Chapter 27 - Duet

509K 8.9K 1.4K
                                    

Chapter 27 - Duet

Napatingin sa dalaga si Terrence. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Paano nga naman nagkakilala ang dalawa na 'to. Hindi naman palalabas ang kapatid nya kapag nasa mansion. Kahit may hinala na s'ya na si Trish at si Tristan ang nakakuha kay Stefan nung mga panahong nawala ito sa mall ay hindi pa rin s'ya makagawa ng kongklusyon.

Hindi na ulit sya binagabag ng mga nasa isip nya kanina. Pinilit nyang kalimutan ang mga salita na pilit na bumabaon sa isip at puso nya. Pinilit nyang naging masaya.

Babawi s'ya sa dalaga.

Hindi sya aalis ngayon. Kanina kasi noong nakita nya si Quencess ay gusto nya itong komprontahin at lisanin ang lugar na 'Yon. Pero naisip nya na kapag ginawa nya yun ay pwedeng mapahiya si Trish. Kaya pinili nyang mag-stay at ipagpatuloy ang takbo ng contest.

"Andwu.. I'm gonna watch you. Errr.. so this is my future girlfriend..Be nice to her!" tuloy tuloy na sabi nito.

Awtomatikong napa-drop-jaw na lang s'ya. Ibig sabihin? S'ya din ang binibidang babae nito na nakapulot sa kanya sa mall.

Hindi maka-imik si Trish. Hindi nya din kasi alam ang sasabihin. Alam nya na kapatid ni Stefan si Terrece. Pero si Terrence ay walang kaalam-alam. Ang alam lang ni Terrence ay boyfriend ni Trish si Tristan, na imposible namang mangyari.

"Why did you know them?" he asked his younger brother. Trish got stiffened on his question, she don't know what to do and what to answer. Beside her is Tristan, who is staring blankly on Stefan and Terrence.

"I told you Andwu.. when we crossed our paths. I'm going to introduce her to you.." he cooly said.

"Munchkin.. later.. galingan mo!" paalam ni Tristan dito at marahan pang tinanguan at kumindat 'to sa dalaga.

Gulong gulo ang isip ni Terrence. Masyadong naguguluhan sya sa pangyayari. Ngayon pa na may dumagdag pa sa isip nya na mas nakakagulo.

"Teptep!" tawag ni Trish dito. Lumingon naman yung bata at tumingin kay Trish sabay ngumiti, "Why babe?" he asked. Hindi alam ni Terrence ang gagawin sa kapatid gusto nitong pingutin uto sa tenga.

"I missed you! How are you na ba?" she asked. Namiss lang talaga ni Trish ang kapilyuhan at kaastigan ng bata na 'to. "I'm fine..by the way babe, I don't know that you and Andwu knows each other.. What a small world.."

"So totoo nga? Kapatid mo nga si monster? Di halata! Mas cute ka eh!" sabi naman ni Trish sabay tingin kay Terrence.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon