Chapter 2 - Scholarship

789K 15.1K 2.6K
                                    

Terrence on the side --> 

***

Chapter 2 - Scholarship

Trish

Grabe ba ang ginawa ko? I didn't mean to do that to him. Nabigla lang talaga ako! Mang-halik ba naman? Eh hindi ko nga s'ya kilala. Tanging name n'ya lang ang alam ko "Terrence" 'yun lang. Tsaka hindi ko naman ginusto na pumunta sa mallshow. Ew! Ayaw ko maging kawawa habang nakikipagsiksikan. Ewan ko ba dito sa best friend ko kung bakit naging hobby ang pagfafangirl.

Bumaba na ako kaagad ng stage at hinila ako papalabas ni Steph.

"Uyy girl! Bakit mo naman sinampal si baby Terrence?" tanong n'ya sa akin.

"Manyak kasi! I-kiss ba naman ako?! The hell!" sabay pinunasan ko yung cheeks ko na kiniss nya. Grabe! Nakakadiri lang!

"Sira ka! Kung ako 'yun, tuwang tuwa na ako! 'Yan tuloy bubugbugin tayo!" sabi n'ya sa akin.

"Sorry na! Bilisan mo nga!" sabi ko sa kan'ya.

Umuulan ng mga bote ng mineral water. Tissue paper at kung anu ano pa. Buti pala mabilis kami at maagap kung hindi bugbog talaga ako. Omg! Bakit kasi napakatapang ko eh?!

Siraulo ka talaga Trish, bakit mo naman kasi sinampal yung sikat na yun? Hay nako! Jusko ang shunga shunga mo. Kawawa ka na naman nyan.

-____-

***

One week na ang nakakalipas..

One week na din akong nababash ng mga fangirls nya. 

Kawawa naman ang magandang image ko sa aking university! 

LIKE D-U-H! Ang hirap pumasok sa university na 'to, Guzman University!

Pagmamay-ari sila ng  pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Kaya dream come true ang makapasok dito. Sino pa ba ang aasahan ko? Kung hindi ang sarili ko at ang utak ko. Oo, tama kayo. I'm a scholar. 

Puhunan ko ang utak ko sa success. Ansabe? Hahaha!

So ayun nga, scholar nila ako. Tanging mayayaman. I mean, mostly mayayaman ang nag-eenroll dito. Swerte ko nga kasi, kahit si Papa na lang ang kasama ko sa bahay. Nakapag-aral pa din ako. Yup, dalawa na lang kami ni Papa sa bahay.

Aside from that, nalugi ang kompanya namin. Kamusta naman yun? 

So from rich we became poor. 

Hindi naman yung mahirap na mahirap yung saktuhan lang. May pambaon din naman ako kaso you know, laki sa yaman. Kaya ang hirap mag-adjust. Kasi naman bakit nalugi pa yung kompanya namin kung doon mag-ccollege na ako. Kaya ngayon, pinagtitiisan kong mag maintain ng grades ko. Pangarap kasi ni Papa na dito ako magtapos. 

Medyo napahaba na ang litanya ko. 

Nandito ako ngayon sa gate ng school. Tsusyal! 

De-swipe lang ang ID namin. 

Kamusta naman itong skirt ko na above the knee? Shit! Tsaka one more thing may coat pa 'kong suot. Ang init sa Pilipinas diba? Tapos gan'to? Never mind, naka-aircon naman mamaya sa classroom.

"OUCH!" sigaw ko. May isang pusang gala na lalaki lang naman ang nakabunggo sa akin. 

Syempre, Ako pa ba? 

Like D-U-H! Kung yung Terrence nga na yun, natarayan ko. Eto pa kaya?

"Ang laki ng daan Mister!" pahayag ko. Nakita ko naman na nagsalubong ang kilay n'ya at nag-smirk.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon