Chapter 45 - TV

379K 8.7K 1.5K
                                    

 

Chapter 45 - TV

Balik na naman sa dating routines ang buhay ko. Oh gahd, araw na naman pala ng Miyerkules ngayon. Ibig sabihin, makikita ko na naman ang mga bwisit sa school. Apat na araw ko na din silang hindi nakikita, mga busy talaga.

For sure, walang humpay na naman ang mga insecure kapag pumasok na ako sa school. Alam n'yo, parte na talaga sila ng buhay ko. Kung wala sila, edi sana peaceful ang life ko diba. Edi sana hindi ako masstress sa mga panget.

Inayos ko na ang uniform na suot ko. Agad kong nakita si Tristan na nakabusangot na naman ang mukha habang bored na nakatingin sa akin, nasa loob na s'ya ng kotse. "What's with the face panget kong kapatid?" pag-iiba ko ng mood.

Nakuha ko naman kaagad ang atensyon n'ya, "Ang panget mo." sabi n'ya sa akin.

"Nahiya naman ako sa'yo." pagsagot ko sa kanya. "Dapat lang na mahiya ka." pinatakbo n'ya na ang kotse. As usual, ako na naman ang mag-isang nagsasalita.

Feeling famous kasi yung kapatid ko, akala mo naman magbabayad s'ya kapag nagsasalita. Haay nako sanayan lang naman 'yan. Tristan yan, first class snob guy.

Itinigil n'ya ang kotse sa harap ng building ng engineering. Bumaba na din ako. Hindi man lang nag-bbye sa akin si Tristan. Walang hiyang buhay talaga. Kaagad kong namataan ang mga losers. Busy silang nagchichismisan sa daraanan ko.

"Excuse me." matipid na sabi ko. Nakuha ko naman ang atensyon nilang tatlo. "Oh long time no see. Kamusta ka ang babaeng higad?" pagtataray sa akin ni Kiti.

"Kinakamusta mo sarili mo?" anong akala n'ya sa akin papatalo? "Huwag mo kong itulad sa'yo." dagdag ko pa. Mas lalo namang tumaas ang kilay ni Kiti at ng mga kasama n'ya. Kung gaano kataas ang kilay n'ya ay mas itinaas ko pa ang sa akin.

"Nagpapatawa ka ba? Okay, tatawa ako. Ha ha ha! Hindi por que nanalo ka sa pageant ay may karapatan ka na na ganyanin ako. Galing ka lang sa putikan, tandaan mo 'yan!" dinuro pa ako ni Kiti kaya naman ay hinawakan ko ang daliri n'ya.

"Oh really? Kamusta naman ang babaeng putik na sumubsob sa stage? Masakit pa ba ang mukha mo? But hindi naman ako nag-worry sayo, nag worry ako sa sahig na binagsakan mo. Ang tigas ng mukha mo na 'yan Kiti." sabi ko. Para na s'yang lalabasan ng usok sa tenga sa galit.

"Hoy Trish, huwag mong ginaganyan ang friend ko!" pagtatanggol ni Helo sa kanya. At talagang pumunta pa s'ya sa harap ni Kiti. "Thank you friend.." pagbulong ni Kiti pero narinig ko pa rin.

"Friend? For sure, nagpaplastikan lang kayo. Haha! Tama ba ako?" napatawa ako sa mga reaksyon nila. "I knew it, makikipagkaibigan na lang kasi sa mga ahas pa. Oh masyado ng naaksaya ang oras ko sa inyo, padaanin n'yo ko."

"Huwag kang pakikisiguradong babae ka, una sa lahat. Huwag mo kaming binabangga." sabi naman ni Jaz. Kanina n'ya pa ako iniirapan. "Nag-excuse kaya ako!" depensa ko.

"Huwag mo kong pilosopohin. Iniwan ako ng boyfriend ko dahil sa'yo. Oh ano pa bang gusto mo? Napakalandi mo!" akmang sasampalin n'ya ako noong mahawakan ko ang kamay n'ya.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon