40.The Devil's Proposition

476K 13.4K 1.7K
                                    


She was able to contact Rebecca Victoria. She said Drico DiVanne will be in Italy for a business meeting, pero limited lang ang time na pwede niya itong kausapin. Siningit siya ni Rebecca sa pang 7pm nitong schedule. Ang masama kailangan niyang gawin at pagpuyatan ang mga bagay na ilalatag niya dito para makumbinsi niyang tulungan siyang ibangon ang kompanya niya.

She was in a classy restaurant courtesy of Jeth, ito ang nagprepare ng venue kung saan pwede niyang kausapin si Drico. Maganda ang restaurant, first class iyon sa Italy at halatang mamahalin ang lahat ng nasa paligid. Limitado lang din sa mayayamang tao ang pwedeng pumunta sa lugar. Kailangan ng reservation, hindi pwede ang basta-basta na lang papasok, nililimitahan nila ang crowd dahil ang sabi pa ni Jethro madalas sa mga parokyano ng lugar ay maseselan.

She was 15 minutes early. She prepared a classy business suit that night, sinigurado niyang presentable siyang haharap sa Prince of Hell number two. Alam niyang hindi ito basta-bastang business man na kakaharapin niya, isa ito sa pinakamalalaking isda ng business world. At kapag pumalpak pa siya dito, she was doomed, hinding-hindi na siya makakabangon.

Ilang sandali pa napansin niyang nagsitayuan lahat ng crew ng restaurant at luminya sa may entrance. Tapos ay namataan niya ang pagpasok ng isang pares ng bagong customer doon. Hindi magkandaugaga ang manager ng restaurant sa pagbati sa mga ito. Mga espesyal na tao? Tapos ay kumaway sa kanya ang babaeng bagong pasok.

Teka, siya ang kinawayan? Si Rebecca ba yun? Kilala niya si Rebecca, she saw her in pictures pero hindi niya maaninag ang itsura nito dahil sa distansya. Wala siyang eyeglasses at wala din siyang contacts, kasalanan ng mga mata niyang palyado! Pihadong si Drico Antonio DiVanne na ang kasama nito.

Tumayo siya. Nanginig ang tuhod niya, pakiramdam niya kailangan niya ng tungkod! Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang igiya ng manager ng restaurant sa table niya ang dalawang bagong pasok.

Nang maglakad si Drico DiVanne palapit sa distansyang kayang aninagin ng blurred niyang paningin, mas lalong tumibok ng mabilis ang puso niya.

Drico DiVanne! The Greek Magnate, and one of the famous members of Princes of Hell.

Napalunok siya. He was a Greek God! Nyeta, literal! Greek God nga!

He was tall, lean and had a very athletic built. Ipupusta niya ang KOH-I-NOOR na pag-aari niya, punong-puno ng abs 'to sa tiyan! Nang tuluyan niyang masilayan ang mukha nito sa malapitan, halos malaglag ang panga niya. His face was a perfect creation of God. Ngayon sigurado na siyang may pagkaunfair si Lord ng slight. Bakit may mga tao Itong nilikha na angat sa lahat, kagaya ng mga Princes of Hell na to?? Kung illegal ang pagkakaroon ng over-over na kagwapuhan, at kamachohan nakakulong na ang lahat ng membro nito, at reclusion perpetua pa ang hatol!

DiVanne was, in his own way, very godly. Just like Christian. Hindi niya masabi kung sino sa dalawa ang mas gwapo dahil magka-iba sila ng physical features in so many ways. Siguro dahil Italyano si Christian at Griyego naman ang isang to.

"Good evening Mr. DiVanne, I'm Sabrina Vee Suarez! Nice meeting you, Sir." malawak ang ngiting pinakawalan niya nang magkaharap sila. Napapitlag siya ng abutin nito ang nakalahad niyang kamay at pisilin iyon ng bahagya bago bitiwan.

"Sabrina Vee Suarez..?" ulit nito sa pangalan niya, tapos ay kumunot ang noo, inaalala siya, para bang nakita na siya nito na hindi maalala kung saan.

Tapos ay binulungan ito ni Rebecca, siguro ay pinaalala ng babae kung sino siya. Kinabahan siya. Anong malay niya, baka close friends pala ang mga Princes of Hell, nalintikan na. Napatingin siya kay Rebecca, saka niya lang napansin ang Filipina features nito sa malapitan. Hindi na kasi halata sa sobrang ganda ng pagkaka-blonde ng buhok nito. Ganito ba talaga ang mga assistant ng Princes of Hell? Isa ba sa qualifications nila ang pagiging Dyosa??

WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now