#33 - Exchange

147K 1.8K 209
                                    

Chapter Thirty Three
Exchange

(Mond’s POV)

 

“Yes magic.”

“Magic,” pag-uudyok pa ni Kierre kay Franzes.

“Magic Franzes. Magic,” paulit ko pa.

Nang biglang kumanta si Kierre ng.. “Got to believe in magic, tell me how two people f---“ Batukan ko nga.

“Teka nga! Ako ba eh binubudol-budol niyo?” Anak ng unicorn naman. Hirap talaga ng ganito. Tumataginting na mahabang paliwanagan nanaman ang mangyayari neto eh.

“Franzes, yung TV na hangin pa nga lang eh. May nakita ka na bang normal na taong gumagawa nun?,” sabi ni Kierre.

Napaisip naman siya. Pero yung muka niya... parang hindi pa rin talaga kumbinsido.

“I know, it’s really hard for you to absorb this, but Franzes we’re telling the truth. To get things clearer to you, I’m an immortal-wizard and Kierre is my guardian.” Nanlaki lalo yung mata niya dala ng pagkagulat.

Pinunas naman niya yung mga luha niya sa mata at tumingin ulit sakin na parang nag-iintay pa ng paliwanag ko.

“Okay, it’s better kung maupo na tayo ulit doon. Ipapaliwanag sa’yo ang lahat,” turo ko doon sa ilalim ng puno kung saan kami naka-upo kanina.

“Lahat Mond?,” pagtatanong ni Kierre.

“Yes. She’s the one who can help me as well. I think she deserves to know anything she wants to know.” Di naman siya tumanggi at sumabay sa amin paglalakad papunta sa puno.

***

“We used to live in the other dimension, pero dahil sa isang kasalanan kaya nandito kami ngayon, naninirahan sa mundo ninyo.”

“Why? Ano bang ginawa mo?,” nag-indian sit si Franzes. Now she’s getting interested.

“Not me. My parents. Anak ako ng isang Soverthell... at isang Gemlack.”

“By the way his real name is Diamond Gemlack-Soverthell. Oh teka! Relax! Kulang ka sa intro eh! Saka part yun sa pagkukwento ng LAHAT,” peste talaga nito ni Kierre. Buti na lang at tahimik na nakikinig si Franzes.

“Kierre, don’t meddle again please. Anyway, yes. It’s my real name.”

“What’s with being a son of a Soverthell and Gemlack?”

Soverthells are the White Wizards. And Gemlacks are the Black ones. Mahigpit na ipinagbabawal na magkaroon ng relasyon ang magkasalungat na grupo. They’re not enemies though, but there will always be a possibility. Either way, they’re not friends. Nagiging magkakampi lang ang dalawang grupo kapag may mga orasyon, new spells, new rules, or in keeping peace and stability both in the White Kingdom and in the Black Realm. Black wizards are kind, but they can do dark spells and black magic, na kinatatakutan dahil masama ring magalit ang mga ito. Ang White wizards naman, dito sa mundo ninyo, sila lang ang pinaniniwalaang mababait na wizards and I think that is their edge sa black wiz. Let’s just say rin na White and Black wizards keep the balance between day and night. Hindi sila magka-away but there will always be a boundary... at yun yung nilagpasan ng mga magulang ko.”

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon