19. Love Game

415K 11.3K 841
                                    


Halos hilahin na niya ang oras upang makauwi na, hindi sa bahay nila kundi sa bahay ni Black. Gusto niyang malaman ang ugat ng tampororot nito. Hindi siya nito tinext. Sabagay, mukhang hindi naman nito gawain ang mag-txt.

Teka sandali, hindi ba siya susunduin nito? Alam naman nitong wala siyang sasakyan! Nakakainis talaga ang gagong yun!

Sinadya niyang magpa-late ng uwi, baka sakaling maisipan siyang sunduin nito. Pero pasado alas-otso na ng gabi ay wala pa rin itong paramdam. Tinawagan na niya ang guard sa baba, nagtanong siya kung may nag aantay na sa kanya pero wala daw. Inonotify na lang daw siya pag may dumating. Haist! Kaasar!

Nag-ring ang phone niya.

Naexcite siya!

Pero kaagad ding napawi nang ang mama niya ang nakita sa call register.

"Ma?"

"Vee, wala ka na bang balak umuwi? San ka natulog kagabi? Kanina pa kita kinokontak hindi ka sumasagot."

Napagat siya sa labi. Oo nga pala, nakalimutan niyang replyan ang Mama niya kaninang umaga.

"Ba't di ka sumasagot? Si Black ba kasama mo kagabi?"

"Eh..Ma...."

"Anak naman! Sana hindi na kita pinilit na magboyfriend noon kung ganito lang pala mangyayari. Wag mong sabihing may nangyari na sa inyo ng Black na yan, kibago-bago niyo!"

Wow. Alam agad ng Mama niya na si Black ang kasama niya kagabi? At anong sinasabi nitong may nangyari na sa kanila?

"Mama naman, wala no!"

"Oh ba't ang tagal mong sumagot. Nagsisinungaling ka noh?"

"Hindi po. Sige na Ma, overtime ako. Tatawagan nalang kita mamaya."

Sabay patay ng phone. Na-iilang kasi siya sa mga tanong nito at hindi niya alam kung bakit. HIndi naman siguro siya aabot sa ganun with Black. Hindi pa siya nasisiraan ng bait noh, ang puring pinaka ingatan niya sa loob ng dalawamput' anim na taon isusuko niya ng ganun-ganun na lang? And of all people, sa isang lalaking gwapo nga, pero tambay naman?

Pinilig niya ang ulo. Hindi talaga! Ni hindi nga siya sigurado kung gusto siya nito. Wala siyang tiwala sa lumalabas sa bibig nito dahil parang may kakambal na bola ang lahat ng sinasabi nito, tapos parang sanay na sanay itong mambola ng babae.




Ilang sandali pa, hindi siya nakatiis. TInawagan niya si Black.

Matagal bago ito sumagot. "Di mo ba ako susunduin?" bungad niya.

"Driver mo ba ako?"

Tumaas ang kilay niya.

"Di ba nandyan sayo ang kotse ko."

"Oh anong gusto mong gawin ko dito, paliparin ko papunta sa opisina mo?"

Nag init ang ulo niya. Gutom siya, pagod siya, masakit ang utak niya, tapos babanatan siya ng ganito ng lalaking to?!

"Ano bang problema mo?!"

"Ikaw ang problema ko. Di ba wala kang gusto sakin?"

"At anong problema mo dun?"

"Malaki."

Napanganga siya. Mabuti na lang hindi siya nito nakikita dahil mukha siyang tangang naka-awang ang mga labi. Pinilig niya ang ulo. Hindi siya magpapadala, niloloko lang siya nito. Kung ganun sasabayan niya ang trip nito.

"Black, its almost 9pm already. Takot akong mag taxi sa oras na ito, please lang pakisundo ako dito."

"Masakit ang puso ko. Ayoko."

"Please?"

"Ayaw."

"Tsk. Oh sige na, may gusto na ko sayo! Puntahan mo na ko, dahil baka hindi kita matantiya!"

Narinig niya ang tawa nito sa kabilang linya. Niloloko nga siya nito. Ok lang, niloko din naman niya ito. Patas lang sila. Ang kaso, hindi iyon ang sinasabi ng puso niya. Bahala na nga! Ang importante sa kanya ay ang masundo nito para makauwi na siya.




Ilang minuto lang the guard from the lobby called her. Dumating na daw ang inaantay niyang sundo. Sinulyapan na muna niya ang sarili mula sa table mirror, inayos ang buhok, saka bumaba.

Naabutan niya si Black sa harap ng building, nakasandal ito sa motor. Malawak ang ngiti sa kanya. Siya pa talaga ang lumapit dito, di man lang nag abalang salubungin siya. Ang tindi talaga ng hangin nito sa katawan.

"Magandang gabi Binibining Virgin na may gusto sa akin!"

Inirapan niya ito.

"Mas maganda ako sa gabi. At wala akong gusto sayo, gusto ko lang ng susundo sakin, dalhin mo ko sa kotse ko ngayon din!"

Nawala ang ngiti nito, napalitan ng asar. " Ano sinabi mo? So inuto mo lang ako?"

"Obvious ba?!"

His eyes narrowed on hers. GUsto niyang matawa sa reaksyon nito. Bumukol ang dila nito sa pisngi na tila madaming sasabihin pero hindi alam ang uunahin. "Ang lakas mong mang-badtrip, nagmadali pa naman akong pumunta dito tapos sasabihin mo lang sakin na inuto mo lang ako. Ito makinig ka ah, wag kang masyadong bilib sa sarili mo. Hindi ka naman talaga masyadong kagandahan, maputi ka lang. Tapos wala ka pang dede, nakaharap ka na ba sa lagay na yan? Akala ko kasi likod mo yan!"

Talaga namang napikon sya sa sinabi nito, kung makapintas daig pa ang tsismosang bakla!

"Iniinsulto mo ba ko?"

"Hindi. Pinupuri nga kita eh! Hmm, ang sarap mong butasan ng pagkatao! Nanggigigil ako sayo!"

"Iuwi mo na ako! Ngayon na!"

"Iuwi ka? Matapos mong sabihing inuto mo lang ako? Tsk.tsk.tsk. Aalis tayo dito pero sa langit kita dadalhin, hanggang sa magbago yang pagtingin mo sakin!"

"Bastos kang talaga--"

"Sakay!" sigaw nito sa kanya.

"Nababaliw----"

"Sinabi nang sakay!"

Padabog siyang umangkas sa motor nito.



I'll continue this chapter very soooonnnn.....


A/N Gusto ko pa sanang magsulat. Kaso kailangan ko nang matulog. Haha. May pasok pa mamaya, hayyys. Walang edit-edit to ah. Sensya na sa mga lapses.


WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now