#39 - Three Royalties

134K 1.8K 93
                                    

Chapter Thirty Nine
Three Royalties

 

Puro exams pala namin ngayong linggong ito kaya lumipas ang tatlong araw na ganun pa rin ang sitwasyon.

Si Codyne, napakahinhin. Ang pino ng mga galaw. Hindi makabasag pinggan. Ang hirap tuloy, hindi ko alam kung paano ko na siya iaapproach. Hmmm.

“Codyne, tara kain tayo.” Lunch break na kasi namin.

Humarap naman siya sakin at ngumiti. Yung ngiting hindi mo mapapansing may tuwa sa kanya. Ang hinhin! Haay. “May baon po ako.”

“Edi good! Samahan mo ako sa canteen ha? Tara?”

“Nakakahiya naman po. Okay lang po, dito na lang po ako.” Kita niyo na?

“Codyne, tara na. Sinasama na nga kita oh.”

“P-pero.. bakit po?”

“Hay nako. C’mon!” tumayo na ako at hinawakan ko siya sa braso.

Sa Canteen.

Kumakain kaming dalawa ni Codyne.. pero pakiramdam ko parang nasa mute akong lugar. Wala akong naririnig mula dito sa kasama ko. Napakatahimik, pambihira. Bat ganito kalaki ang pinagbago ni Codyne? Huhu.

“Huy. Uso magsalita at magkwento.”

Nakuha ko naman ang full focus niya sa pagkain. “Po?”

“Wag mo na nga akong pino-po. Anukaba. Sabi ko, bat ganyan ka? Bat ang tahi-tahimik mo?”

“Wala kasi akong masabi eh.” Ay grabe, halatang halata ko naman. Grr.

“Edi kwentuhan mo na lang ako. Kahit ano. Tungkol sayo kung gusto mo.”

“Boring po ang buhay ko. Wala po akong maiikwento tungkol sakin. Pasensya ka na.”

“Then make it fun! You know, it’s a choice.” Pag-eencourage ko sa kanya.

Nagbuntong-hininga na lang siya. Hula ko ah, wala nanaman ‘tong sasabihin.

Naghintay ako ng response, yun na pala yun. Sheyt. Nagpatuloy ulit siya sa pagkain. Ako na nga lang magtatanong.

“Hey. What do you think about Len? Sobrang babaero ba nun?”

Uminom siya ng tubig dahil muntik na siyang mabulunan. Nakita ko namang bahagya siyang namula. Hmmm, I smell something pishiii.

“B-bat niyo naman p-po natanong? G-gus.. gusto mo ba siya?” Huli ka! Hahaha! May gusto ‘to kay Len. Sinasabi ko na nga ba. Well, di naman ako tututol dun dahil kahit dte, nung sa una kong buhay, eh botong-boto na ko dun sa dalawa kahit bakla si baks Len. Pero ngayon na lalaking lalaki na si Len, gagawa ako ng paraan sa dalawang ‘to. Tama! Tutulungan ko si Codyne. Mainam na rin itong panlibang sa sarili ko, para hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano. Sabi nga ni Kierre, libangin mo ang sarili mo sa ibang bagay.

“Pano kung oo? Pano yan?”

Nailang siya ng tingin sakin. “Hey! Joke lang. Di ko yun gusto no. Sagutin mo na lang ako, babaero nga?”

Muka naman siyang natuwa. Hahaha! Loka. “Ahm, oo babaero siya... Pero mabait naman yun kaya siya yung Mr. Charming dito diba? Kahit isa siya sa mga popular dito sa school, pinapansin niya lahat. Saka basta.. Mabait naman yun kahit ganun siya.”

“Uuuuy. Pinagtatanggol. Gusto mo siya no?”

“Hindi ah! Babaero nga eh pano ko yun magugustuhan? Saka imposible no! Hindi. Hindi ako magkakagusto dun. Ayoko dun.”

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon