Chapter 15 - First Class

550K 10.6K 2K
                                    

Chapter 15

 Trish Lua

 Hay nako. Monday again Kahit matalino ako, I hate Mondays. Maaga na naman ang pasok, 8am Fudge! Gumising na ako. Ano pa nga ba ang choice ko? Kinausap ko muna si Minnie Mouse na nakangiting sumalubong sa araw ng Monday. Napangiti tuloy ako nung makita ko s'yang nakangiti sa akin.

 "Hi Minnie! Ang cute mo talagang daga ka!" sabi ko sa kan'ya. Hindi ako nababaliw, talagang ang cute lang talaga ng dagang 'to na may ribbon sa ulo. Baka nga matuluyan na akong mabaliw kapag kinausap ko ng kinausap si Minnie. Kaya ginawa ko na 'yung mga morning rituals ko.

Ang sarap talaga ng buhay 'pag Monday. Kasi you know, walang Terrence, walang Elite 5 na nanggugulo. Wala sila, ang saya saya. Remember, WTF ang schedule lang nila sa pagpasok. Meaning to say wala sila ng Monday at Tuesday. Wala ng mas sasaya sa buhay ko ngayon. I'm free! Back to normal ang life ko.

Nakapaligo na ako at kasalukuyang binoblower ang buhok ko.

*bzt!*

Sinong badtrip kaya ang nagtext ngayon? Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa study table ko.

From: Carlitong Panget

Master trishy!!! Waaahhh! Miss na kita! Isang araw na tayong di nagkikita! Huhu! Good morning! Ingat ka sa pagpasok! Sana mamiss mo din ako. Kitakits sa Wed. — Carl Pogi ;)

Literal na napaangat ang dalawang kilay ko. Ako mamimiss s'ya? Asa! 
Tama ba ang nakikita ko? Carl Pogi daw? Abnoy talaga 'to. Carlitong Panget nga name n'ya sa phone ko eh, lakas makapuri sa sarili. Pinindot ko ang reply sa screen at nag compose ako ng message. Magandang exercise 'to sa umaga. Namiss ko rin ang Trish Lua's Maldita Line or simply TLML.

"Hoy simula nung nagtext ka! Nabadtrip na ako! Bwiset!" pinindot ko ang send button at nag send naman s'ya. Lagi kaya akong unli. After thirty seconds, nag reply din s'ya. Ang bilis diba?

"Master Trish naman eh!!! :(((( Ang pogi ko kaya!" reply n'ya. Nagreply ako ulit. Ito na ang last reply ko kasi nabubuwisit na talaga ako sa Carlitong Panget na 'to. Last na talaga baka kasi matrashtalk ko s'ya ng bongga, kawawa naman.

"Magpapalit na ako ng number! Bwiset!"

Send!

Nagsisisi talaga ako kung bakit ko ibinigay ang number ko sa kanilang apat. Kasi naman mapipilit eh.

Flashback 

Nasa highway kami, kasi nga ihahatid na nila ako sa bahay ng biglang tumigil 'yung kotse ni Kurt.

"Hoy baket mo itinigil?!" tanong ko sa kan'ya. Nagtinginan 'yung tatlo, si Kurt, Carl at Dom.

"LABAS!!!" sigaw nilang tatlo. Literal na nagulat ako sa sinabi nila. Ako ba ay pinalalabas nila ng kotse? The hell. Hindi ako makapaniwala.

"What? A-ayaw ko! Baket ba?!" protesta ko. Mga ungas na 'to ngayon pang nakuha mag biro ngayon na may injury ako.

"Bababa ka ba o kakaladkarin ka namin palabas?" literal na napanganga ako sa sinabi ni Dominique, the serious type.

"Ayaw ko nga! Mga joker kayo noh? Wala namang tripan mga pare!" sabi ko. Nag fake laugh pa ko, "Haha! Di na kayo nakakatuwa guys!" sabi ko pa.

Eh paano naman kung bumaba ako dito? Wala namang magsasakay sa akin dito, duh!

"Get out!" sabi nila. Literal na napadrop jaw ako.Tinaasan ko sila ng kilay. Nakakainis na talaga sila! Ugh!

"Ano bang kailangan n'yo? Alam kong mangbblackmail kayo! Spill it!" nanggigil na sabi ko.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon