#36 - In Between

136K 1.6K 67
                                    

Chapter Thirty Six
In Between

(Franzes' POV)

Dinala ako ni Kyle dito sa kanyang hide-out. Hawak-hawak ako sa kamay, pumunta kami sa itaas... sa kwarto niya. Napalunok ako dahil parang alam ko na ang maaaring mangyari. Dala marahil tulak ng nararamdaman, hindi na niya mapigilan ang sarili. Mahal na mahal ngang talaga ako ni Kyle.

Pumasok kami at sinara niya ang pinto, kahit kaming dalawa lang naman ang nandito. Isinandal niya ako sa wall at...

Nagsimulang umiyak.

This is really one-hell of a serious and deep moment for the both of us. Kilala ko si Kyle sa pagiging masungit pero malambing, at palabirong pervert. Pero ngayon, lalo kong nasaksihan ang isa pang side niya. He's a real person of sincerity.

"K-kyle..." hinawakan ko siya sa muka at pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa kanyang mapupungay na mga mata.

Hinawakan naman niya ang parehong kamay ko habang patuloy na umiiyak. "Z-zes... ang hirap magpigil. Mahal na mahal na mahal talaga kita. Nakakainis. Gustong gusto kitang mapasaakin ngayon din... ang bigat bigat dito. Zes... please... can I have you... now?"

Hindi ako nagsalita. Sa halip ay ngumiti ako, pinunas ang mga luha niya't hinalikan.

Mula nang nagdampi ang aming mga labi'y hindi na kami tumigil. Tila hindi na mapaghiwalay.

Hindi ko na inalintana ang mga problema. Ang pamilya ko, ang sakripisyong gagawin ko, at ang katotohanang mawawaglit siya sa buhay ko. I emptied my mind at this moment. Ayoko na munang mag-isip. Ayoko na munang malungkot. Ayoko munang i-absorb ang pangyayaring baka ito na ang huli naming pagsasama, na iiwanan ko siya, na papakawalan ko siya, at lalong-lalo na... ang ipapaubaya ko na siya sa iba. Na kahit ngayon lang, kaming dalawa lang ang iisipin ko. Na ang pagmamahalan muna namin ang mangingibabaw sa pagkakataong ito.

As much as I want to refuse his kiss, there's something that keeps me pulling in.

I'm being magnetized by love again.



☜(*▽*)☞





(Kyle's POV)

Nagmistulang LRT sa bilis magtravel ang mga kamay ko. Pucha! Walang traffic. Walang hinto hinto. Parang may sarili isip na naglalakbay sa likod ni Zes. Sa likod pa lang naman. Wag atat.

We're kissing passionately habang yung mga kamay ko talaga ay busyng-busy, parang may gustong gawin. Parang may gustong tanggalin.

Lalo pa akong nabuhayan nang kumapit na si Zes sa batok ko, clasping my hair. And with that I pulled her more, wala nang space sa pagitan namin. Dikit kung dikit.

Until I decided to stop for a while and look intimately to her. Her eyes... that looks like yearning for more. Hinawakan ko siya sa balikat, papunta sa collar ng uniform niya. I stopped there and looked at her again. When she suddenly nodded and held my hands guiding me... to remove the barriers.

Pero hindi. Itinigil ko iyon. Hindi ko kaya. Hinigit ko na muna siya't muling niyakap. And I invaded her once again. Hugging her badly... and so is she. Pagbitaw ko sa halik, maluha-luha nanaman ang mga mata niya, tulala at parang wala sa sarili. She's really carrying heavy pain inside her. Nakakainis. Bat ba sa lahat ng bibigyan ng gantong problema, bakit si Zes pa? Bakit yung taong mahal na mahal ko pa?

I carried her to my bed, ingat na ingat. Well she's my most precious jewel after all.

"Kyle... please?" Alam ko ang ibig sabihin niya. Gusto niya... gusto niyang may mangyari. Maging ako man, lalo na para sa isang lalaking tulad ko, kapag inialay ang grasya, madali kaming kausap.

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon