayun, nagdrama na bakit hindi daw siya sinama sa bonding ngayon.Todo explain nalang kahit panay ang tawa. Ang hirap magseryoso pag ganito ang mga kasama mo at loko din ang kausap mo.

"Oh sige, ayos lang kaso baka di ka makatulog niyan kasi nagsasalita 'yan pag tulog kapag nalalasing."

"Oh talaga? Parang si Chin din pala 'to. Hahaha!"

"Daya niyo, sama niyo naman kami minsan ako manglilibre."

Forever Mr. Galante talaga 'to. Oo naman, next time kasama na sila dito at kompleto na kami. Nagtatawanan pa kaming dalawa sa telepono nung biglang nag iba ang tono ng pananalita niya.

"Takte..."

"Jonas? May problema ba?" Nagdadrive pa naman siya ngayon.

"Huh wala naman...bye na muna Agatha." sagot niya at parang biglang nagmadali. "May tatawagan lang ako saglit."

Ayos lang kaya siya?

"Hindi niyo kasi ako naiintindihan..."

napatigil ako sa pag iisip nung magsalita si Chin. Tapalan ko kaya bibig nito. Mukhang nanaginip siya, naku baka kung ano masabi nito habang natutulog.

"Eh ako!" sabay tayo ni Nicolo at tumayo sa gilid ng kama. "Ako naiintindihan mo ba?"

Naitakip ko nalang ang palad ko sa mukha ko. Hindi ko na alam kung matatawa ako o maiiyak. Ang hirap mag alaga ng mga lasing. Dramahan ba naman ni Nicolo 'tong si Chin habang natutulog.

"Malandi ka talaga e, magiging kami an dapat ni Mars dati pa...kaso umiksena ka... namimiss ko na ang titig sakin ni Mars, 'yong pagkindat niya sakin. 'Yong pag ngiti niya sakin... 'yong paghawak niya sa mukha ko... 'yong pagligo namin ng sabay..." aniya habang inililibot ang mga kamay sa ibat ibang parte ng katawan niya.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon