Chapter 37 - Grabe

376K 9.7K 1.7K
                                    

Chapter 37 - Grabe sa Kilig

Sa sobrang pagkainis ko sa kanya dahil sa kayabangan nya at sabayan mo pa ng malalakas na hangin na nagmumula sa dagat ay naibato ko sa kanya ang batong hawak ko.

Tinamaan s'ya sa ulo n'ya.

"A-a-aray.." sambit n'ya habang hawak hawak yung ulo n'ya. Nagpagewang gewang s'ya habang hawak hawak yung ulo n'ya. "Ahhhhhhhh..." sigaw n'ya na parang nasasaktan.

Nagulat na lang ako ng bigla s'yang bumagsak sa buhanginan. "Sh*t!" tumakbo ako papunta sa kanya. Nawalan ata s'ya ng malay? Malakas ba talaga ang pagkakabato ko sa kanya.

"Hala! What happened Monster! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Babanatan kita..." pagbabanta ko. Pero sa loob loob ko natatakot na ako sa nangyayari. May galos kasi yung noo n'ya dahil sa pagkakabato ko. MyGod!

"Huuuy!" sinundot ko pa ang tagiliran n'ya gamit ang daliri ko pero wala pa din s'yang reaksyon. Hala!

"Uyyy! Wahh! Uy? Monster naman ehh!" patuloy ko s'yang niyuyugyog pero wala pa din. Ano bang nangyayari? Nag-uumpisa na akong magpanic. Bakit ko pa kasi s'ya binato. Hala!

"Hahahahahahahahaha!" bigla s'yang tumayo at nagtatawa, what the hell! "Galing ko umacting noh? Hahahahahaha!" tawa n'ya pa.

Inis ko s'yang nasuntok sa sikmura. "Bwiset ka! Gago!" iniwanan ko s'yang nagtatawa doon. Nakakainis, lakas mang-good time.

"Freak! Saglit lang.." sigaw n'ya. Bahala ka jan sa buhay mo. Nakakagigil sa galit. Ako pa biniro n'ya ng ganun. "Oy!" sabi n'ya na naman. Tumatakbo kasi ako, s'ya naman ay naglalakad ng mabilis. Nako, kailangan ko talagang mahanap yung mga kaklase ko kahit na madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nakikita.

"Saglit lang!" s'ya naman ngayon ang tumatakbo. Konting distansya na lang ang natitira sa pagitan naming dalawa. Huminto ako sa pagtakbo ko.

"Uwaaaaahhhh! Nooooooo!" sigaw ko. Sasalpok s'ya sa akin. "Ahhhhhhhhhh!" patuloy na pagsigaw ko.

*BLAG!*

Naramdaman ko ang sakit ng katawan ko. Pero hindi naman masakit na masakit kasi ay buhangin naman ang binagsakan ko.

W-wait..

Bakit parang hindi ako makahinga?

Bakit hindi ako makagalaw?

Napakapikit pa din ako dahil sa iniinda kong sakit. MyGod..

Bakit parang isang matigas na bagay yung nasa harapan ko...

Idinilat ko ng dahan dahan ang mga mata ko.

"Wah! Kadiri ka!" sabay tulak ko sa kanya.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon