#46 - Make Her Smile

125K 1.6K 209
                                    

Note: May pagka-SPG.

=========

Chapter Forty Six
Make Her Smile

Nang makauwi sina mama at papa ay kinausap na namin siya ni ate. Nasa likod ko naman si kuya Keen in case na magalit sila mama.

Umiiyak ngayon si ate pagkatapos niyang ikwento ang lahat kila mama. Hindi ko mabasa kung galit ba sila o ano basta ang nakikita ko lang ngayon ay gulat sila. They're also like still absorbing the revelations by ate and kuya Keen.

"Eifelle." Hanggang sa nagsalita na si mama.

"Mama.. I'm sorry. Please give us a chance. Please."

Si papa naman ay nakita kong nagbuntong-hininga at nagwika. "Eifelle, I'm so disappointed." Tumayo na umakyat ng hagdan. Hala, tutol si papa. Hinimas ko na lang sa likod si kuya Keen na paiyak na.

"I'll be on your side, my daughter. You're old enough to handle yourself. Hindi ako tututol sa inyo ni Keen pero kapag niloko at pinaiyak ka ng lalaking yan, we'll not think twice na pumayag na ipakasal ka sa anak ng business partner namin."

Niyakap ni ate si mama. "Thankyou ma! Thankyou thankyou!" pinahid na rin niya ang mga luha ni ate. "I'll talk to your father. Don't worry."

"And you mister.. Keen I'm warning you. Wag mo akong biguin."

"I won't. Promise po. Promise! Pagbubutihan ko po ang lahat ng gagawin ko. I'll do anything for your daughter. Salamat po ma'am. Salamat po."

Hooo. Nakahingang maluwag ako dun ah. Akala ko may bangayang mangyayari, buti naman at payapang usapan ang nangyare. Niyakap ko si ate at nag-apir kaming dalawa kasi success kami! Though may problema pa rin kay papa pero sure naman ako.. hindi niya matitiis si ate.

Si kuya Yuki naman kararating sa bahay at.. may kasamang babae.

"Oh, anong meron? Nag-iyakan yata kayo." pambungad ni kuya.

Nagtinginan lang sina ate at kuya. Parang nagkaintindihan agad sila.

"Ohh! They knew? Nasabi mo na?" alam pala ni kuya. Tch! Daya bat ngayon ko lang nalaman.

"Eh kuya, bat ngayon ka lang? Saka sino siya? Hi po." Bati ko rin dun sa babaeng kasama ni kuya.

"Si Anna. Ahm, partner ko. Gagawa lang kaming project. Sige sige." Hinalikan kami ni kuya sa noo at saka hinila na si Anna paakyat. Hmm. 8pm ng gabi? Ano naman kayang project ang gagawin nila.

Anyway, makapagpahinga na nga rin. Umakyat na ako sa kwarto ko at tumalon sa kama. Nakakapagod. Nagbihis na muna ako ng pantulog saka lumabas ulit sa kwarto. Wala akong magawa. Di ko pa trip matulog masyado pang maaga. Ahh!!! Punta muna akong kwarto nila mama. Matagal tagal na rin na hindi ko sila nakakalambingan dahil lagi silang wala dito. Parang ngayon nalalayo na ang loob nila sa amin. Wala na silang ganong oras para samin. Hindi katulad.. noon.

Papasok na sana ako sa kwarto nila pero narinig kong mukang nag-aaway sila.

"Jaime!!! Ano nang gagawin natin! Ano na? Ano na?"

"Wag ka ngang mataranta jan dahil natataranta rin ako! Pesteng buhay 'to! Paano nangyari ito sa atin! Hindi maari! Hindi pwede! Gagawa ako nga paraan." HALA. Ano naman kaya yun?

"Mama? Papa?" pumasok na ako dahil nagsisigawan na sila. Bakit ganito?

"Franzes hindi ba't turo namin sayo ay kumatok ka muna?"

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon