10. The Reunion

484K 14.7K 902
                                    





Vee almost wished she could die at this very moment. Nakailang buntong-hininga siya bago makumbinsi ang sariling kailangan na niyang bumaba mula sa kanyang red BMW at pumasok sa school upang masilayang muli ang mga dating kaklase. Sa totoo lang, alam niyang makikipagplastikan lamang siya sa mga iyon. Gusto niya lang paunlakan ang imbitasyon ng mga dati niyang professor na malaki ang naging papel sa success na tinatamasa niya ngayon.

Nagdamit siya ng enggrande. Pinasadya niya pa sa isa sa mga kilalang celebrity fashion designers ng bansa ang kanyang suot. Tonight she was wearing a 2016 luxurious one shoulder white evening dress with sparkling beaded crystals and a very provocative side split na bumubuka kapag naglalakad siya. Dahilan para masilayan ng iba ang mahahaba at magaganda niyang legs. Malambot din ang tela nitong humahakab sa perpektong kurba ng kanyang katawan giving her a taller and even more slender figure.

 Malambot din ang tela nitong humahakab sa perpektong kurba ng kanyang katawan giving her a taller and even more slender figure

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

She wore a sinfully red lipstick and let her long dark brown curls cascade her back. Taas noo siyang naglakad patungo sa malawak na open field ng school kung saan naroon ang maliit na entablado.

Ang totoo, dinaan niya sa ganda at pa-eleganteng aura. Pero nanginginig na talaga siya sa kaba. Ang confidence na pinapakita niya sa mga taong nakatingin ay walang kasing peke. Gusto niya lang magpasilip sa mga professors tapos ay aalis na siya. Yun ang balak niya.

This was her most dreaded night! Her nightmare.

"Vee!!"

Napalingon siya. Si Mrs. Guzman, ang isa sa mga paborito niyang teacher. Nakangiti ito at excited na yumakap sa kanya.

"Good evening Professor!" bati niya dito.

"You look even more stunning darling. Sinasabi ko na nga ba't ikaw na naman ang magiging pinakamaganda sa gabing ito. Just like the old days!"

Napangiti lang siya sa compliment nito. Nang dahil may kalakasan ang tinig ng guro ay naagaw nito ang atensyon ng mga tao sa paligid. Nagsilapit ang mga ito, nakipag-beso sa kanya. Mga dating teachers, kaklase, pati na rin mga dating kaaway niya.

"It's so good to see you here Vee, mabuti nalang nakumbinsi ka ni Amanda na pumunta dito, alam naman kasi naming masyado kang busy sa company mo." sabat pa ng isang professor niya.

"Of course I'll be saving my time to see all of you. Namiss ko din po ang lugar na ito." sagot niya.

"The party will be starting soon, nabanggit din ni Amanda na kasama mo daw ang boyfriend mo ngayon Vee. We're dying to meet him! Base sa kwento ni Amanda, big time daw yung boyfriend mo.." Sabat ng isa niyang kaklase na hindi na niya matandaan ang pangalan.

"At super gwapo pa nga raw!" singit pa ng isa.

Nakagat niya ang ibabang labi. Pesteng Amanda yun! Alanganin ang ngiting pinakawalan niya sa mga ito.

"So where is your guy, Vee? Alam mo bang ilan sa mga tao dito nagpunta lang para makita ang boyfriend mong pinagmamalaki mo masyado." sabat ng isang dating myembro ng cheering squad ni Amanda. "Ang sabi ni Amanda, kahit pagsamasamahin lahat ng yaman namin hindi kami papantay sa boyfriend mo. So nasaan na siya?"

WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon