Chapter 17 - Trunks

461K 9.6K 1.5K
                                    

Chapter 17

Nakarating kami kaagad ni Tristan sa bahay. Nagtatalo pa din kami. Pakelamero kasi. Bakit ko ba kasi pinahawak ang phone ko sa katulad n'ya? Damn it, bakit ba hindi ako nag-iisip sa mga ginagawa ko? I am so careless.

"Ugh! Nakakainis ka! Kung anu ano ang pinagsasabi mo!" patuloy pa rin ako sa pagsuntok sa braso n'ya, aish! Nakakainis talaga! Hindi ko alam kung lalaki nga ba talaga s'ya dahil sa pagkapakilamero n'ya at talagang napakadaldal n'ya hah? Kung anu ano ang sinasabi. Yan tuloy nakatikim s'ya ng power punch at super kick ko. 

"Isa na lang talaga Princess Trish Lua. . .isang suntok pa. .ako na ang susuntok sa'yo.." pagbabanta n'ya. Napalunok ako ng wala sa oras, he called me on my full name. Ugh! Nakakainis! Seryoso s'ya n'yan. Ibig sabihin baka posibleng suntukin n'ya ako macomatose ako ng wala sa oras. Baka isang suntok n'ya ay liparin na ako sa sobrang lakas ng impact. Kaya minabuti kong itigil 'yung pambubugbog ko sa kanya. Mahirap na at baka mapunta ako sa heaven ng wala sa oras, mawawalan ng modelo para sa kagandahan..ay kadysosahan pala. 

"Aish! Ano ba kasing sinabi mo sa kanya! Kakainis ka! Bumalik ka na nga ng Korea!" sigaw ko sa kanya at pumasok na ako ng bahay. Pero syempre joke lang 'yung Korea thingy na y'un. Miss na miss ko yung tukmol na 'to, e. 

Sakto namang pababa si Papa sa hagdan. Kaagad n'ya kaming nginitian na dalawa at lumapit sa amin, "My princess.." sabi n'ya tapos nag-hug ako sa kanya. Gawain namin 'yan. Nakita din ni Papa si Tristan na kakapasok lang. "Prince.." sambit ni Papa. Lumapit naman 'yung ungas at yumakap pabalik kay Papa.

"Ehem.." sambit ko. Napalingon naman sila sa akin. "Let's eat.." aya ko sa kanila at nagpunta na kami ng dining room.

Yung inis na 'to, ikakain ko na lang. Mabuti pa nga..

***

Carl Gonzales

Nasaan kami ngayon? Andito kami sa shooting place ng aming music video. Malapit na kasing magrelease ng album. Sold out na naman 'yun for sure. Baka makadouble platinum kami kaagad pag inilabas 'yung album. Wala e, heartthrob plus talent. Noong nagpaulan ng kagwapuhan si Lord, ako ang nagdodonate. Ahem! Nagsasabi lang ng totoo, huwag mo ko irapan. 

Yung shoot ngayon ay magagananap sa isang swimming pool. Anong gagawin namin sa swimming pool? Malamang nakadisplay ang naggagandahan naming katawan para expose ang aming mga abs, biceps at triceps. Hay nako, ang hirap talaga kapag gwapo. 

Ganito lang naman ang gagawin namin, sisisid sa ilalim ng tubig. Alangan namang sa lupa diba? Masakit 'yun. Hehe! Magtatampisaw, papaagusin ang tubig sa katawan para magmukhang hot, ah basta! Basta pogi ka, kahit anong gawin mo hot ka pa din. 

Mahigit sa dalawang oras na kaming nakababad sa pool. Kaya nagdecide si Direk ng pahinga muna. Mabuti naman, ang akala ko ay babarin kami sa swimming pool at ibbreed para gawing isda. Ang gwapo ko naman para maging isda. Tsk! 

Kasalukuyang nakaupo ako sa isang beach chair. Basta nakaupo ako at nagpapatuyo ng katawan. Syempre, looking hot pa din tingnan. Hehehe! 

Kung itatanong n'yo o kahit huwag n'yo na itanong ay sasabihin ko pa din kung nasaan ang mga kasama ko, ang masungit ko na kaibigan na nag-ngangalang Terrence, ay prenteng nakaupo sa isang recliner chair. Like a boss talaga ang isang 'to, minsan tuloy ay naiinggit ako dahil kaunti lang ang pinpagawa sa kan'ya. Pero mas swerte ako sa kan'ya, wala akong striktong tatay at bossy na kapatid. Hays, buti na lang ay napagtanto ko na mas gwapo ako. 

"Matagal pa ba yung shoot?" tanong ko kay Kurt na busy sa kakaselfie. Kahit kailan talaga ay napakavain ng isang 'to. Minu-minuto ay nag-uupload sa kanyang social networking accounts. Tsk, bakit n'ya kaya trip 'yung mga ganun? Eh, ang panget n'ya pa naman. 

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon