#2 - True Love

281K 3.7K 750
                                    

Chapter Two
True Love

(Kyle’s POV)

What the? Sino ba ’tong babaeng ‘to? Bwisit naman nagsakripisyo ako ditong magpaulan para sa project namin tapos ginulo lang niya. Epal naman oh. Hay panira!

Siniigawan ko na ‘tong babaeng ‘to nang 'di na niya maisipan pang subukan akong lapitan sa susunod.

“K-kyle 'di ko naman a-alam eh”  Namumutla siya. Ha! Takot siguro. Anong paki ko?

Tinignan ko 'yung I.D. niya. Kaya pala pamilyar ang pagmumuka ng dukhang ‘to. Siya pala 'yung sinasabing pwedeng ipangtapat sa'kin. Sus, nagbibiro ata 'yung mga teacher namin. Ganito? Itong panirang ‘to? Pantapat sa'kin? Seryoso?

“Franzes Amberluke? Kaya naman pala. Talagang wala ka ngang alam, kasi taga-section E ka. Hindi mo ba ako kilala? Magpapakilala lang ako ah? Kyle Monteluz nga pala. Council president pati na ng lahat ng clubs, consistent first sa buong batch natin, champion ng lahat ng academic competitions, MVP sa lahat ng sports event sa basketball, at higit sa lahat, ako lang naman ang kataas-taasang estudyante na ginagalang at hinahangaan sa buong The Academy. Now, it's not very nice to meet you, miss.”

Pagmamalaki ko sa sarili ko at pangmamaliit ko naman sa kanya.

Ang iyakin naman nito. Umiyak agad? Lalo siyang magmumukang kawawa. Umiwas ako ng tingin. Ang ayoko kasi sa lahat, nakakakita ng mga babaeng umiiyak. Ayoko ng mga babaeng mahina, dahil ang tingin ko sila napakababa.

Bigla naman siyang nagsalita. “Sorry, nag-alala lang kasi ako sa'yo, baka magkasakit ka."

"Who are you para mag-alala sa'kin? Girlfriend ba kita? Nanay? Lola?" nagtawa pa 'yung mga kagrupo ko. I hate humiliating people but I can't help it. Kung unang pagkakamali pa lang ay itotolerate na sila, people will always give a d*mn.

"P-pasensya ka na. Iiwan ko na ‘tong payong ko sa'yo, baka wala kang gamitin, heto na rin 'yung panyo ko, pampunas mo. 'Wag kang mag-alala, wala akong sakit. S-sige. Sorry ulit Kyle.”

Napatigil ako pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng mata sa mata. Siya lang ang babaeng nagawang kausapin ako ng mataman habang umiiyak kahit hindi naman kami magkakilala.

Napahakbang naman ako nang makitang tumakbo na siya papalayo ng walang payong. Nasisisraan na ba siya? Siya na nga ang nagsabing baka magkasakit ako dahil sa pagpapaulan na 'yan tapos siya naman ngayon ‘tong tumatakbong umiiyak at nagpapaulan. Mga babae naman talaga. Pano pag may mangyaring masama sa kanya sa daan o pano nga 'pag siya naman ‘tong magkasakit? Teka nga! Bakit ba parang nag-aalala ako dun? I won;t give a fvck about her. Bahala siya.

“Dude ano? Mag-take na ulit tayo para makaauwi na. May araw rin 'yun sa'tin. Bukas, ipahiya na lang naten sa campus.”

“Wag na. Hayaan na natin 'yun.”

“Wow! Pre, ikaw ba 'yan? Hayaan na natin?”

“Sa'kin siya may atraso kaya akong bahala sa kanya. 'Wag na kayong mangialam. Tara na nga, shoot na ulit bago pa tumila ang ulan.”

“Sure bossing!”

***

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon