#31 - Distress

158K 1.7K 236
                                    

Chapter Thirty One
Distress

(Codyne's POV)

"Mama, ayoko talaga. Magback-out na lang ako."

"Magbaback-out ka kung kelang bihis na bihis at nakaayos ka na? Codyne, chin-up! Masamang nakasimangot ang Reyna Elena." Heard it right. Kinuha lang naman akong Reyna Elena dito sa subdiv namin, at pumayag naman ang aking mother dear. Sa totoo lang, halos taun-taon naman na yata akong kinukuha, payag rin ng payag si mama pero lagi akong nakakatakas noon, kunwari may 1week group project kami kaya nakakaiwas ako. Pero this time, wais na yata ang mama ko, ayun... walang kawala.

"Okay fine. You said so. But ma, promise me, this would be the first and last!"

"Bakit ba ayaw mo? Ang ganda ganda mo anak, sayang ang magandang pagkakagawa namin ng papa mo sayo tapos-" Hinampas ko ng kahinaan si mama. Ang SPG kasi. Mama talaga.

"Mama!!!.. Basta ayoko ha. Last na 'to." Tumawa naman siya. Ang kalog talaga ng mama ko. Tss. Ayaw ko mag-Reyna Elena kase, it's not my thing. You know, I don't like participating in events like this. I like dressing around pero hindi naman ako yung tipong rumarampa ng ganto. And besides, I'm just a chill, typical teenager.

We went out na kasi magsisimula na ang Santacruzan.

Whoa. Ang gaganda rin ng mga ka-subdiv ko. Pero hindi naman ako naiintimidate, hindi naman kasi nakikipag-contest sa kanila, right? Wala nga ako sa mood na magganto eh. Tsk.

Pumunta na ako sa pila ko with my mom na super supportive sa gilid. Todo picture na siya agad kahit di pa naman nagsisimula.

"Hintayin mo lang anak, parating na daw yung konsorte mo." Okay fine. Taga-ibang subdiv daw yung magkokonsorte sakin. Di ko pa rin kilala. Well, ano nga ba namang paki ko? Basta mairaos ko na 'tong santacruzang 'to. Haay.

"Anak, hawakan mo na 'tong krus." Inabot sakin ni mama yung cross, but suddenly... pagharap ko nabunggo ako ng isang 'to. Ughh. Nahulog tuloy yung krus.

Sabay naming pinulot yung cross, "Next time, mag-iingat ka ha?"

"I'm sorry talag--."

"LEN?"

Nang magharap kami nung lalaking nakabangga sakin.. mygaad.. si Len pala. Teka, si Len nga ba 'to?

"C-codyne." Naiwas-iwas niyang sabi.

"Okay, magsisimula na po tayo! Umayos na kayo!!!" sabi nung organizer dun. At nakita ko namang... tumabi sakin si Len? Wait...

"Len... don't tell me you're my--."

"Yes I am. Ang konsorte ng mahal na Reyna Elena," sabi niya sa akin sabay ngiting... makalaglag korona. OMYGOOOSH!!! Len is... so handsome.

Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa, mapa-kamay, at likod. Wala akong makitang bahid ng kabaklaan sa kanya. Sa lagay niya ngayon, para talaga siyang isang lalaki! Isang lalaking ubod ng sex appeal, tikas, at kagwapuhan. Oh my!!!

"What happened to you? Why are you.. wait how did you make yourself... ohhh gaad Len, nakakainlove ka ngayon ah!," I said to him as he offered his arm to me and we started walking.

He chuckled. "Well, my nature is male after all. Masama na bang magmukang gwapo?" then he winked at me. Shocks. Kung di lang 'to bakla, crush ko na 'tong si Len. Teka... di naman masamang magka-crush ng bakla diba?

"Okay. So we're settled then. Crush na kita Len." then I winked back at him. Nagtawa na lang kaming dalawa.

Grabe. Di ako maka-get-over sa get-up ni Len ngayon. Habang nagkukwentuhan rin kaming dalawa, wala akong maramdamang female, soft side sa kanya tulad ng lagi kong nakikita sa kanya na maligalig at lively lagi. Yung way rin ng pananalita niya, bakit parang hindi na malandi at maharot pakinggan, ang boses niya... such an eargasm!

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon