#44 - Way to her Heart

135K 1.6K 153
                                    

Chapter Forty Four
Way to her Heart

Monday.

Nasa tapat na ako ngayon ng classroom namin. Kung kanina ang kampante ng pakiramdam ko, ngayon parang nangangatog yung tuhod ko sa kaba. Makikita ko kasi ulit si Zes, baka matameme o mapahiya nanaman ako eh. Ano kayang sasabihin ko?

Nagpraktis muna ako ng sasabihin.

"Ehem ehem.. Ah Zes, sorry pala sa nangyari nung isang araw ah." Naaah! Hindi hindi. Mukang di naman ako sincere nung sinabi kong gusto ko siya.

"Zes, gusto kong malaman mong totoo lahat ng sinabi ko. Kahit pa ipagtabuyan mo ako, hindi ko isusuko ang pagmamahal ko para sayo." Hindi naman kaya masyadong cheesy 'to?

"Zes, parang awa mo na... bigyan mo naman ako ng chance oh. Sige na please." Aish! Tunog demanding naman. Saka desperado.. pero totoo namang desperate ako to have her. Huhuhu. Ang hiraaaap!

*CLAP CLAP CLAP!* Huh? May narinig akong pumalakpak.



"Ang galing mo na parekoy!!! Ikaw ha, si honey pala ha. Ikaw ha. Ayiieeeee." Syeeet. Nahuli ako ni Len doon ah.

"H-ha? W-wala kalimutan mo na."

"Anu ka! Di pwede! Hmmm.." hinaplos haplos ang kanyang baba na animo'y nag-iisip. "AHA! At dahil ngayon lang kita nakitang nagbinata... tutulungan na lang kita parekoy!" Tumaas-baba pa ang kilay niya. Nakooo Len. Ano bang naiisip nito.

"Ano? Anong sinasabi mo ja-"

"Kung inayawan man ako ni Franzes noon, hindi na ako papayag ngayon na pati ikaw eh bastedin din niya."

"Yun na nga eh, basted na ko nung sabado."

"Ha?? Baket nanligaw ka na ba?"

"Sinabi ko pa lang na mahal ko siya."

"Oh yun naman pala eh! Wag kang magkalat ng negative vibes parekoy! Mwahahaha!"

"Tara!"

"Oh teka san tayo punta?"

"Basta!"

Hala! Di na ko nakaayaw kay Len. Gusto ko mang bumalik sa room, parang may nagtutulak rin saking sumama na lang sa kanya. Nakuuu! Paktay. First time kong mag-cutting class. Waaaah. Dyahe na. Yaan na nga lang, 99% naman grade ko dun sa Math eh. Kayang-kaya na rin yan ng powers ko. Hoo. Sa ngalan ng pag-ibig!

***

Sa Quadrangle.

Dinala ako dito ni Len sa open quad namin. Naupo kami sa isang table dito. "Pag-uusapan natin kung paano ka aaksyon kay Franzes. Ready ka na ba? Maghanda ka ng notebook!"

"Ang OA naman nito. Tatandaan ko na lang."

"Bahala ka. Ikaw na nga tinutulungan eh. Dali sulat na!" Nakooo. Dapat ba akong nagtitiwala dito?

"Len, pag puro yang katarantaduhan mong damoves sa mga chix mo lang ang sasabihin mo, no thanks na lang."

"Grabe ka naman parekoy. Hindi ko naman kasalanan na sila na ang lumalapit sakin eh. Pero alam mo, mas gusto ko pa rin yung babaeng pinaghihirapan ko. Gusto ko.. ako pa rin ang nanliligaw."

"Bakit may sineryoso ka na ba?"

"Isa. At siguro ngayon dalawa na."

Binatukan ko nga. "Kita mo na. Dala-dalawa ka! San ang seryoso dun?"

Binatukan niya rin ako. "Sira! Ang ibig kong sabihin, dalawang babae pa lang ang naseseryoso ko. Yung first girlfriend ko.. na nasa heaven na ngayon." Biglang nagbago ang ekspresyon sa muka ko. Hindi ko inaasahan iyon mula sa kanya. Ramdam ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata kahit pa nakangiti siyang nakatingin sa mga ulap. Nag-sorry naman ako sa kanya at napalibutan kami ng katahimikan.

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon