Chapter 50 - Secret

355K 8.9K 1.4K
                                    

So, here is Chapter 50. Enjoy this one. Keep sending book trailers, covers, fanarts and etc. Add the characters on fb. Thank you!

Chapter 50 - Secret

Umuwi na kami sa bahay. Wala namang nangyari sa school, just a normal day for me. Seatwork, quizzes, exams, recitations and etc. Despite the fact na si Carl ang naging kapartner ko since absent ang kapartner n'ya. Most of the time, magkukwento lang s'ya at ako ang nagsasagot ng seatwork namin. Psh! Walang kwentang kapartner.

"Isabay ko na pauwi yung kapatid ko." sabi ni Tristan. Bigla bigla na lang s'yang sumusulpot. -___- 

"A'right. See you Princess tomorrow." nagbeso sa akin si Liam. "Alis na ko Tristan." pagpapaalam n'yan. Sinamaan lang s'ya ng tingin ni Tristan.

Noong nakaalis na si Liam doon lang nagsalita ulit si Tristan, "What was that for? Nanliligaw ba sa'yo yun?" he asked. Sumakay na kaming dalawa sa kotse n'ya.

"What? Answer my question!" isinaksak n'ya ang susi at inistart na ang kotse. "Yup, he's courting me." simpe kong sagot. Wala naman akong reason para i-deny 'yun.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na nanliligaw pala 'yun? Huh?" naiinis n'yang sabi.

"Ay kailangan ipaalam sa'yo? Ganon?" tanong ko sa kanya. Tinaasan n'ya naman ako ng kilay, "Of course. Kapatid mo ko. We're twins.. kaya dapat malaman ko yung nangyayari sa'yo." depensa n'ya.

Hinayaan ko na lang s'ya magtatalak hanggang makarating kami ng bahay. Hindi ko na nga pinapansin ang mga sinasabi n'ya. Like duh! Possessive na ang dating sa akin. "Clingy.." panunukso ko sa kanya.

"Protective lang." simple n'yang sagot. Kunwari naniniwala na ako sa kanya. Kaya naman pumasok na kami sa bahay. Matutulog na lang ako.. masyado akong napagod ngayong araw.

Nagising na ako ay umaga na pala. Grabe, ang sarap talaga matulog. Nag-stretching muna ako bago ako pumunta ng banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at ginawa anang iba't ibang ritwal ko. Hinalungkat ko ang phone ko na tumutunog, "Good morning beautiful!" isang text message galing kay Liam. Sino ba namang hindi magogood vibes kapag tinext ka ng ganyan. Sasabihan ka ng maganda tuwing umaga. Syempre lahat naman ng babae ay matutuwa diba?

Marami pa akong text messages na binasa, kay Carl, kay Steph at kung kani-kanino pa. Bahala sila. Minsan kasi nakakatamad magreply to the point na nakakatamad talaga. Gets n'yo? Hindi ko rin gets eh.

Anyways, back to our routine. Pagkalabas ko ng bahay. Nakita ko kaagad si Liam sa kotse n'ya. "Masteeeeeer!" napasapo na lang ako sa noo ko noong makita ko si Carl na nakadungaw sa bintana ng kotse ni Liam.

"Anong ginagawa mo dito?" nakapamewang na tanong ko sa kanya.

"Malamang sasabay ako sa inyo. Hehehe!" nagpeace sign pa s'ya. Tiningnan ko naman si Liam, "Makulit eh. Nakitulog sa bahay.." sabi n'ya.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon