#35 - Push

142K 1.6K 88
                                    

Chapter Thirty Five
Push

(Codyne’s POV)

Hoo init. “Hmm, may shirt kaya dito si Len na di kalakihan.” Sabi ko sa sarili ko habang binuksan ko ang cabinet niya. Taray, ang ayos. Organized ang mga damit. At wow, bat parang walang mga make-up dito. Pati ba naman dito sa kwarto niya pinanindigan niyang lalaki siya kunware. Nice. 

Nang maalala ko, last day na pala niya sa male-mode. Awww. Babalik na ulit si Len sa pagiging bakla. Haaay kakalungkot. Feeling ko pa naman, nahuhulog na ko sa kanya. Yaaaaaak! Huhuhu! Ang lambing ba naman niya kase sa nakaraang 1week. Ang sweet. Marunong pala siya ng mga ganug bagay, akala ko puro kalandian lang alam niya eh. Aish. Lakas na ng tama ko. Tigil ko na ‘to. Mabuti na rin siguro yun, bumalik na siya sa beki-beki na yan. Err. Shunga kase eh, mahuhulog na lang ako... sa bakla pa. Pambihira!

Kumuha ako ng isang white shirt. Umupo ako sa kama at nagpalit ng damit. Grabe, lambot talaga ng kama niya. Laki pa ng kwarto. Ang ayos ayos pa ng gamit. Though ganun din naman yung akin, kaso for a guy like him diba, nakakatuwa lang. Kinuha ko ung isang unan at yayakap-yakapin sana yun nang may mapansin ako... picture?

Pagtingin ko...

Picture ko.

OMG! Bakit may picture ko si Len? At sa ilalim pa ng unan niya? OhEm!

Dala ng curiosidad, nangalkal na ako ng iba niyang gamit. Di ko mapigilan eh. At sa drawer naman niya, na katabi ng kama, may nakita nanaman ako. Isang notebook. At pagbuklat ko, shit? Ano ‘to DIARY? Diary ng bakla ganun? Tch. Basahin ko ba? Kaso privacy naman kasi ‘to ni Len eh.

Wag na nga. Ang pakialamera ko naman. Baka majombag pa ko ni Len eh.

Ibabalik ko na yung notebook sa drawer. Tama.

“Ay!” May nahulog eh.

Pinulot ko. Nge. Picture nanaman?

Picture naming dalawa. Masaya at magka-akbay. Whoa. Napansin kong may kung ano sa ilalim ng kama niya. Isang napakalaking notebook. Kinuha ko ito.

Teka, scrapbook? Walastik naman si Len. Ang daming echos sa buhay! Aba! May scrapbook pa siyang nalalaman. Matignan nga. Kung di ko man titignan ung diary niya, ito na lang. Atleast pictures naman laman nito. Nakooo, baka puro lalaki pa laman nito. Bwahahaha! Yari ka saken Len.

Binuklat ko iyon. Halos mapa-upo ulit ako sa sahig nang makita ko ang napakaraming larawan, binilisan ko pa magbuklat at puro ganun... puro picture ko.

Picture nung nagba-volleyball ako, nung prom namin, nung nasa iba’t ibang kainan, nung nasa bahay nina Kierre, nung nagrerecite ako sa classroom, nung naglalakad ako sa corridor, at marami pang iba. Iba’t ibang moods ko rin ang makikita, may malungkot, may masaya, at may kuhang sobra pa ako kung makahalakhak.

Len, what is the meaning of this?

Lalo akong naguluhan. Pagbuklat ko sa huling pahina nung scrapbook, may nakasulat na...

Nae sarang, Codyne.

 

OHMYGOSH! If we translate it, it’s ‘My love, Codyne.’

OMYGOOOOOOOOOSH! T-that m-means... Len is not gay?

I can’t resist anymore. I took Len’s diary and started reading it.

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon