Chapter 29 - Mess

422K 9.9K 1.5K
                                    

Read before you Vote

Chapter 29 - Mess

Pumasok ako kaagad sa loob ng bahay. I mean sa loob ng malaking bahay. Hindi ko alam kung anong pwedeng itawag sa bahay namin. Basta bahay. Ano na naman ba kasing naisip ko at hinalikan ko si Liam sa pisngi nya? 

Wala naman sigurong masama sa ginawa ko diba? It was just a kiss. A thank you kiss to be exactly. Napakabait nya sa akin. Marami na din syang nagawa sa akin. He makes me happy. Kagaya na lang ngayon na he was there para pagaanin ang loob ko. 

I don't know what is happening to me. Ako rin ay nagtataka sa nararamdaman ko. Oy freak, bigla na lang sumagi sa isipan ko yung boses ni Monster. Ay shet! Bakit ba lagi nila akong ginugulo. Bigla naman akong natakot sa magiging reaksyon ni Monster. Hindi naman ako ganito. Maybe, wala akong paki sa nararamdaman ng iba pero iba na talaga ngayon.

Wala naman s'yang pakialam kung manghalik ako. Sino ba s'ya para sumali sa buhay ko. He was just my master. I'm just his slave. He called me freak and I call him Monster. What's with that diba? We're so harsh against each other. Imposible, madevelop kami sa isa't isa. 

Pero habang iniisip ko na pwede kayang madevelop kami ni Liam. Hmm, wala naman imposible right? Pero yung puso ko, ay ewan ko ba. May side ng utak ko na boses ni Monster ang naririnig ko. Nababaliw na ba ako? Nahahawa na ata ako sa kabaliwan ng bestfriend ko. 

Hindi ko pa nararanasan ang ma-inlove. No boyfriend since birth, at hindi ko idedeny yung fact na yun. Ano pa bang rason para ipangalandakan ko sa iba na nagka-boyfriend ako, wala naman talaga. So why bother? Isa pa, sa haba ng hair ko. Hindi ako makapamili sa mga suitors ko. Ehem. Ganda ko talaga noh? Hirap talagang maging maganda. 

Nag-ring ang phone ko. Kinuha ko kaagad sa coffee table. Itinuon ko ang tingin ko sa name ng tumatawag..

"Steph Daldal"  so ngayon pa s'ya tumawag ngayon na, nabugbog na ko't lahat. Nasaan s'ya nung mga panahong kailangan ko s'ya. Ngayon pa na okay na ko, dun lang sya magpaparamdam. Tss! Nakakatampo. 

In-accept ko kaagad ang call. Wala namang dahilan para i-decline. Nakakamiss din yung madaldal na bestfriend ko na 'to. Baka mabaliw ako ng tuluyan kapag ipinagpatuloy ko pang kausapin ang sarili ko. 

[Trishy!!! Bakit ang tagal mong sagutin?!] tinaasan nya pa ko ng boses. Akala mo kung sinong concerned citizen. Kung magkaharap kami ngayon malamang nabatukan ko na 'to. Sakit sa eardrums eh. 

"Kasi matagal. So why calling?" pag-iiba ko ng topic. Baka hindi ako makapg-pigil at ipalamon ko sa kanya yung kamao ko. Joke haha!

[Aish sungit! Oh ano. Kamusta ka na? Balita ko nabugbog ka hahahaha. Omg! Hindi ko nakita...sayang..]

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon