39.Prince Vs. Prince

477K 13.3K 1.9K
                                    

It's been a while, but I'm back! Thank you so much fellas for patiently waiting!


******************************


Christian gave her quick instructions on how she should behave inside a high-end military jet fighter especially made for combat. Siya mismo ang pumili ng jet na sasakyan niya, ayaw niya sa ordinaryo, pinili niya talaga ang jet na pang totohanan at mabilisan ang lipad.

"Did you understand all these guidelines?"

Tanong nito sa kanya bago niya isuot ang helmet at sumampa sa pangalawang makipot na upuan ng jet sa likod ng pilot seat.

"Oo naman, hindi palyado ang utak ko, mabilis akong pumik-up noh." taas noo niyang turan kahit pa hindi siya sigurado sa sinasabi. Eh kasi naman habang nagpapaliwanag ito ng importanteng dapat niyang malaman bago sumakay ay nakatutok lang sya sa mukha nito, ang ilong niya nakafocus sa pamilyar at mabango nitong amoy, tapos amaze na amaze pa siya sa dami ng alam nito na para bang nagtraining talaga itong maging isang piloto at opisyal ng air force. Alam niyang mali, at dapat niyang pigilan ang sariling kagagahan pero, hindi niya talaga kaya. Pag lumalapit ito sa kanya para siyang bakal na hinihigop ng isang malaki at malakas na magnet.

Pasalamat na lamang siya sa bibig niyang natural na taklesa, kundi pahiya siya dito matagal na.

"Sigurado ka? Panu mag-eject in case of emergency?"

Shit, panu nga ba? Malay niya, kung sa totoong buhay nga, kaharap na niya ang isang pambihirang emergency sa katauhan ng prince of hell na to di nya magawang mag-eject! "Oo alam ko, hihilahin ko lang to." Nginuso niya ang bagay na yun. Napansin niyang saglit na napatitig si Christian sa mga labi niyang nakanguso kaya buong kagagahan niyang binaling ang mukha niya sa mukha nito na nakatusok pa rin ang mga labi. Ang haba ng labi niya pwede nang sabitan ng kaldero, kulang na lang pumikit siya, para bang nag iimbita ng halik.

Hindi natinag si Christian, inasahan niyang iiwas ito ng tingin, pero siya pa ang nahiya nang tumitig ito sa kanya, nakipaglaban ng tingin. Nangawit ang nguso niya kaya binaba niya.

"Mukha kang tanga, alam mo ba?" malamig pang turan nito.

Umangat ang kilay niya. "Nagpa-practice ako, ginagaya ko si Angelina Jolie kaya sinasanay kong magpout, wala kang paki."

"Ilusyunada." sabay irap sa kanya.

"Hoy, lalaking antipatiko, nagbago na ang isip ko, hindi kita gustong piloto, si Luca ang gusto ko kaya siya ang iharap mo sakin." hamon niya dito na nakataas ang kilay.

"Hah! Just who the hell do you think you are going around giving orders here? HIndi ikaw ang Boss dito baka nakakalimutan mo, kung ayaw mo akong piloto, makakaalis ka na. At wag kang magtangkang gumawa ng eskandalo dahil sa nipis ng katawang mong yan, hindi pagpapawisan sayo ang mga security guards dito. Ipapatapon kita sa labas, naintindihan mo?"

Napalunok siya.

"Sakay!" Dagdag pa nitong nanlalaki ang mga mata. "Hindi kaya ni Luca ang mga maneuvers na gusto mo, hindi pa siya masyadong gamay sa cockpit ng jet, kaya pasalamat ka, ako ang piloto mo, dahil ako ang pinaka-magaling dito!"

"Hangin! May bagyo ba?Yolanda version 2.0 ??"

She received a smirk from him. Tapos ay tinitigan siya ng masama hanggang sa siya na ang magtakip ng helmet sa mukha at sumakay. Naka-Black-mode ito eh, alam niyang hindi niya ito matatalo.

Kumabog ang dibdib niya dahil imbes na ang mga crew ang mag asikaso sa kanya, sa lahat ng mga safety measures na dapat siguruhin bago lumipad ay ito mismo ang gumawa. Para bang ayaw ipagkatiwala ang kaligtasan niya sa mga tauhan nito. Hindi niya alam kung kikiligin o maasar pa rin sa pagka-bossy nito.

WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon