#49 - Melt Her Heart

127K 1.6K 45
                                    

Note: Mejo may pagka-pervert ang chapter na 'to. Sorry sa nabitin last chapter. HAHA!

==========

Chapter Forty Nine
Melt Her Heart

Hindi ko alam pero parang nangyari na ito. Dejavu? While we're kissing, I see pictures on my mind. Parang nangyari na ito. Parang hindi ito ang unang beses na naghalikan kami ni Zes.

Ano bang nangyayari?

Pero siguro'y guni-guni ko nga lang iyon. Lalo na't lasing ako ngayon at wala sa huwisyo.

Lumayo sa halik si Zes nang itulak niya ako bigla at humawak sa.. puso niya?

"Zes! Okay ka lang?" batid ko sa ichura niyang namimilipit na siya sa sakit. "Zes!!!" hindi ako mapakali. Hala. Anong nagawa ko?

Tinakpan niya ang bibig ko. Naiiyak na siyang hawak pa rin yung dibdib niya. Tumakbo naman siya papunta sa CR dito sa kwarto.

"Zes! Zes okay ka lang? Anong nangyayari? May sakit ka ba?" Shit! Gusto kong gibain 'tong pinto para lang mapawi ang pagkataranta ko eh.

Lumabas na siya ng CR. "I'm o-kay. I'm a-alright. Balik na ko sa kwarto." Malamig niyang sabi at nilagpasan na ako.

Natulala lang ako. Ganun lang pala yun? Pagkatapos naming maghalikan eh ganun lang ang reaksyon niya? Parang hindi siya naiilang man lang saken habang ako hagot makatiklop. Hindi ko alam kung pano siya harapin kanina. Grabe. Pakiramdam ko nga naiwan pa rin yung labi ni Zes sa labi ko eh.

Para akong na-estatwa matapos ang lahat.

Naisipan kong sundan siya sa kwarto niya pero naka-lock na ito. Tinawag ko naman siya at kumatok pa ako pero walang sumasagot. Baka tulog na. Haay sana'y ayos siya. Bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko at niligpit ang mga kalat at pinag-inuman naming dalawa.

At buong pag-iimpis ko hanggang sa makatulog ako'y hindi mapawi-pawi ang mga ngiti sa labi ko.

☜(*▽*)☞

(Franzes' POV)

"Ahhhhhh" paulit-ulit kong daing dahil sobrang sakit ng dibdib ko.

Ramdam na ramdam kong may kung anong bumuhos sa bato kong puso. Para ring tinataga, binabalatan, pinipiga, at sumasabog. Napakasakit. Gusto kong sumigaw ng malakas pero baka marinig nila. Ayokong mag-alala sila sakin.. lalo na si Kyle.

Natapos ang pananakit ng dibdib ko. Para akong nanganak sa sakit. Kahit hindi ko pa naman yun nararanasan pero sobrang sakit talaga. Yung feeling na parang hinuhugutan ka na ng hininga. Pagkatapos ng pananakit na iyon, ang dating hindi ko maramdamang puso ay unti-unti nang tumitibok.. palakas nang palakas. Mainit na rin ito. Hindi kaya.. bumalik na sa dati ang puso ko?

Hindi na ba ako manhid?

50%

Huh? Napatingin ako sa mga bituin sa itaas, tanaw tanaw mula sa bintana ko, parang may constellations na ang outline ay 5, 0, at percent sign. Fifty pecent. Anong pinapahiwatig nito? Nandito kaya sila Mond at Kierre? Kinilabutan ako bigla sa mga pangitain. Yet.. it's amusing.

50%.. ano ba iyon? Nakaramdam ako ng halong init at lamig sa puso ko. Shet. Daig ko pa yata ang sinto-sinto nito. Sino kayang maniniwalang ang puso ko ay malamig at mainit.. dagdag pa riyan, bat may ganoong feeling. Haay, napakahiwaga talaga ng nangyari saken.

Ngunit malinaw na sakin ngayon. Ang dating 100% cold and numb heart ko ay nabawasan na. Nagtatalo ngayon ang init at lamig. Hindi ko alam na ganoon pala kalaki ang mababawas sa isang halik lang.

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon