#43 - Humanda Ka

134K 1.6K 287
                                    

Chapter Forty Three
Humanda Ka

 

Gumising ako ngayon nang napakaaga. 6am. Naligo na ako, nagtoothbrush na nga rin ako ng tatlong beses ngayong umaga pa lang.. nanghinayang tuloy ako sa toothpaste. Kasi naman eh, di ako mapakali. Nakapamalantsa na rin ako ng dalawang polo ko, hindi ako makapili-pili kung anong isusuot ko. Ito bang pamana sa akin ni daddy na vintage polo, o itong polong napanalunan ko sa isang unahan-makaubos-ng-tatlong-bowl-ng-mani contest noong pyesta nung isang taon dito.

Grabe talo ko pa yata ang babae ngayon sa pagkataranta.

In the end itong yellow kong polo shirt na lang ang sinuot ko. Nagsayang ako ng kuryente sa pagpaplantsa nung dalawa kong polo kanina. Naisip ko kasi masyadong pormal baka tawanan lang ako ni Zes, sabihin pa niya may schedule akong job interview sa porma ko eh. Nakakahiya naman kaya itong simple na lang. Kung pwede nga lang wag na magdamit eh, solve naman na sa gwapo kong muka pa lang pero baka marape ako sa labas pag wala akong saplot. Aba sinuswerte naman sila.

Time check, 8am. Ang tagal kong nag-ayos! Pucha! Suklay ng buhok, dapat tamang-tama yung ayos nito. Ngayon naman nakaupo lang ako sa kama ko dito sa sala. Este.. sa sofa. Dito kasi ako natutulog. Isa ko pang kapalpakan, hindi ko pala natanong kay Zes kung anong oras ako pupunta doon sa kanila.. para makikain. Huhuhu. Para namang patay gutom ako neto. Ang engot mo talaga Kyle, naturingan ka pa namang scholar ang engot engot mo sa babae.

Ay hala! Isasama ko nga pala si Kyla!!! Asan na ba yung batang yun!

“Kyla!!!” sigaw ko pagtatawag sa kanya dito sa munting bahay namin.

“Anak, bat ka ba sumisigaw! Kahit naman hindi ka sumigaw nagkakarinigan tayo dito.”

“Sorry po daddy. Nagpapanic lang po ako.” Ang sosyal lang ng tawag ko sa tatay ko. Pagbigyan na, kahit man lang sa ganito diba.

“Bakit ba ha? At bakit bihis na bihis ka yata? May dadaluhan kang birthday-an anak?” huhuhuhu pati yung tatay ko! Kawawa naman ako, huhuhuhu! Uso na bang kawawain ang mga gwapo ngayon?

“Dad naman. May bibisitahin lang pong kaibigan.” Makikikain po. Fuuuuu.

“Aba! Napakaespesyal naman ng kaibigan mong yan. Dalhin mo naman siya dito nang makilala namin.”

“Hindi ko pa naman po kasintahan eh.”

“Pa? Edi nililigawan mo? Bumili ka ng bulaklak. Heto..” naglabas siya ng pera mula sa bulsa niya. “Pasensya ka na anak, ito lang pala ang laman ng bulsa ko.” Inabutan ako ni daddy ng bente pesos.

“Wag na po. May pera pa naman po ako.”

“Hindi, kunin mo na. Anak alam kong marami akong pagkukulang sa inyo ng kapatid mo pero gusto kong ipakita ang suporta ko sa inyo. Kahit man lang sa ganito anak, sige na.. kunin mo na.”

“Tay talaga.”

“Oops, bakit tay? Aba nakakalimot itong batang ‘to.”

“Hahaha! Opo DADDY salamat.”

“You’re welcome.. SON.” At nagtawanan na lang kaming mag-ama. Feeling mayaman kami. Atleast.. masaya.

Lumabas naman ako sa bahay at nakita ko nga si Kyla. Hay naku, itong kapatid ko talaga ang hilig makipaglaro. Ang dungis na tuloy niya. Ayoko pa namang nawiwili siya sa kalye.

“Kyla! Halika na nga, sabi ko na eh nasa labas ka nanaman. Tignan mo amoy araw ka nang bata ka!”

“Kuyaaaaa naglalaro pa kami. Mamaya ka na! Dun ka na! Shoo shooo!” takte maka-shoo parang aso lang ako?

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon