16. Teasing Black

456K 12.3K 1K
                                    



Naka idlip na sana siya nang pang anim na gabi nang biglang tumunog ang cellphone niya. Unregistered number ang tumatawag.

"Hello..." nakapikit pa siya nang sagutin iyon. Gusto niyang magalit kasi madaling araw na ay may nang iistorbo pa rin sa kanyang tauhan o kliyente ng opisina.

"Binibining Virgginn...."

Napabalikwas siya. Nanlaki ang mga matang kanina ay pikit na pikit na sa sobrang antok. Black was calling. After what, six days na walang paramdam?? Anong kailangan nito ng ganitong oras?

"Black?!"

"Amen!!"sabay tawa. He sounded drunk. " Buti naman kilalaaa mo pa ako..."

Nairita na naman siya. " Anong kailangan mo sa ganitong alanganing oras? Are you drunk??"

"Tsk.tsk.tsk. Nagsusungit ka na naman, I'm not drunk, tipsy, but not drunk."

"Nasaan ka?"

"Just outside my house, kainuman ko mga kapitbahay ko dito.."

"You mean, mga barkada mong tambay na walang magawa sa buhay?"pagtataray niya.

"Ouch. Sakit. Tagos. Ang shhuuunggit mo, pasalamat ka maganda ka..."

Sana nakikita nito ang pag irap niya. " Bat ka tumawag? Inaantok na ako matutulog na ako, dahil marami akong trabaho.."

"I wanna see you....I miss you baby Virgin...."

Natigilan siya sa sinabi nito. Lasing nga siguro ang mokong na to.

"Wag mo akong bolahin, hindi kita ililibre ng alak, mali ka ng babaeng tinawagan. Wrong number!" sa halip ay sagot niya. Malay ba niya kung inaalaska na naman siya nito.

Narinig na naman niya ang nakakalokong tawa nito. Sabi na nga ba't niloloko lang siya nito.

Iritadong pinatayan niya ito ng phone.

Ilang sandali ang lumipas.

Nakatitig lang siya sa cellphone.

Aba't wala pa yatang balak na tawagan siya ulit?

Nakakainis talaga ang lalaking yun. Kung namimiss siya nito dapat ay tawagan siya nito ulit.

Pero wala!

Niloloko lang siya nito talaga. Lasing lamang ito at walang ibang mapaglaruan kundi siya.

O baka naman siya lang ang nag iisang gaga na sumagot sa tawag nito ng madaling araw at ang iba ay hindi?

Nababaliw na rin talaga siya.

Hindi pa rin ulit nag ring ang phone niya??

Peste talaga!

Bumangon siya mula sa kama at nagpalakad lakad ng pabalik balik sa loob ng kwarto niya. Kagat niya ang hinlalaki. Iniisip niya kung pupuntahan niya si Black o hindi. Lasing na siguro ito masyado at mag isa pa naman ito sa bahay nito. Kung bakit kasi iinom-inom, wala na ngang pera nakuha pang uminom!

Sa huli ay hindi siya nakatiis, nagmadali siyang magbihis, ang mga kaswal niyang pambahay ang nadampot niya, maikling short na pinatungan niya ng spaghetti shirt at jacket.

Nakalabas na siya ng kwarto nang may maalala. Tiningnan niya ang sarili sa salamin.

"Namumutla ba ko?"

Kinuha niya ang lipbalm ay pinahiran ang mga labi. Matamis iyon, lasang cherry. Tapos ay nag spray na rin siya ng pabango bago lumabas ng bahay.


WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now