#30 - Unexpected

152K 1.7K 192
                                    

Chapter Thirty
Unexpected

(Yuki's POV)

Ako si Yuki. Gwapo noon, pero gwapo pa rin naman ngayon.

Isang mabuting kapatid at anak... noon.

Hanggang sa naging gago-gago ang buhay ko. Ang saya saya.

*flashback*

"Pare si Yuki oh. Muka na ring baliw."

"Hahahahaha! Hawa hawa lang yan."

"Tara, sabihin naten ibonus na lang niya saten yung kapatid nyang baliw!"

"Tangina niyo ah! Ako ba pinag-uusapan niyo?" di na ko nakapagpigil sa mga pinagsasasabi ng mga 'to. Wala na kong pakialam kung miyembro man sila ng malaking frat. Mga p*ta!

"Eh tangina pala neto eh!"

*BOOG*

Taragis.

*BOOG*

Shit. Andami na nila.

"Ano? Laban ka pa? Baliw! Baliw! Si Yuki ay may utol na bali-hiw. Bali-hiw. Baliw! Baliw!" at nagtawanan pa sila habang pinaghahahampas ako ng kahoy. Tangina!

"Sinabing hindi baliw ang kapatid ko eh!" sabi ko habang pilit na tumatayo mula sa pagkakalupasay sa sahig. Bwiset! Bat kasi di lumaban ako ng mag-isa lang? Psh.

"Ibalato mo na lang samin yung kapatid mong yun. Kahit baliw yun, chix mga pare! Wooothoot! Sulit na sulit tayo dun!"

"P*t**ng*na niyo! Tigilan niyo sabi yan eh! Wag niyong subukan! K-kundi l-lagot kay.."

"Lagot kami sayo? Aww takot kami. Eh muka ka na ngang isdang nagingisay jan! Gag*!"

*BOOG*

Kamatayan ko na ba? Panay ang labasan ng dugo sa katawan ko dala ng mga suntok at palo nila. Ayoko. Ayoko pa. Tutulungan ko pa ang pamilya ko. Gagawa pa ako ng paraan. Ayoko pang mamatay. Lord, please? Help.

"HOY!" pinilit kong dumilat kahit putok putok na yung gilid ng mata ko, nakita ko ang... ano 'to? Isang grupo pa ng frat? At balak rin akong pagtulungan? Shit naman. Katapusan ko na nga yata. Eifelle, Franzes, Ma, Pa... kung mawala man ako ngayon, patawad. Patawad.

"Aalis? O magpapatayan?" kalmang sabi nung... leader nila?

At nagulat naman akong parang tumiklop ang mga tigasing nambugbog sakin. Tumalikod dala-dala ang mga pamalo nila at naglakad na palayo hithit-hithit ag kanilang mga sigarilyo.

Pero yun ay akala ko lang. Sa sobrang bilis ng pangyayari, muka ngang nagpapatayan na ang dalawang grupo. Pa-epek lang pala nila yung talikod talikod. Psh. So ano ako ngayon? Kawawang nakalupasay sa sahig na mistulang audience nila habang nagbabalian ng buto?

Kinalaunan, umeskepik na yung mga gagong nang-alipusta sa akin. Yung iba nga yata sa kanila nasa bingit na ng kamatayan dahil sa mga saksak. Wala akong paki. Dapat nga lang sa kanila yun.

Napa-atras naman ako ng bahagya sa pagkaka-upo ko nang maramdaman ko ang mga anino sa harap ko. "Oh, ligtas ka na gag*. Wag kang matakot, di kami masamang tao." At nagtawanan sila. "Sobra lang. Pero di ka namin aanuhin. Matagal na naming kaaway yung mga pangit na yun."

Dahil hindi ko kayang tumayo, tumingala na lang ako sa kanila. "S-salamat."

Itinayo ako nung parang leader nila. "S-salamat ulit." Ngumiti ako at nagsimula na sanang maglakad ng paika-ika paalis doon nang pigilan nila ako.

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon