48.Two-Faced Devil

510K 13.4K 923
                                    

A/N: Belated hapi bday to CRIS PARAS, from your thoughtful friend KISSMEXOI. This chapter is for you, darling. Thanks for reading.

To all: We have few more chapters to go guys. Kapit lang. hehe. Thank you sa pag aantay.

Plz vote and comment pa din po.


Kahit masakit ang balakang at paa sinikap niyang bumangon at agawin kay Christian ang pinagtatawanan nitong picture. Yun ang picture na aksidente niyang naipasok sa bag niya at pinadala sa Papa niya nung mga panahong wala siyang maapuhap na fake boyfriend. Namula siya sa sobrang inis at sa pagkapahiya.

Tiningnan niya ito nang masama pagkakuha niya ng picture.

"Ano masaya ka na? Nag eenjoy ka pag may napapahiya ka eh noh??" namumula at seryoso niyang sabi.

Nawala ang ngiti sa pisngi ni Christian, napatitig din ito sa kanya.

"I'm sorry, I didn't mean to..."

"Oh you mean it! I know!" singit niya. "Natutuwa ka sa tuwing napapahiya mo ako, at lagi mong ginagawa sakin to! Lagi mo akong pinapahiya!"

"Vee, I'm just happy you're keeping my picture, yun lang.."

Umiling siya. " Hindi ako naniniwala sayo. Tss. You even told me na sinabi mo kay Mama ang nangyari sa Italy kahit hindi naman pala, anong gusto mong palabasin ha??"

Hindi ito nakasagot. Nakakatawang nagdadrama siya ngayon sa harapan nito na walang anumang saplot sa katawan maliban sa maiksing tuwalya. Pero itatawid niya to. Sa sobrang sama ng loob niya kay Christian, sasabog siya kapag hindi niya nasabi ang lahat ng mga hinaing niya dito.

"Vee..."

"Stop! I want you, jerkface, to listen to me. I don't care if you are the great and the powerful Christian Demetri of Princes of hell. Wala akong pakialam kung kunin mo ang lahat sa akin pagkatapos nito. Pero I refuse to become one of your toys, wala kang karapatang paglaruan ang damdamin ko, higit sa lahat wala kang karapatang saktan ako ng paulit-ulit!

Ang nakakaasar sayo, kung umasta ka ngayon parang walang nangyari, parang hindi mo ako binalewala ng ilang beses sa Italy. Parang hindi mo ako pinagsalitaan ng masasakit na salita! Alam mo ba kung ano ang naramdaman kung nung umagang nagising ako pagkatapos ng nangyari sa 'tin at mag isa lang ako sa kwarto? I felt so empty and used, pakiramdam ko isa akong basahang itinapon pagkatapos pagsawaan, you even have the nerve to fuckin tell Paola to show me my way home!!" She wanted to cry. But she knew she was done crying.

"The truth about it is, I felt like an asshole the next morning. I'm pretty sure hindi mo alam ang ginawa mo nung gabing yun coz you were under the spirit of alcohol. I realized I took advantage of you at wala akong mukhang ihaharap paggising mo. Nahiya ako sa ginawa ko kaya iniwan kita. Bukod dun, natakot akong mas lalo mong ikagalit kong mabubungaran mong katabi mo ako kinabukasan na hindi ka na lasing. I didn't have the permission to touch your body kaya alam kong magwawala ka. gusto kong malinaw ang isip mo pag nagkaharap na ulit tayo. I just gave you time to think and to sort things out...."

" I asked you to marry me, hindi ka nakasagot.."

"That's because I'm not sure if that's what you really wanted! Hindi mo nga ako matanggap na boyfriend mo, asawa pa kaya? Naisip mo lang yun dahil sa nangyari, for heaven's sake lahat halos ng babaeng navirginan yun kaagad ang iniisip at alam kong ganun ka rin. Nabigla ka lang." Tumitig ito sa kanya na para bang nasasaktan at nahihirapan din ang damdamin. " If I'm going to ask you to marry me now, papayag ka kaya?"

Sinubukan niyang basahin ang iniiisip nito pero hindi niya magawa.

"Hindi ko alam...hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa yang mga sinasabi mo ngayon. Sa dami ng babaeng nauto mo at sa dami ng kasinungalingang lumabas diyan sa bibig mo, hindi ko na alam kung alin ang totoo sa mga sinasabi mo.....I'm not marrying a man I don't trust."

WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now