Chapter 38 - His Warning

365K 8.7K 1K
                                    

Chapter 38 - His Warning

"So monster. Bawal ka lumampas sa line na 'to. Tandaan mo yan. Itong part na 'to hanggang sa guhit, teritoryo ko 'yan. Tapos 'yan, sa'yo yan. Huwag kang magkakamaling humiga sa teritoryo ko kasi alam mo na. Gugulpihin kita.." pagbabanta ko sa kanya. Kanina pa kami nagtatalo kung saan kami pupwesto at napagdesisyunan namin na ganito ang magiging sistema namin.

"Asa ka namang gagalawin kita. Wala naman akong mahahawakan sa'yo. Tss!" pabulong na sabi n'ya. Pero narinig ko pa din. Kaya nabigyan ko s'ya ng malakas na hampas sa braso n'ya, "Aray naman! Sadista mo talaga! Oo na! Asa ka namang tatabi ako sa'yo eh ang baho mo. Tsk!" 

"Huwow! Nahiya naman ako sa amoy mo! Grabe ka! Amoy lotion pa din ang balat ko!" inamoy ko pa yung braso ko. Nakita ko namang ngumisi si Monster, "Hoy freak, wag kang magkakamaling halikan ako kapag matutulog ako. Kundi nako.."

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! GRABE! Ako hahalikan ka? Ikaw nga nanghahali--" tinakpan ko ang bibig ko. Narealize ko ang sasabihin ko. Wahhh! Bakit ba umeentrada na naman ang pesteng accident kiss na 'yun. Kadiri! Kadiri! Wah! 

"Hahahahahahaha! Hindi ka maka-move on?" tawa s'ya ng tawa. Peste naman kasing bibig 'to. "Move on move on din pag may time.." 

"Heh! Wag mo kong kausapin! Matutulog na ko!" inirapan ko s'ya at pumikit na. 

"Matutulog ka na? Ayaw mong magstar gazing? Ang ganda ng langit oh. Ang daming bituin.." sabi nya. Idinilat ko ang mata ko at nakita ko s'yang nakatingala sa madilim na kalangitan. Seryoso lang s'ya as in. 

"P'wede ba huwag muna tayo mag-away? No hates muna oh?" sabi n'ya. 

"Ikaw kaya nang-aaway!" protesta ko ulit. Bwisit na 'to. Ako pa daw ang nang-aaway. Eh s'ya yung malakas mang-asar. Ha ha ha! Patawa s'ya masyado. "Kakasabi ko lang diba? Naguumpisa ka na naman.." sabi n'ya ng seryoso. 

"Oo na. Kwentuhan mo na lang ako.." pagsagot ko sa kanya at itinikom ko na ang bibig ko. Baka magalit na naman yung isang bipolar sa tabi ko. Psh! 

Russel Liam's POV

"Ano ba? Kanina pa wala si Princess? Where is she?"  I asked Carl. 

"Hindi ko alam. Kasama ni Terrence diba? Hala! Baka naglunuran na ang dalawang 'yon!" exagg na pagkakasabi ng OA na 'to. "Baka binaon na ni Terrence si Master sa ilalim ng lupa! Wahhh!!" 

"ANO BA CARL? WILL YOU SHUT UP?!" sita ko sa kanya. Madilim na at nag-aalala ako sa kanilang dalawa. Lalong lalo na kay Princess. I mean, anong oras pa ngayon? 7PM? 8PM? I can't tell what the exact time 'coz I don't have watch here. 

Hindi na ako mapakali that's why I call for our Prof's attention. Bahala na. "Terrence and Princess isn't yet here. Hindi pa sila nakakabalik." I said dIrectly. 

"Really? Asan ba sila?" he asked. Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa frustration. Ano bang klaseng prof 'to? Hindi man lang nag-head count? Tss. Tapos ngayon ganyan ang itatanong n'ya? What's with this old man? 

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon