Chapter 16 - Call

473K 9.7K 969
                                    

Chapter 16


 
Sa wakas at natapos na ang klase ko. It's already 4 pm.  Teka! May usapan nga pala kami ng kakambal ko.
Saan ko naman makikita 'yun? Balak ko sanang tawagan s'ya kaso, wala akong number n'ya. Bumaba na ako sa lobby. I used the elevator. Nakakatamad gumamit ng stairs. At mabilis 'yon makahaggard.

Pagkabukas pa lang ng elevator. Nakarinig na ako ng isang commotion. Hala anong nangyayari sa harap ng lobby? Pumunta ako kaagad doon with poise. Nag-give way naman sila ng daan and I saw Tristan. Napahawak na lang ako sa noo ko. Ano na naman bang pumasok sa kokote ng magaling kong kapatid?

Nakatayo lang si Tristan at nakatingin sa malayo. Habang may tatlong babae na nakaluhod at nakahawak sa jeans n'ya. Jusko, patay na naman ang mga babaeng 'to.

"Can I court you?" sabi ng babae sabay inilahad 'yung isang box, it's probably a gift.

Nagsigawan naman 'yung mga nagsisinuod. Tila nasa isang live shooting ang eksena ngayon. Sabay napa-woah sila nung binato ni Tristan 'yung regalo ng babae. Pati din ako napatakip ng bibig sa gulat.

"I don't need you. Go away!" sabi ni Tristan. Mas malala 'to sa akin. S'ya 'yung lalaking version ko pero mas malala ng mga ilang percent.

Umiiyak na ang babae. Hindi ko naman masisisi, the hell. Kababaeng tao tapos ikaw ang manliligaw? Wrong move. Habulin talaga ng chix 'yung kakambal ko. Wee!

Nag-alisan na 'yung nga tao. I felt sadness. Kasalanan din naman n'ya kasi. Kakatransfer pa lang, balak ng makipaglandian? Low class brats, bakit sumasakit ang ulo ko sa inyo?! Umalis na din 'yung tatlong ungas na babae.

"Hoy panget! Myghad! Making a scene talaga 'no?" sabi ko. Ngumiti lang s'ya ng nakakaloko, "Hirap talaga kapag pogi.." I lost my jaw.  Bumagsak na sa lupa at nagkalasog lasog na.

"Tss kapal mo naman!" tapos inakbayan n'ya ko. "Ugh! Bigat ng kamay mo!" tinampal ko pa 'yung braso n'ya.

***

Napadesisyunan namin na pumunta sa park ng school. Oh yes, may park sa loob ng school namin. And maganda pa rito, may mga food stalls and everything. Natatamad kasi ako magdescribe ng lugar na 'to basta nasa park kami. Tapos ang usap. Nakatayo ako sa isang bench habang 'yung kapatid ko naman nakaupo. Nakakamiss din pala 'yung douche na 'to.

"Alam mo, ang hard mo kanina!" sabi ko sa kan'ya. Napalingon naman s'ya sa akin sabay taas ng kaliwang kilay. Bakit ang cute n'ya kapag nagtataas s'ya ng kilay? Bagay na bagay. Ang astig ba!

"Look who's talking. Sinong mas hard? Ako o ikaw na sinabihan 'yung babae kanina na that she must wear her undies?" he said. Shoot! Nakita n'ya pala at narinig 'yung commotion ko kanina. I can't blame him, keen observer nga pala s'ya.

"Ano ba dude! S'ya kaya ang nauna! Mas hard ka pa din! Pinahiya mo pa 'yung tatlong girls sa maraming tao!" sabi ko naman. Nakatayo pa din ako sa bench. Feel ko lang na tumayo.

"That's her fault. Ikaw din naman maraming nakanood sayo ah?"

"Ayun nga. Nandoon na tayo Tristan ah. Babae pa din 'yung inano mo kanina. You should respect them." paliwanag ko.

"Ikaw din naman ah? Babae din 'yung nakasagutan mo kanina" nagkakanda haba pa 'yung nguso n'ya sa paliwanag.

"Hindi ka talaga papatalo 'no? My point is, you are a man now. You should gave them a little pity."

"Oo na. Oo na. Ako na mali. Sila naman kasi 'yung may kasalanan. They kept on following me. They kept on asking my private number. What the heck."

Ganyan ang mga first class witted snob guy, alam nila kung tama sila o mali. They say sorry if ever na alam nila na they were wrong. But remember this, hindi sa lahat ng panahon dapat mag-sorry. Kung di mo kasalanan, aba wag kang magsosorry.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon