41.Teenage Dream

518K 15.9K 4.2K
                                    


Hindi siya napigilan ni Jeth, siya pa nga ang nagdala dito sa pinakamalapit na bar na nadaanan nila. Pagpasok nila, mausok ang buong paligid marami ang nagsasayawan sa dancefloor at maingay sa buong lugar. Naroong nagsisigawan na ang mga tao, nagpapalakpakan at nagpapasiklaban ng sayaw.

Wala siyang pakialam, isa lang ang pinunta niya sa doon, yun ay ang makainom ng alak-- ng maraming-maraming alak. Gusto niyang makalimot sa sunod-sunod na problemang dumarating sa kanya, gusto niyang sumigaw at magwala sa dami ng kinikimkim niyang galit at sama ng loob sa mismong taong minamahal ng kanyang puso. Ang malas niya talaga, pwede namang ibang tao nalang ang nanggigipit sa kanya, bakit kailangang ang taong mahal pa niya? Doble ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing sinasadya nitong saktan at pahirapan siya.

Lumipas ang mga oras na hindi niya namamalayan kung nakakailang baso na siya ng alak na nilalagok, naging manhid na ang buong katawan niya na kahit gumuguhit ang init sa lalamunan niya na dulot ng matapang na alak na iniinom ay hindi na niya iyon alintana. Parang tubig na sunod-sunod niyang tinungga ang lahat ng iabot sa kanya ng bartender.

"Vee, tama na yan, nakakarami ka na!" Sita sa kanya ni Jeth na nakabantay lang sa bawat galaw niya. Napatitig siya dito. Ba't kaya napakabait ng taong ito? Kung naambunan man lang sana ng konting kabaitan sa katawan si Demetri, siguro siya na ang pinakamasayang nilalang sa daigdig. Kaso ay wala, zero ang score nito pagdating sa good manners and right conduct! Wala sa bokabularyo ng taong yun ang maging mabait sa kapwa!

"Anong nakakarami, nagsisimula palang ako! Uminom ka rin, ang daya mo naman!" Bumaling siya sa bartender. " Kuya, bigyan mo nga ng alak to!!" sigaw niya.

"Im sorry?" maang na tanong ng unipormadong bartender.

Tumawa siya ng malakas. "Oo nga pala, Italyano ka nga pala." sabay hagikhik pa. "I said, give him a drink!"muli niyang sigaw para marinig siya nito despite the loud sounds.

Tumalima naman ang lalaki, naintindihan ang sinenyas niya. Binigyan din nito ng alak si Jeth.

"Cheeeerrrss!!" aniya, sabay angat ng kopita.

Napipilitang sumunod na lamang si Jeth at uminom kagaya niya.

"Alam mo Jeth, nakakatawa noh? Naalala mo nung binasted kita? Siguro ang sakit-sakit nun sayo...? Ngayon alam ko na ang pakiramdam, naiintindihan ko na." Halos umiikot na ang paningin niya at nabubulol na rin siya sa pagsasalita. "Ang sakit pala noh? Ang sakit-sakit na mabalewala ng taong mahal na mahal mo..?? Durog na durog ang puso ko sa mga pinaggagagawa niya! Leche siya!"

Nakikinig lang sa kanya si Jeth, hindi alintana ilang beses na niya itong hinahampas sa dibdib.

"Sorry ah? I know I'm 5years late, pero sorry talaga sa mga nangyari noon, sana mapatawad mo ko!"

"Wala na yun sakin, Vee. Hindi ako nagtanim ng galit sayo, hindi mo naman kasalanan na hindi mo ako gusto eh--"

Tumawa siya ng malakas dahil sa sagot nito. Tapos ay lumagok pang muli ng isang basong alak. "Kinakarma ako, hahahaha, leche, kinakarma ako ngayon! Alam mo ba, yung buysit na Demetri na yun na sumasabotahe sa negosyo ko, mahal ko yun eh! Mahal ko ang hayop na yun! Ang tanga-tanga ko kasi mahal ko ang manlolokong yun." Bumunghalit pa siya ng tawa, na para bang aliw na aliw siya sa mga nangyayari. Pero ang totoo, nadudurog ang puso niya "Tapos hindi niya ako pinapansin ngayon, nakita mo kanina binati ko pa siya, tapos anong ginawa niya, nilampasan niya lang ako, para akong langaw na hindi man lang niya makuhang pansinin! Ang lupit niya!"

"Vee, tama na yan, lasing ka na.."

"Hindi! Hindi pa ako lasing, matino pa ang pagiisip ko! Di ko pa nga nakakalimutang sinabi niyang mahal niya ako! Sabi niya mahal niya ako!" Binayo pa niya ang sariling dibdib. Sabay tumawa. "Mahal niya raw ako, narinig mo?? Ako naman si tanga, naniwala, anak ng letche, sumunod pa ako sa kanya dito sa Italy dahil umasa akong totoo yun!" Nabitiwan niya ang hawak na kopita, nabasag iyon. Pero hindi pa rin siya nagpa-awat. "Inuto niya lang ako, ang gago inuto lang ako!!"

WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now